*KRIIIIIIIIIIING*
"Okay you may now have your break time."
Sinilip ko sa bag ko kung andon ang pitaka ko pero nawawala ito, kaya hinanap ko ito ng hinanap tinignan ko rin ultimo sa sahig dahil baka nahulog pero wala. Habang di ako mapakali hanap ako ng hanap
"Uhm hi!" Bati sa akin ni yuri na ikinalingon ko.
"Ah hello." Patuloy parin ako sa paghagilap
"Anything wrong?"
"A-Ano kasi nawawala wallet ko." Taranta kong sagot.
"Omy! Sige tulungan na kita maghanap."
"Marunong ka pala managalog?"
"Ofc! Why not? Hahahaha can we be friends?" Sagot nito
"Sure!"
Makalipas ang ilang minuto ng paghahanap di ko talaga mahanap napaupo nalang ako at iiyak na dahil nawala ko ito.
"Uy yuri salamat sa pagtulong hayaan mo na di nalang ako kakain." Sagot ko.
"Did you just call me yuri?? Wah i like it!! But wait pwede naman kita paheramin muna ng money since we're friends."
"Hindi sige ok----"
Naputol ang aking sasabihin nang tinawag ako
"Panget!" Sigaw ng kuya kong monggoloid.
"Ano ba?!"
"Luh ako na nga tong nagmamagandang loob ibigay wallet mo kase nasa bag ko. Oh eto ayan tatanga tanga di ka pa makakain sa ginagawa mo. Kumain ka na sibat nako kasama ko tropa ko eh."
"Sige salamat." Tangi kong sagot.
Bumaling ako kay yuri na tulala sa pinto? Eh?
"Woy! Bakit ka tulala?"
"Jowa mo yon?" Tanong nito.
"Kuya ko yon tange hahaha."
"Teh i think i have a crush na here sa school."
Unti unting nanlaki ang mata ko sa sinabe nito. Oh no way! Not my kuya! Mamaya saktan lang siya non maloko pa naman yon
"Crush mo si kuya?"
"Hihi i uhh ahm well i think yes ipagkakaila ko pa ba? Tara na nga kain na tayo look konting oras nalang baka makita ko pa boyfie ko sa canteen este kuya mo."
Iiling iling nalang at natawa ako sa inakto nito.
Pagkarating namin sa canteen ay konti nalang ang tao dahil ang iba ay tapos na pumila muna kami ni yuri para kumuha ng pagkain.
Makalipag ang ilang segundo ay una na ako sa pila pagkakuha ko ng tray ay lumakad na ako papunta sana sa upuan na walang tao ngunit may pumatid sa akin kaya natapon ang pagkain ko.
At hindi lang yon ang nangyare, nabasa ako ng tubig dahil binuhusan ako ng babae na alam kong pag iinitan ako.
"Oops sorry? Are you okay? Hahahahaha i didn't mean to i'm sorry." Tawang sagot ni celine
Narinig kong tumakbo papalapit sa akin si yuri at nagsalita
"Shocksss! Mikaaaa! Alalayan kita anong ginawa nila sayo?!" Tanong nito sa akin at inalalayan ako makatayo. Bumaling ito sa babaeng gumawa sakin nito.
"Who do you think you are? Akala mo ikinaganda mo yung ginawa mo? Wag mong sabihin sa akin na hindi mo sadya yon, my 2 eyes saw that!"
"Oh c'mon sweety bakit mo ipinagtatanggol yan? Ang ganda mo pa naman tapos sinasamahan mo yang nerd na yan? Samin ka nalang i don't want to have an fight with you sis so yeah better to shut up." Sagot nito.
"I don't care. Kung inaaway niyo si mika then kaaway niyo rin ako. Remember that." Huling sagot ni yuri.
At tumalikod na kami para pumunta ng cr para magpalit. Buti nalang may extra tshirt akong dala sumaglet muna kami sa room para kuhain ito as usual lahat ng kaklase namin nakatingin at bawat students na nakasalamuha namin.
Ilang minuto ay nakapagpalit narin ako pero hindi na kami nakakain ni yuri dahil tapos na ang break time.
"Yuri sorry nadamay ka pa, hindi ka nakakain." Nakayuko kong saad
Inakbayan naman ako nito.
"Hey okay lang, actually busog pa naman ako kaso iniisip kita baka gutom ka?"
"Thank you ha? Medyo gutom pero bawi nalang mamaya last teacher nalang naman na tayo eh."
"Sa bagay. Always welcome. Ganon ang gawain ng magkaibigan."
Sabay na kaming bumalik sa room at nagtaka ang ibang kaklase namin bat iba ang suot ko. Buti nalang ay naging katabi ko si yuri kahit papaano hindi ako kinakain ng lungkot.
Pagkaupo namin ay siya namang pasok ng isa pa naming teacher syempre introduce yourself ulit to or magtuturo ng kakaunti pahapyaw sa ituturo niya.
Hindi na kami pumunta pa sa harap isa isa, sa upuan nalang namin kami nagsalita kung ano ang pangalan namin, nang matapos iyon ay ang sabe ko na magtuturo ito ng kakaunti dahil math teacher namin ito maraming ituturo and yes medyo love ko rin ang subject na math kaya focus na focus ako makinig so kinig na muna guys! Focus focus focus until you get it.
#seneelmagalingsamath
#ilovemath
#siauthorayhindimagalingsamathNahiya ako kay micha na aking character, pero ang mismong author niya ay hirap sa math at hindi love/favorite ang math HAHAHA how to be you micha?
Abangan natin ang susunod na kaganapan! Wushuuu ┌(・。・)┘♪
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...