CHAPTER 27

168 10 0
                                    

Nakatulog pala ako? Nakatulog ng hindi kumain ng hapunan ow yeah its 12 am na may pasok pa ko kaya natulog na uli ako ituloy na yan. Bukas na kumain.

After 5 hours gumising na uli ako para kumilos na 7 am class namin ngayon eh bat ganon kinakabahan ako? Feel ko talaga may mangyayare mamaya ay ewan

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo para maligo may heater naman tubig don kaya di na kailangan magpakulo wow yaman keme pagkatapos ko maligo ay nag ayos nako at nagbihis nakalugay buhok ko ngayon kase trip ko maglugay

Pagbaba ko sakto naghahanda na ng almusal sila papa

"Oh ayos na ayos tayo ngayon ah?" Ani ni papa

"May pinapagandahan na kase yan pa wahahaha." Pangtutudyo naman ni kuya

"Epal ka? Wala naman!" Pagdedepensa ko kay kuya at inirapan ko ito

"Aba oo nga kagandang dilag ng anak ko ngayon ah." Papuri naman ni mama

"Boss austin wahahahaha hi my love."

"Ma pa bat kayo ganyan hahaha pero salamat po mana lang ako sa inyo, ikaw kuya manahimik ka nalang kung walang lalabas sa bunganga mo na matino." Tugon ko

"Sus di ka na nga sumasabay saken sa pagpasok."

"Edi sasabay."

"Oh tamo ngayon lang wahaha nako." Umiling iling pa to

Inirapan ko na lamang ito ulit at nagsimula na kaming kumain

After namin matapos nagpaalam na kami ni kuya kila mama para pumasok na. Pero ang weird lang ng pakiramdam ko ngayon hindi parin nawala kaba sa katawan ko

Kung tutuusin parang ayaw ko nga pumasok ngayon

Nakakotse kami ngayon ni kuya pinaheram sa kanya ni papa yung sasakyan kaya di kami stress pag pasok

Ilang oras ang lumipas nakarating din kami sa school mabilis ang naging byahe dahil di naman traffic

Sabay kami na pumasok ni kuya sa gate samantalang dati inaasar pa ko nito wag daw ako dumikit sa kanya psh akala mo sinong pogi dugyot naman sa bahay

"Hoy panget una na ko sa kabila pa room ko, ingat." Pamamaalam nito at tumakbo na papunta sa room nila

Ngayon ako nalang ang mag isang naglalakad pagpasok ko sa room konti palang mga kaklase ko maaga pa kasi eh napaaga dating namin ni kuya

6:20 AM palang ngayon mga kasama ko lang ngayon sila celine at tropa niya tapos mga ilan ilan sa mga kaklase ko

Naupo lang ako sa upuan ko at nananahimik

"Well well nandito na yung malandi." Ani ni celine na feel ko ako ang pinaparatangan di ko na lamang ito pinansin dahil ayoko ng gulo

"Uy te di ka pinansin oh? Payag ka non?" Pagsusulsol ng kaibigan nito

"Alam mo ba ginawa niyang malandi na yan?" Tanong ni celine na nagpaparinig

Sinasabe ko na nga ba masama ang kutob ko eh kanina pa ko kinakabahan mukhang ito na yon ayoko ng gulo huhu

"Ano? Hahahaha." Patawang sagot ng kaibigan niya

"Inagaw niya si drei sakin ang galing no?" Diing sabi ni celine

Lalabas nalang ako baka mamaya sumabog na bulkan dito amp aakma na sana akong lalabas ng pinto nang humarang alagad ni celine siya ang nasa gitna

"Hep hep saan ka pupunta? Tinamaan ka ba?" Ngisi ni celine

Nananatili akong nakayuko at di nagsasalita

Not until hinablot nito ang buhok ko pataas para mag meet yung mukha namin

"Bakit hindi ka nagsasalita? Are you scared?"

Hindi parin ako nagsasalita, kumukuyom lang ang kamao ko. Hanggat kaya kong pigilan to hindi ako lalaban

"Teh pipe ata yang malandi na yan hindi nagsasalita baka takot na takot na maihi pa sa salawal yan bwahahaha." Tawang sagot ng isa pang kaibigan nito

Actually tatlo sila mukha nga silang powerpuff girls kaso hindi mababait mga masasama ang mga ito

"Di ka talaga magsasalita huh?" Paghahamon ni celine at binitawan ako

Lumingon si celine sa mga natitirang kaklase ko na nasa loob na kasalukuyang nanonood samin

"All of you! Out!" Sigaw ni celine

Agad naman na sinunod siya ng mga ito dahil siguro sa takot kaming apat nalang ang natira ngayon sa room

"Alam mo ba ginagawa ko kapag may nambabangga sa akin? Hindi ko tinatantanan her life will become hell." Seryosong sabi ni celine

Napapikit nalang ako nang hinablot na nito ang buhok ko sumali narin ang mga kaibigan nito niwagwag nila ang buhok ko may sampal, may suntok, may hampas, may tadyak

Ultimo pati uniform ko sinira nila hilong hilo hinang hina na ako sa ginagawa nila

"Yan dapat ang ginagawa sa mga malalandi inagaw mo sakin si drei diba? Pwes ganyan ang aabutin mo ako pa kinalaban mo gago!" Ani ni celine

Nang nakuntento na sila sa ginawa sa akin tumigil sila at nagtaka ako ginulo nila ang buhok nila at sinira din ang mga damit nila

Umiikot na ang paligid ko hindi ko na ata kaya to nanghihina nako...

Ang sakit sakit..

Tulong...

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon