CHAPTER 103 (Adult hood)

41 2 0
                                    

Hello guys i'm micha salvador the writer of the story "until we meet again."

Huling speech ko sa mga taong sumuporta sa story na ginawa ko. Taon na ang nakalipas, naramdaman ko ang pagbabago ko. Hindi na ako yung micha na mahina, immature at lahat ng mga pinlano ko noon nabago sa kasalukuyan nakagraduate na ko sa senior high school bilang ict student at nakapagtapos na rin ako ng college pero hindi nakapath sa kinuha kong strand

Yung story na ginawa ko, isa yong storya na akala ng dalawa na magka-ibigan sila na magkakatuluyan sa huli. Pero mapaglaro ang tadhana, kaya hindi naging sila sa huli

Nangiti naman ako dahil nagpalakpakan ang lahat at humihiyaw sa pangalan ko

"Bestfriend ko yan!!!" Sigaw ni yuri na kasama ang kuya ko na sumisigaw naman na ako ang kapatid niya

"My idol my idol!" Sigaw naman ni dreiden

Pumunta naman ako sa kanila pagkatapos ko sa harapan ng maraming tao

"Di nakapunta si kei, family bonding daw alam mo na. Selos pa rin sayo asawa non hahahaha!"

"Oo naman alam ko naman yon, magseselos pa ba yon eh may pangalawang anak na nga sila hahahaha!"

"Wala raw cb eh." Tatawa tawang sagot ni dreiden

"Nakakaproud ka naman kapatid, di na ikaw micha na kilala ko hays." Pang aasar sakin ni kuya

"Maganda na kasi ako diba."

"Sino nagsabe sayo?"

"Ikaw."

"Kelan?"

"Ngayon."

"Maganda ka?"

"Oh diba, oo."

"Ay pu-- nadale mo ko don ah!"

Nagtawanan naman kaming apat

Napatigil ako nang napadako ang paningin ko sa taong nasa may pinto na hindi ko makilala dating nakasalamin ito at nakasombrelo

"Sino yon?" Biglang tanong ni dreiden

"Wala."

"Tara na nga kain na tayo! Gutom na ko eh." Aniya ni yuri

At pumunta na nga kami sa kakainan namin, si kuya may pa-libre session kaya nakakasipag umorder. Si kuya isang ceo na na ng company, si yuri naman secretary niya. Si dreiden naman same as my kuya. Siya na tagapagmana ngayon ng fernandez incorp

Ako ito isang writer, na akala ko magiging programmer balang araw. Bago ko to maabot maraming nangyare sa akin, nauso sakin ang salitang 'shift course' sa college. Sobrang sira yung puso ko noon

Dahil tama ang akala ko, hindi kami magtatagal ni austin. Nagtagal kami ng 2 years, pero di nagtagal nawalan na kami ng communication. Ni-tropa niya walang alam tungkol sa kanya. Kaya wala na kaming balita sa loob ng 4 years hanggang sa makaabot ako kung nasaan ako ngayon

Ang huli naming usap lately naging cold siya sakin and after that, nakipagbreak siya sakin without a reason. Gusto kong kumapit, pero wala na kong kinakapitan. Kaya mas pinili kong sumuko na

"Micha? Ayos ka lang?" Tanong ni kuya kaya nagulat ako

"H-Ha? Oo?"

"Kanina pa kita tinatawag, iniisip mo pa rin ba yung tukmol?"

"Hin--"

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon