CHAPTER 107 (Peace)

50 4 0
                                    

THE NEXT DAY

"Micha when you already awake, let's talk seriously. Please response."

Text na bumungad sa cellphone ko nang gumising ako, sobrang sakit ng ulo ko parang first time kong uminom ng alak

Teka, may kahihiyan ba kong ginawa kahapon? Nakakahiya na agad!! Napapikit ako kahit hindi ko pa naiisip ang mga ginawa ko kahapon

Naisipan ko namang tawagan agad si dreiden dahil siya ang kasama ko kahapon, sinagot naman agad nito ang tawag ko

"Hello barbob!" Bungad sakin nito

Barbob? Sino to? Lasing din ba siya?

"Ano?"

"Di mo ba maalala?" Natawa pang sagot nito sakin

"Ang alin?"

"I guess hindi nga, kinantahan mo lang naman kami nila kuya mo ng kanta ni barney at pati na rin ang theme song ng spongebob kinanta mo."

Aysh! Napahampas nalang ako sa ulo ko nang malaman yon. Hindi na talaga ulit ako iinom

"A-Ano pa?"

"Hmm sinabi mo kay austin na mahal na mahal mo siya at magbalikan na kayo."

"Talaga ba dreiden? Wala akong maalala."

"Kasi lasing ka."

Totoo ba yon? Alam ko at nararamdaman ko sa puso ko impossible yon

"Biro lang." Aniya nito

"Alam ko, never ko sasabihin yon drei."

"Talaga?"

"Hmm-mm natuto na ko."

"Totoo ba yan?"

"Oo nga."

"Edi ako na pipiliin mo nyan? Hahaha sino ba mas gwapo samin?"

"Ikaw." Seryoso kong sagot

Naramdaman ko namang ngumiti ito sa ibang linya kaya natahimik

"Pero ano talaga nangyare?" Tanong ko

"Yung pekeng gf ni austin kasalanan niya dahil nilasing ka niya, pero nalasing din siya. And kaya peke kasi nung i-uuwi na kita umeentra baby mo."

"Ano? Tigilan mo nga yang baby nakakairita."

Tumawa nalang ito sa iniasta ko at nagkwento ulit

"I swear, hindi na ulit ako iinom." Tanging nasambit ko

"Oo, hindi na rin kita papayagan."

"Sige na ibababa ko na drei at may pupuntahan pa --" di na natapos ang linya ko dahil sumagot agad ito

"Saan? Hatid na kita?"

"Hindi na, kaya ko na."

"Sigurado ka? Sino ba kasama mo?"

"Wala, hmm si austin makikip---"

"Woah angas naman talaga ng lalaki na yon." Bulong pa nito sa kabilang linya kaya natawa ako dito

"Don't worry, i'll be fine."

"Call me, kapag kailangan mo ko ha?" Aniya nito at natapos na ang usapin namin

This time ano nanaman kaya ang deal namin? Pero sa nangyare feel ko move on na ko kay austin nararamdaman ko na may mas better pa sakin

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon