Hindi ko rin akalain na bigla niya akong aalukin na maging bestfriend niya sa kabila ng ganitong itsura ko, alam niyo na nerd. Hindi ko alam ang isasagot ko pero bakit hindi diba?
"Sure." Tugon ko
Unti unting lumaki ang mga mata nito at ngumiti, napayakap ito sa akin sa sobrang saya
"E-Ehem bunso ehem yung damit ko na nawawala hineram mo ba?" Biglang singit ni kuya sa gitna ng yakapan namin
Kaimbyerna dis naabutan pa talaga kami ah? Yusme. Napabitaw bigla sa akin si austin ng de oras dahil nga kay kuya ayon
"Nasa cabinet ko di ko nasauli sorry, kung ano man yang iniisip mo mali ka." Pauna kong sagot dahil mamaya mag issue ito agad oa eh
Tumango lamang ito at nagkiller smile pa bago umalis argh! This shit! Napaka issue!
"Sorry for hugging you."
"Ayos lang."
"Ah una na pala ako, thankyou sa araw na to mich! Simula bukas hanggang sa mga susunod na araw bestfriend na kita ah? Kaya expect mo lagi mo akong makakatabi." Kumindat pa ito
Umirap na lamang ako dahil sa pagkindat nito
"Ewan ko sayo, sige na ingat ka ah. Salamat din."
Sinundan ko na lamang ito hanggang sa pintuan namin at isinara ko na iyon, hindi ko na siya hinatid pa dahil malapit lang naman ang kotse niya
SAYURI'S POV
Nakakainis tong lalake na to! Ako pa ang naghihintay ngayon imbis na siya! Sana yung kuya nalang ni mika partner ko matatanggap ko pa hmp! Pero that guy sanchez? Ew akala mo gwapo, pa vip late pang nalalaman and look wala manlang chat sa akin ayoko sa lahat yung ako pa yung mag first move eh!
Pero no choice, may pagkakataon talaga na hindi palagi ay sila ang unang gagalaw para kausapin ka, dapat ikaw din minsan ang unang gagalaw para magkausap kayo ano daw? Lakas maka classroom may batas chos! Intindihin niyo nalang ha?
I've been waiting for 2 hrs! That's why i'm irritated right now. Nakailang kape na ako dito guys you know? Coffee shop daw kase kami gagawa dahil madali lang naman daw ang gagawin? Kaya pala na-late nice
Chinat ko na agad ito nag delivered naman agad at nagseen at sinabing "Sorry i'm late, otw."
Sineen ko na lamang ito, at nagchat agad ako kay micha maglalabas ng saloobin syempre mala lsm chat ko kay micha dahil offline pa naman ito baka busy sila ni boss austin bwahahaha
Ang sunod naman na chinat ko ay si mahlabs using my rp (role play/dummy) account sorry ayoko ipahamak ang real account ko mamaya i-reject pa ko masaet! Tsaka na ako magpapakilala kapag close na kami ng sobra at na-fall na siya hihi
Yes di pa alam ni micha tong pinag gagagawa ko, nasa message req pa ako ni mahlabs di niya pa inaaccept marami sigurong ka-chat hmp!
Napatingin nalang ako sa may pinto, nang tumunog ito. It means may pumasok and look who's here. Si sanchez na late pero bakas sa mukha niya ang lungkot at teka parang kakaiyak lang??
Maga mata eh??
"Hi i'm sorry i'm late, something happens. Let's start para makapagpahinga ka narin may idea ka ba sa story na gagawin?"
Natameme nalang ako sa tanong nito dahil natulala ako sa mukha niya basta parang may nangyare eh, pinagtatakpan niya lang.
"Hey?" Sagot uli nito at kumaway pa sa harapan ko
Nawindang nalang ako sa ginawa nito, bumalik na ako sa ulirat ko my gosh!
"A-Ahh high school love story sana kung okay lang sayo. Yon pinaka theme ganon. Iisip nalang ng title."
Tumango lamang ito at tila nag iisip ng pwedeng title namin
Nakatitig parin ako sa kanya ewan ko rin kung bakit pero hindi ko maialis paningin ko sa kanya
"Are you okay?" Bigla kong sambit nanlaki ang mata ko dahil may kusa ata ang bibig ko na magsalita. Bakit ba ang daldal ko!
Tumingin naman ito at ngumiti
"I-I'm okay."
"I guess you're not."
"Wag mo na ako intindihin, okay lang ako. Nga pala what if yung title nalang natin is unexpected love?"
Napangiti nalang ako dahil sa title, maganda siyaaa. First time ko nakitang seryoso ito makipagusap. Pag nakikipagusap kase ito maloko.
At yon na nga ang title namin nagsimula na kaming gumawa ng epilogue o prologue at chapters. Napaka hardworking ngayon ni sanchez mabilis lang kami gumawa dahil madali lang yung story namin
"Hindi sila magkakatuluyan? Dahil sa ugali ng lalake na gustong mapag isa lagi at pinagtutulakan niya yung girl?" Tanong ko
"Ganon na nga, kung okay lang sayo. Para unique yung atin. Paniguradong sa iba kase na gawa ng kaklase natin puro happy ending eh." Sagot nito
Oo nga naman, maganda din naman yung ginawa namin kahit sad ending sa simula ay masaya naman sila eh andon pa yung kilig kila nico at kathy pero di nagtagal nakita na ni kathy ang tunay na si nico. Dahil lahat ng problema ata ay pasan na ni nico nalaman niyang di siya tunay na anak at kailanman hindi siya tinuring anak. Lagi nalang siyang iniiwan ng mahal niya sa buhay
Nawalan ng kaibigan, pinalayas sa bahay niya. Ayaw niyang kinaaawaan siya. At dahil ayaw niyang masaktan yung babae pinilit nitong ipagtabuyan nalang ang babae. Di rin natiis ng babae ang sakit ay iniwan niya narin si nico dahil she deserve someone na hindi siya kailanman sasaktan
"Ang lungkot ng ending naawa ako kay nico, at the same time kay kathy din ay naawa ako."
"Hindi maiiwasan yung ganitong pangyayare hahaha. Lahat naman talaga ay iiwan ka." Ani ni keighan na parang may dinaramdam
At dahil natapos na namin ang storya pwede na ako magtanong
"Bakit pala na-late ka?" Tanong ko
"Fam prob."
"Aw sorry kung ano ano pa sinabe ko sayo sa chat, i'm too insensitive." Malungkot kong sambit
"Hahaha okay lang, sanay na ako don. Sorry din. Nga pala una na ako may pupuntahan pa ako eh at alam kong napaghintay kita ng matagal kaya para makauwi ka narin sorry ulet." At umalis na ito
Naiwan akong nakaupo mag isa sa mesa, bigla na lamang akong natulala na hindi alam ang dahilan
~~~~~~~~~~~~~~~~
Kapag ba may na-encounter kayo na taong malungkot, na-curious din ba kayo kung anong nangyare sa kanya? I know i'm not the one!
Cheer up Keighan!
#TeamKeighan
Or
#TeamMichael
Sino ang magwawagi sa puso ni yuri? Char!
At bestie na sila austin at micha bestie nga lang ba talaga?
----------------------
As of now maguguluhan talaga kayo saan hahantong ang story na ito, kaya better to finish reading my story hehe! Love you all! Sorry for late update!
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...