CHAPTER 16

238 13 5
                                    

AUSTIN'S POV

Oo dinahilan ko lang talaga kanina yung sa may sasabihin ako kay micha, gusto ko lang talaga siya makasama. Ayokong may kasama siyang iba na hindi ako kasama ewan ko di ko din alam

Ngayon tulog ngayon si micha pagod yata hiniga ko muna siya sa balikat ko buti di niya naramdaman na binaling ko ulo niya sa balikat ko para lang di mauntog

Ang ganda talaga ni micha dati pa, sumobra lang ngayon

Sana ganto nalang kami lagi..

Sana mabalik yung dati..

Ah teka gumalaw si micha! Lingon muna sa harap para kunware di alam!

"Hmmm, aus?"

"Bakit?" Sagot ko

"Pasensya na nakatulog ako sa balikat mo, malapit na ba tayo sa kanto?"

Ang cute talaga nitong babae na to pag kakagising lang

"Ayos lang, oo malapit na. Malapit lang bahay ko sa inyo kaya masasamahan kita hanggang sa bahay niyo."

Nanlaki naman ang mata nito na tumingin sakin

"Kelan pa?" Tanong nito

"Dati pa."

Bakas parin ang pagkagulat sa mukha ni micha

Sayang nga eh di mo nako maalala, natuwa ako ng sobra nung nalaman ko na kaklase kita kaso di mo ko kilala awts gege

Makalipas ang traffic na kay tagal nakarating din kami sa kanto naglakad nalang kami sa may looban syempre ihahatid ko na si micha para di nako mag alala pa

"Alam mo..." Pauna nito

"Hindi pa." Pamimilosopo ko

"Psh. Ang comfortable ko sayo, alam mo yon parang i know you before na kaya super close na." Seryoso nitong sabi

"Kilala mo naman talaga ako dati pa.."

Lumingon naman agad ito sa akin

"Ano?"

Umiling na lamang ako na nangangahulugang nevermind, kailan mo kaya ako maalala? O maalala mo pa kaya ako? Ang hirap

"Natahimik ka dyan?" Tanong ni micha

"Wala lang, pagod hahaha. Sige na mauna ka na andyan na bahay mo oh goodnight!" Pagkasabi ko nito ay umalis na kaagad ako

Habang papunta ako sa bahay ko naiisip ko na what if umamin na ako? Maalala niya kaya? May mangyayare kayang masama?

Ewan ko na, pano kaya kung magkagusto na si micha at ang masakit don hindi ako.

Pero siguro magiging masaya nalang ako? As long as she's happy?

Nakarating nako ng bahay na walang kabuhay buhay sila yaya at driver lang ang nandito balewala yaman niyo kung walang oras sayo magulang mo hahaha.

Dumiretso nako sa kwarto ko para matulog dahil pagod na pagod ako sobra ewan ko kung bakit

GOODNIGHT! SANA MAGING OKAY NA AKO PAG GISING KO.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano kaya yung nakaraan/dati na tinutukoy ni austin? Magkakilala kaya sila dati pa? At teka ha dumadamoves na ang papa austin niyo! Selos kay drei? Wishiwww abangan ang susunod na kabanata dito sa the unexpectedly suitors ( ꈍᴗꈍ)

#TeamAustin

#TeamDreiden

Saan kayo dyan? Comment na!!

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon