HOSPITAL (Keighan's POV)
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame hudyat na nasa hospital ako. Medyo masakit nalang ulo ko dahil siguro sa kakaiyak
"Kei.."
"Yuri.." Sagot ko at napatingin sa katabi ni yuri na mukhang ito ang mama nito
"Patawad dahil sa akin, nagkalayo kayong magkapatid." Aniya ng mama ni yuri
"Bakit mo ginawa to?" Tanong ni mama
"H-Hindi ko mabigyan ng anak si hiroto, pero pumayag siya na dalin namin ang huling dinadala mo nang patago at palabasin na nakunan ka."
Wala ng iba pang nagsalita at biglang sinampal ni mama ang mama ni yuri, kaya agad na lumapit si yuri sa mama niya
"Walang hiya ka." Nanggagalaiti nitong sabi
"L-Leila s-sorry patawarin mo ko. Sana maintindihan mo ko.." Pagmamakaawang sagot ng mama ni yuri at lumuhod pa ito
Natigil si mama at nananatiling nakatitig sa mama ni yuri
"Ngayon halos wala ng oras sa akin si hiroto, dahil yung anak namin hindi naman samin kundi para sa inyo. Kung iisipin ko feel ko nga nagsisi na siya at ikaw pa rin ang mahal niya. Pinilit ko lang naman sarili ko sa kanya noon para makalimutan ka.."
"A-Ano?" Utal na aniya ni mama
"Napagkamalian mo kami, di niya ko kabet noon leila natanggap ko na kaibigan nalang talaga."
"Bakit hindi siya nagsabe sakin?"
"Sasabihin niya, pero hindi mo siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag."
Bigla nalang tumulo ang luha ni mama at napaupo sa upuan
"Sachi, patawad. Ngayon alam ko na yung dalahin mo, nagmahal ka lang naman eh. Patawad.."
Hindi na nagsalita pa ang mama ni yuri at niyakap nalang ang mama ko
"Leila, pupunta siya ngayon." Ngiting sabi nito
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na mahahalata mong halo halong emosyon ang pinapakita
Si.. papa.
"Leila.."
Natigil sa yakapan sila mama, at lumabas muna sila yuri at ang mama niya
"Sorry.. Hindi na rin kita mahabol noon dahil lahat ng pwede kong i-contact sayo wala na. Pati mga kaibigan mo ayaw sabihin kung nasaan ka. Alam kong oo gago ako tama ka kase nilayo ko yung sarili nating anak. Patawad."
Bigla naman itong lumingon sa akin
"Kei.. anak."
Even a man, nagiging iyakin when it comes to family
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...