CHAPTER 97

47 7 0
                                    

Akala ko tututol ang mga teacher sa pakana ni keighan, pero kakuntsaba rin pala nito ang mga to

Pumayag sila dahil kaunti nalang naman daw ang gagawin namin sa araw na to kaya ayon hinayaan nila

Gaya ng sinabe nila ni-review lang kami sa mga itinuro dahil paparating na rin ang final exam

Naging half class lang kami ngayon, dahil may mga meeting daw mga teachers kaya magkakasama kami ngayon nila yuri at pupunta ng mall

Nagpaalam na rin naman ako sa fam ko kaya no problem

"May bibilin ba kayo?" Tanong ni keighan

"Ako, bibili ako regalo sa bebe ko eh. Monthsary syempre bwahahaha!" Aniya ni yuri

Umiling naman ako, dahil wala pa rin akong pera. Pupunta lang talaga ko ng mall para kumain kung makakain at ang di mawawala, magpapalamig lang dahil aircon

Sa sasakyan kami ni keighan sumakay kaya siya ang driver. Parehas kami nasa harapan, tapos yung tatlo sila yuri nasa likod

Hindi nakasama sila kuya dahil busy, graduating na rin kasi yon

Bago pa man kami makapunta nakaidlip ako dahil ang tagal din bago kami nakapunta sa pupuntahan namin, dahil traffic

Makalipas ang ilang oras, finally! Nandito na rin

Pagbaba namin pumasok na agad kami sa mall, hindi pa dapat ako makakapasok. Buti nalang may i.d ako, napagkamalan pa akong minor na nagcutting hanep ah? Kaparehas ko naman sila yuri ng uniform hmp

"Akala ata grade 7 ka eh, wahahaha!"

"Patangkad ka pa onti." Dugtong ni austin kay keighan na tatawa tawa rin

"Mika, busted mo na yang dalawa na yan bwahahaha!"

"Uy naknampucha panget ka-bonding, nagpapalakas ka kay micha ah?" Sagot ni keighan

"Hindi ah bwahahaha! Labas ako dyan."

Sinugod naman nila austin at keighan si dreiden, para silang mga bata na naghaharutan sa daan

Pumunta muna kami sa palaruan, hindi pambata baka akala playground eh

As usual nagbasketball yung tatlo, ito kami ni yuri nasa kotse karera kami ganon. Libre nila dreiden ang token, grabe ang dami ng token ngayon lang ako nabigyan ng ganto

"Teh madaya ka! Nambabangga! F.o!" Pagtatampong sabi ng kalaban ko na si yuri

"Ganon kase ang teknik." Pang aasar ko

"Hmp! Wala f.o!"

"Biro lang, habol ka. Hahahahaha!"

Nang matapos namin ang labas nag irita irita ang kaibigan ko pero joke lang daw, dahil ako yung nanalo. Bago ko pa man buhatin yung bag ko, nagsalita si keighan

"Alam kong mabigat medyo bag mo dahil sa bigay ko kanina, ako na magbubuhat." Aniya nito

"Hindi, kaya ko ---" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad ito

"Ako na, sige na. Talunin mo nalang yung mga tukmol sa basketball, marunong ka ba?"

"Oo naman!"

"Woah? Talaga? Sige nga sample! Oy mga pre tatalunin kayo ni micha ng basketball wahaha! Kayo muna dreiden."

"Go gorl! Babae dapat ang laging nananalo charot!" Pang chicheer ni yuri sa akin

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon