CHAPTER 35

157 10 0
                                    

Yey makakapasok na ko!! Nakakamiss yung magandang school alam niyo yon ang taray! National university laguna here i comeee!

Pagkagising ko wala ng intro intro bangon na kumain na muna ako sa baba bago maligo dahil gutom na ako di ko naabutan sila mama don baka umalis buti nalang may iniwang pagkain si kuya naman ewan ko asaan

Pag akyat ko tinry ko muna kumatok sa kwarto ni kuya

"Bakit?" Tanong nito na nakabihis na himala ha aga niya

"Wala, sabay ba tayo?" Tanong ko

"Oo ayaw mo?

"Gustooo! Maliligo muna ako babush."

Binilisan ko na ang kilos dahil mainipin yung dugyot na nasa labas konting ayos lang ang ginawa ko at tapos na after 20 minutes lang naman hahaha

Ni-lock ko na ang kwarto ko at bumaba na. Paglabas ko ay buti naman kotse uli kami ni kuya ang hirap kase pag commute eh pagdating mo sa school mukha ka ng baluga. Ay lagi pala akong baluga sorry na

Naging mabilis lang ang byahe kaya nakarating agad kami pagpasok namin sa gate gulat naman ako dahil nakaabang na si austin

Kuminang naman ang mata ng kuya kong dugyot akala mo siya ang may gusto kay austin eh

"Uy bayaw aga ah?" Ani ni kuya

"Para secured si micha bro hahaha."

"Sanaol talaga ang ganda ganda naman ng kapatid ko oh." Pang aasar ni kuya

"Nakakadiri ka." Sagot ko

"Tamo tong panget na to ikaw na nga pinupuri ayaw pa choosy mo naman boba sibat nako, bayaw ikaw na bahala sa kapatid ko ha ingat kayo." At dumila pa sa akin ang loko bago umalis

Naglakad na kami papasok ni austin habang naglalakad ay naguusap kami syempre natanong ko din na alam niya pala oras ng pagpasok ko, oo tansya niya daw sa araw araw ba naman daw naeencounter niya nung di pa uso ang salitang late sa kanya

Habang naglalakad kami ang daming bulung-bulungan sa paligid nagpapantig pa ang tenga ko nang nakakarinig ako na ang landi ko daw kahit ang totoo hindi naman slight lang joke ang sinasabe kase nila pinagsasabay ko daw si drei at austin ganyan

Kalalabas ko lang ng hospital mga bhe baka naman

"Nga pala si celine suspended yon for 2 weeks kaya di ka magagalaw, pero iba parin yung handa araw araw lagi na kitang iintayin don or magtext ka lang pag wala kang kasabay papunta dito." Ani nito

Tumango naman ako at ngumiti dito, ay may itatanong pala ako bago pa mawala sa isip ko

"May dummy account ka ba?" Tanong ko

"Bakit?"

"Wala tanong ko lang."

"Hmm wala why may problema ba?"

At sinabe ko na sa kanya yung dummy account na nakakachat ko for a months and he admit that hindi daw siya yon sasamahan niya nalang daw ako i-meet yon dahil baka mapahamak pa ko sa panahon ngayon mahirap na magtiwala kung kani-kanino

Sumeryoso naman at nanahimik ito pagkatapos kong ikwento yon

"Hoy bat nanahimik ka?" Ani ko

"Di mo ba halata na nagseselos ako? Kahit wala akong karapatan amp feel ko may gusto sayo yan eh." Seryoso nitong sabi

Nagseselos naman pala, kapag talaga nagselos ka matatahimik ka eh hahaha. Tipong wala ka namang karapatan pero nagseselos ka tas aminado ka pa sasabihin mo talaga na nagseselos ka sanaol si austin

Pero teka nga??? Bat di ako naiinis na nagseselos siya hahahaha na dapat kase wala namang kami?

Self nagbibigay ka motibo masama yan

"Hindi eh."

"Joke lang to naman ayoko maging ganon wala namang tayo eh hahahaha basta samahan nalang kita to make sure that you're safe." Ngiti nitong sagot

"Thanks."

At nakarating narin kami sa room aba pagpasok namin andon na sila yuri, mukha ni yuri parang gulat na gulat na magkasama kami ngayon ni austin

"Pasensya ka na micha ah di kase kaya ng oras ko na samahan ka ngayon eh buti andyan si austin." Ani ni drei

"Okay lang yon, salamat!" Ngiti kong sagot dito

"May naamoy talaga ako ngayon guys wahahaha." Umakbay pa samin ni austin si keighan

"Feel ko talaga parang may couple na sa squad bwahahaha." Pang aasar naman ni yuri

Ako eto naninigas na sa kinakatayuan ko dahil di ko alam ano ang isasagot ko

Bigla namang nagsalita si austin

"I confess my feelings to her. And yes i like her since we were young." Ngiting sagot ni austin

"Young?" Tanong ni drei

"Since elem we're bestfriends"

"Dre bat parang di mo nakwento samin yan?" Tanong naman ni keighan

"Nagtanong ba kayo?"

"Siraulo patyu wahahaha. Congrats tol di ka na torpe."

"Congrats." Tipid na sagot ni drei

Nagtaka ako dahil nagiba ang awra ng mukha ni dreiden parang ang lungkot niya mahahalata mo ito agad dahil bakas na sa mukha niya, si yuri naman nakatingin lang kay dreiden na parang naawa

May nangyare ba ng hindi ko alam? Pati ako naawa kay drei nung nakita ko ganon siya ka-lungkot

"Sige na maya nalang mauupo na kami sa harap." Pamamaalam ni keighan

Pumunta na sila sa upuan nila sa harap. Umupo naman ako sa upuan ko at tinanong ko si yuri kung may problema ba si dreiden bat she answered malalaman ko din daw

Ano bang meron talaga? I don't have any idea bakit hindi masabe sa akin ni yuri?

May dapat ba kong malaman na ikagugulat ko o ikalulungkot ko? Kaya ganon nalang ang mukha ni dreiden?

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon