MAXLEIGH'S POV
"Miss it's for your pedicure" Sabi ng employee dito sa salon at nagstart na sa kanyang gagawin. Kanina pa ako natapos nagpa massage,grabe natatanggal yung stress ko sa kaka massage nila sakin. 3 PM na ngayon at napapunta lang ako dito sa salon kasi gusto ko magpapa salon. Tapos na akong nagpa treatment saking buhok at magpapa pedicure nalang ako,hindi na ako magpapa medicure kasi kontento na ako sa kamay ko at hindi naman ito nadumihan. So 2 hours na pero hindi pa ako naglu lunch. It's been a long time since nagpapasalon ako,well siguro nung sumali ako ng modeling.
May pumasok na customer at rinig na rinig ko yung boses niya pagtingin ko ay nakaiwas kaagad ako kasi si Miniah pala yun. Dapat hindi niya ko makikita dahil baka sasabihin niya sa kapatid niya na nandito ako! Agad kong tinago yung mukha ko sa hoodie ko at kinuha yung towel ng nagpepedicure sakin at tinakpan yung mukha ko at nagpanggap na natutulog.
"Miss,saken po yung towel" Sabi ng nagpepedicure sakin pero sinipa ko lang ito ng mahina
"shh,wag kang maingay jan at ipagpatuloy mo lang yung trabaho mo" Sabi ko. Rinig ko yung ingay ng heels ni Miniah at randam ko na sa tabi tabi lang siya umupo.
"Dito lang ako uupo" Sabi niya
"Um may mas komportable pa po kaming upuan ms. Miniah,baka po hindi ka komportable jan" Abala na sabi ng employee pero wala akong marinig na sagot sakanya. Hindi ko rin rinig yung ingay ng heels niya kaya siguro hindi siya umalis sa pwesto niya.
"Hmm,nakatulog ata yung customer mo ate ah" Napatigil ako sa sinabi ni Miniah. Agad kong sinipa ng mahina yung tuhod ng nagpepedicure sakin at mukhang nakuha niya yung point ko.
"Um opo ms. Miniah hehehe napagod ata" Mabuti nalang at marunong siya makisabay dahil kung hindi,babawasan ko talaga yung bayad ko sakanila.
Natahimik nalang sila at ako naman ay tinitiis init sa mukha ko at hindi ako makahinga. Medyo mabaho yung towel pero wala akong time para magreklamo!
"Oh wait, is that Dona over there? Teka lang tatawagan ko muna siya" Nanlaki nalang yung mga mata ko,bat ba naman kasi nandito sila! Mapaglaro talaga yung tadhana dahil kapag kung nasaan ka pa ay nandun din sila kahit labag ito sa kalooban mo! Sinilip ko sila at pumasok si Dona,teka si Gaven ba yan at Thaddeaus!? Tinakpan ko kaagad yung mukha ko at palihim na nakikinig sakanila
"Oh where's Maxleigh?" Tanong ni Miniah,lumapit naman ang mga employee sakanila pero pinigilan ko yung nagpepedicure sakin,gusto ko matapos ngayon tung trabaho niya para makapag bayad agad ako at umalis na!
"Kaano ano mo ba sila miss? Bat pinipigil mo ko?" Tanong ng pedicurist
"Tsk! just continue your work" Sabi ko
"I get your point miss,gusto mo hindi ko na lagyan ng nail polish yung toes mo? Mukhang nagmamadali ka kasi eh" Sabi niya kaya tumango kaagad ako
"Sige miss, I'll just let your toes dry" Inilagay niya yung paa ko sa machine na pam pa dry ng cutics,mga ilang segundo ay tapos na kaya tumayo ako pero hindi ko pa tinanggal yung towel sa mukha ko
"Tulungan mo kong pumunta sa cashier" Bulong ko at tinulungan naman niya ako.
THADDEAUS'S POV
Nandito kami ngayon sa salon nila Dona kasi tinawag kami ni ate,buti nga lang talaga at nakatakas kami sa mga tao. Maaga kasi nagdismissal ngayon kasi wala din namang klase
YOU ARE READING
Stop The Feeling
Genç KurguThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!
