MAXLEIGH'S POV
Tapos na yung dalawang subjects namin at recess time na. Kanina nakita pala kami ni Dona sa parking lot,napatanong siya kanina at kinuwento ko naman sakanya lahat. Huhulaan ko,mamaya kakalat din yung balita tsk! Aatakehin na naman ako nito ni Sachzna!
Nandito na kami sa loob ng cafeteria at si Dona nalang raw yung bibili dahil baka hahanapin raw ako ni Thaddeaus tangina! Tinignan ko lang si Dona na nakapila sa linya. Napaisip din ako,kapag nalaman ni Sachzna yung sitwasyon namin ni Thaddeaus,iiwas ba siya?
"Maxleigh!" Nagulat nalang ako at si Thaddeaus lang pala. Masaya at siya ah?
"Oh bat saya saya mo?" Sabi ko,shet! Naalala ko naman yung ginawa niya kanina sa parking lot!
"Nakauwi na kanina sila Gaven" Sabi niya kaya nginitian ko nalang siya. Nandito na si Dona at bitbit niya yung pagkain namin. Hindi na bumili si Thaddeaus at may kinuha siya sa pocket niya,chocolate?
"Mamaya,pumunta kayong dalawa sa bahay" Sabi niya at kumain na. Napatigil nalang ako at nilingon siya,si Dona at mukhang excited nga.
"Huy Thaddeaus,ingatan mo ito si Maxleigh ha" Tinignan ko siya ng masama at sinipa yung paa niya
"Ah,ano palang gagawin namin sainyo?" Tanong ko
"Basta. Sumabay ka sakin mamaya" Napangiwi nalang ako at si Dona naman ay pinipigilan niyang ngumiti
"May kotse naman si Dona ah"
"No. Sasabay ka sakin,gusto mo ba hahayaan nalang kita at gagalawin ka ni Carlos?" Napairap nalang ako,no choice na talaga ako eh
Napatayo nalang ako ng may bumuhos sakin ng tubig,jusko wala akong dalang extra! Lilingon na sana ako ng sinabunot yung buhok ko. Nalaman ko nalang kung sino ito dahil tinawag siya ni Thaddeaus.
"Sachzna ano ka ba bitawan mo siya! Nakakabwesit ka na!" Sigaw ni Dona. Inawat ako ni Dona at inawat din ni Thaddeaus si Sachzna,
"Ang landi mo! Ang landi landi mong kupal ka!Mang aagaw ka tangina ka! Kahit pa yung lalaki ko inagaw mo sakin!? Mang aagaw ka talaga-" Napatigil ako at biglang bumukal yung dugo ko. Pinalibutan na kami ng mga students dito pero paano na? Sinugod ako ng bruhang to eh. Kinalas ko yung kamay ko kay Dona at lumapit kay Sachzna
"Maxleigh,wag mo na siyang patulan" Sabi ni Dona pero hindi ako nakinig
"Sachzna,sabihin mo nga. Inggit ka ba dahil mas pinili ako ni Thaddeaus kaysa sa sayo?" I need to stick to the plan namin ni Thaddeaus kasi nararamdaman ko yung presensya ni Carlos dito sa cafeteria. Nagtataka nalang ako bat walang umawat samin na counter sa cafeteria. Wala ba silang pake?
"Inakit mo siya eh kaya mas pinili ka niya!" Sabi niya kaya napailing ako. Binitawan na ni Thaddeaus si Sachzna at agad ding siyang lumapit sakin.
"Akit? Mas expert ka pa nga kaysa sa sakin eh. Gusto ko sanang magpaturo sayo kaso huwag nalang baka marumihan ako kagaya sayo" Sabi ko at nainis naman siya. Sasampalin na sana niya ako kaso nasalo ko yung kamay niya,agad kong sinampal ng malakas yung mukha niya at binitawan yung marumi niyang kamay. Agad namang inawat kami ni Thaddeaus at nilayo ako
"Buwesit ka talaga Maxleigh! Balang araw ipapamukha ko talaga sayo na tanga ka talaga!"
"Speaking of tanga,diba ikaw yung habol ng habol sa boyfriend ko? Yes,you heard it right? Boyfriend ko siya! Dahil sa ka desperedahan mo nagmumukha ka ng tanga sa kakahabol sa mismong BOYFRIEND ko" Sabi ko at tumawa. Napaiyak naman siya sa inis at buti nalang may nakita akong mainit na kape sa table namin. Dona,hihiramin ko muna yung kape mo ha.. Kinuha ko yung mainit na kape at ibinuhos ko kay Sachzna,nagtawanan naman yung mga tao pero ang iba ay nadismaya.
YOU ARE READING
Stop The Feeling
Teen FictionThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!
