Chapter 61

2 0 0
                                        

MAXLEIGH'S POV

Nakaupo ako ngayon sa cottage at kumakain lang ng mga chips na binigay ni Gaven sakin. Wala akong ganang sumabay sakanila sa pool kasi nandun si Sachzna,matagal na kaming hindi nag aaway pero bumubukal parin yung dugo ko kapag nakikita ko siya. Medyo malapit lang dito yung pool sa cottage,naiinip na ako kasi mas dumadami yung mga tao dito,hindi na ako magugulat kung bakit ;Nandito kasi yung magaling nila na idol eh.

Dito kami ngayon sa pool nung pinuntahan namin kahapon,infairness lang kasi may tatlong airbed. Hindi naman masyadong crowded yung pool dito kasi ipinagbabawal sa mga staff na maisturbo yung araw nila Thaddeaus at Sachzna,wow ha! Mabibilang lang kami dito, siguro mga 15?

"Bes halika na,maligo ka na" Aya sakin ni Dona at basang basa na siya,mukha siyang asong nahulog sa kanal HAHAH de joke lang.

"Huwag na" Sabi ko at napatingin naman siya sa likod,

"Hoy Maxleigh hali ka na dito! Malamig yung tubig oh" Sigaw nila Gaven kaya napairap ako at pumunta sa gilid ng pool hindi masyado malayo kay Sachzna,hindi ko nalang siya pinansin at tinulak si Dona sa pool. Marami namang natawa,

"Hayst ang init" Malakas na sabi ni Sachzna kaya napatingin kami sakanya,hinubad niya yung sleeveless at shorts niya kaya naka one piece at black cycling na siya ngayon. Tinignan niya ako at ngnisihan,ewan ko ba sa babaeng to mukhang nanghahamon na naman! Tinulungan naman siya sa mga lalaki na bumaba sa pool,well lumapit din siya kay Thaddeaus

"Maxleigh,halikana" Umirap nalang ako ng tinawag ako ni Thaddeaus.

"Come on,promise man eenjoy ka" Sabi ni George,sige para naman makita ni Sachzna kung sino yung mas hot saming dalawa!
Sinuot ko yung shades ko at hinubad yung tshirt ko kaya makita na yung upper swimsuit ko,pinigilan ko yung ngisi ko ng hinubad ko din yung shorts ko. See napanganga nalang si Sachzna HAHAHAHA I don't like to compete but this girl made me do it.
Ngayon na naka swimsuit na ako,dahan dahan akong bumaba at hindi na sila pinansin.

"Wow ang taray mamsh ha" Sabi ni George

"I don't like to compete but someone made me do it" Bored na sabi ko at kumuha ng isang chips na kinain ni Gaven. Medyo mainit yung panahon ngayon pero buti nalang nakapag sunscreen ako. Kinuha ko yung airbed at nagpatulong ako kay Celine

"Thaddeaus,picturan mo ko please" Sabi ni Sachzna sabay abot sakanya yung phone niya. Palihim akong napairap at naglaro nalang sa tubig,

"Dona,can you take me some photos? Para naman may laman yung instagram ko" Sabi ko pero tumawa lang siya

"No!Bahala ka dyan,let Thaddeaus picture you" Napatigil naman ako,bat si Thaddeaus? Nakakainis,lumayo kaagad si Dona sakin dahil baka lunurin ko siya. Tinawag na ako ni Thaddeaus kaya medyo naiilang ako pero hindi ko pinahalata sakanila.

"Kunin ko muna yung cellphone ko" Sabi ko

"No need, I'll just use mine at isesend ko sayo" Sabi niya kaya wala akong magagawa. Maraming nakatingin samin,si Sachzna naman ang sama ng tingin sakin. Hinayaan ko nalang sila kasi ayaw kong maghintay si Thaddeaus sakin. We took a lot of pictures at minsan pa nga si Jake magte take nang pictures,mas marami pa nga yung pictures naming dalawa ni Thaddeaus kaysa sa saken eh

It's already 7:23 PM in the evening at hinintay pa namin sila George,sila kasi yung nag oorder ng dinner namin. Speakin of namin,kasali na dun si Sachzna
Everythings very suspicious kay Thaddeaus dahil minsa hindi siya lumalayo sakin. Nagmumukha tuloy kaming bibe ;

"Ito na guys oh,dinner is serve" Sabi ni George at umupo sa tabi ni Dona. Tinulungan ni Celine at Jake yung dalawang waiter at atat na atat na kaming kumain

"I'll get some water for us" Sabi ni Thaddeaus at kumuha nang tubig dun sa may bandang freezer,bago pa niya binuksan yung freezer naunahan na siya sa waitress at kinuhaan siya nang dalawang water jug at bumalik na dito. Ewan ko ba tong sa lalaking to bat ang bait niya ngayon!

Tahimik naman kaming natapos at bumalik na sa kwarto namin, syempre sa pool side muna ako at mag-isa lang ako ngayon. Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadaloy sa katawan mo,kinuha ko yung chuckie ko at binuksan yun para inumin.

"Mind if I join in?" Na pa bugha ko yung ininom ko at napatingin sa likod ko,napairap nalang ako ng makita ko si Gaven na nakangisi. Tumango nalang ako at umupo naman siya sa gilid ko

"Nakita kitang mag-isa kaya sinamahan kita" May gusto akong itanong sakanya tungkol kay Thaddeaus but necessary ba talaga na magtanong ako sakanya? Baka manghihinala yun,but out of curiosity gusto ko lang naman masagot yung mga tanong na nakabara sa isipan ko

"There's very suspicious about Thaddeaus" Sabi ko at napatingin naman siya sakin

"Bakit?"

"Biglang bumait eh" Sabi ko at nagkibit balikat nalang,baka naman talaga hindi ko lubusang kilala si Thaddeaus at ganun talaga yung personality niya.

"Parang ganun na nga eh,biglang bumait sayo"  Napatigil naman ako at tumingin sakanya,sakin? Nababaliw na ata siya

"Bakit naman?"

"Kilalang kilala ko si Thaddeaus,babait yun kapag may nagustuhan yun" Ngiting sabi niya at umalis na sa tabi ko. Sure na ba talaga yan? May gusto ba siyang babae? At sino naman yun,si Sachzna? Napabuntong hininga nalang ako bumalik sa room.

THADDEAUS'S POV

I just woke up because of the sounds of beautiful waves,grabe ang sarap ng gising ko dahil nasa tamang tyempo lang yung panahon. Napatingin nalang ako sa gilid ng marinig ko ang mahinang ungol ni Maxleigh,bigla nalang akong napangiti dahil para siyang bata na gigising na sa umaga at nakataas yung tshirt. Agad ko siyang nilapitan at inayus yung suot niya,inayus ko na din yung kumot baka lalamigin siya.

"Abot hanggang tenga yung ngiti mo ah" Napatingin nalang ako kay Gaven na nakasandal sa may cabinet at kumain ng chips

"Eh ano naman ngayon?" Hindi ko mapigilang ngumiti,

"Inlove ka na ba Thaddeaus?" Tanong ni Gaven na may dalang tukso,nilingon namin si Dona na nakalabas yung ulo niya sa pinto ng cr at maraming bula yung buhok niya,

"Kahit naliligo ako,rinig na rinig ko kayo" Sabi niya at sinira yung pinto at naligo na,napatawa naman ako ng mahina.

"Well,I just can't help but to smile. Hindi ko alam bakit nalang akong nagka ganito" Sabi ko,lumapit siya sakin at inakbayan ako habang naka tingin ako sa maamong mukha ni Maxleigh

"Nako,isa lang ang masasabi ko jan" Napalingon naman ako sakanya

"You like her"

MAXLEIGH'S POV

It's been 3 weeks since nung naganap,malapit nang matapos yung taping nila Thaddeaus and medyo excited na ako para sa movie nila. Well support naman ako dahil may mapapanood na naman akong movie,nagsasawa na ako sa ibang movies na pinapanood ko.
Nakahandusay ako ngayon dito sa kama ko habang si Stuart naman ay natutulog,ewan ko ba sakanya bat ang antukin niya.

"Maxleigh? Anak? Eat your lunch na" Sabi ni mommy at lumabas na, nakalimutan ko palang isara yung pinto. Medyo nalilimutan ko na yung mga gawain ko pero yung hindi ko makalimutan ay yung isang week nalang para bumalik yung class,nakakatamad naman!

Stop The FeelingWhere stories live. Discover now