MAXLEIGH'S POV
"Do you know why bat pinatawag ko kayo dito?" Tanong ng dean pero tahimik lang kami. Buti nalang inilayo ako kay Jason.
"Because nag-aaway kayo. Come on,look at youselves,collage na kayo. Malapit na kayong mag graduate pero ganyan yung inaasta niyong dalawa. When will you two grow up?" Dismaya niyang sabi,napatingin siya sakin paa ko kaya napatingin din ako. Nagtataka nalang ako kasi naka record yung phone ko,4 minutes na siya naka record,sometimes hindi ko maiintindihan yung phone ko tsk!
"Kasi po dean,binastos niya po ako"
"Bat naman kita binastos eh ang pangit mo nga,at tsaka may respeto ako sa mga babae!" Napataas niya yung boses niya at napabuntong hininga nalang ako
"Hindi naman kita sinasaktan kung hindi mo ako binastos" Sabi ko at tinignan ng matulig yung dalawa niyang mata
"May evidence ka ba ms. Montenegro? Kasi kapag wala, I'm sorry but to call your parents" Sabi ni dean. Magsasalita na sana ako pero may biglang pumasok dito
"Sir, I'm sorry to say din na tama yung sinabi ni ms. Maxleigh sayo,ako yung nag aawat sakanya nung sinakal niya si Jason" Si Thaddeaus pala yun,akala ko kung sino
"Huwag ka ng makialam Thaddeaus,problema niya to hindi sayo" Sabi ni Jason,nilapitan kaagad siya ni Thaddeaus pero pinigilan ko siya,naiinis ba siya kay Jason?
"I know that Maxleigh has an evidence" Sabi ni Thaddeaus at lumabas na. Tinignan naman ako ni dean at yumuko ako
" Ms. Maxleigh,maaari po bang marinig namin yung nakarecord sa phone mo?" Sabi ng dean kaya inopen ko yung phone ko at ni on yung record. Habang nakikinig kami,gumaan yung loob ko ng ito pala yung nangyari kanina,buti nalang naabutan yung binastos ako ni Jason.
Sinabihan ako ng dean na lumabas muna ako kaya lumabas ako at isinara yung pinto. Nagulat nalang ako ng makita ko si Thaddeaus na nakaupo sa gilid ng pinto,buti nalang walang tao dito dahil kung meron? Kanina pa siya nalulunod.
"Tumayo ka nga jan" Iritang sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"Tara na" Sabi niya
"Saan tayo?" Tanong ko
"Sa room niyo" Sabi niya kaya pumunta na kaming dalawa sa room.
Nandito na kami sa labas na room kaya tamang tama din na medyo inaantok ako. Pumasok na kaming dalawa. Napalingon silang lahat samin at nilapitan kami,nakakainis lang kasi tinatadtad na kami ng mga tanong nila. Napalingon nalang ako ng umilag si Thaddeaus at pumunta siya sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Hindi ba sila mananahimik? Grabe konting pambabastos lang ganun na yung marereact nila.
Napalayo nalang sila ng bigla akong hinatak ni Thaddeaus patungo sa classroom nila. Hindi pa ako nakakapasok sa room nila kaya nahihiya pa ako,nagtataka lang ako dahil hindi sila masyadong lumalapit samin.
"Nahalata ko na inaantok ka kaya dito ka nalang muna sa room matutulog para walang makakaisturbo sayo" Sabi niya at inilagay ang bag ko sa bag niya,siguro upuan niya ito. Sinisenyasan niya akong umupo kaya umupo nalang din ako sa upuan niya,kumuha siya ng bakanteng upuan at inilagay sa gilid ko at umupo.
"Don't worry,hindi nila tayo iisturbuhin" Sabi niya at matutulog na. Hindi na ako nagsalita at matutulog nalang.
THADDEAUS'S POV
Medyo inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Nakatulog na siya at ang komportable niya, syempre ginawa niyang unan yung bag ko. I'm glad she's comfortable with it. Tinutok ng maigi yung mukha niya,ang amo ng mukha niya ;natakpan yung mukha niya sa buhok niya kaya inipit ko ito sa tenga niya. Napaiwas nalang ako ng nahalata ko na kanina na pala akong nakatutok sakanya. Kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko at naglaro nalang ng games.
Biglang nagring yung bell kaya napabangon ako. Hindi ko ba namalayan na nakatulog ako? Tinignan ko ang oras at dalawang oras pala ako nakatulog. Tinignan ko si Maxleigh at nakatulog parin siya,tsk tulog mantika! Tinapik ko yung balikat niya
"Maxleigh,recess time na!Gumising ka na" Niyugyog ko siya hanggang sa gumising siya. Kinusot niya yung mata niya at tinignan ako ng masama,naku siguro nga dapat hindi siya ginigising eh baka manuntok pa!
"Ang sarap ng tulog ko eh" Angal niya
"Tara na!" Hinatak ko kaagad siya at buti naman na hindi siya umangal!
Nandito na kami sa cafeteria naghahanap ng bakanteng table. Naiinip na din ako sa ingay ng mga tao eh! Ang iba din panay tingin samin and iba naman ay panay bulong! Pero sabagay,may bagong issue na naman ako o kami ni Maxleigh.
Tinawag ako ni Maxleigh at nakaupo na siya sa may bakanteng table. Nilapitan ko ito at umupo na, pagtingin ko sakanya ay nakatingin din siya sakin na nakataas yung kilay niya.
"Who's gonna buy some food?" I don't know if she's being sarcastic but I'm not offended. Maybe masungit lang talaga siya if bagong gising. Nilibot ko ang paningin ko,nakita ko si Felisha kaya tinawag ko ito ;Buti nalang at lumingon kaagad siya at lumapit samin.
"Oh Thaddeaus. What is it?" Tanong niya at umupo sa gilid ni Maxleigh at kumapit sa braso nito. Siguro okay na sila?
"Buy us some food,bibigyan kita ng 2k" Sabi ko at tumingin siya sa taas at pinipisil yung cheeks niya.
"No. Ikaw ang bumili dun at sasamahan ko nalang dito si Maxleigh" Wala akong choice! Kumapit kasi siya ng mahigpit kay Maxleigh tsk! Umirap nalang ako at pumila na dahil baka maunahan ako.
MAXLEIGH'S POV
Kanina pa nasa pila si Thaddeaus at kami naman ni Felisha ay nagtatawanan sa mga ikwinento niya sakin. Akalain mo isang warfreak dito sa school,nagbibiro? May ganun ba? Well meron,at siya ay si Felisha!
Napatigil nalang kami ng may narinig kaming nabasag na gamit. Pagtingin namin ni Felisha ay si Thaddeaus at Sachzna ay nagkainitan,napabuntong hininga nalang ako dahil may gulo na namang magaganap!
"Ilang beses ko bang sasabihin ko sayo Sachzna,na may girlfriend na ako! At kahit kelan hindi ko siya hihiwalayin para lang sayo!" Inis na sabi ni Thaddeaus,pumunta siya patungo samin habang bitbit yung tray. Tahimik lang kami ni Felisha dahil ayaw namin madamay. Nakakatawa lang,bat naman hindi kami madamay eh konektado naman ako sa gulo nila! Umupo si Thaddeaus sa at bumuntong hininga. He was just about to give me my snacks but Sachzna hugged Thaddeaus and cried. Nanlumo kaagad ako ng marinig ko ang boses ni Carlos! Lumapit siya samin at tinignan si Thaddeaus.
"Hindi ka ba nahihiya Thaddeaus? Sa harapan pa ni Maxleigh ay nagyayakapan kayo ni Sachzna?" Sarkastik niya sabi kaya tinulak ni Thaddeaus si Sachzna
"Hiwalayan mo na si Maxleigh,Thaddy! Pleasee" Pagmamakaawa ni Sachzna pero hindi siya pinakinggan ni Thaddeaus. Hindi ko alam kung ano ang marereact ko pero nagkakagulo na sila!Nakakainis!
"Tell us Thaddeaus,is Maxleigh really your girlfriend?" Sabi ni Carlos at lumapit sakin,aakbay sana siya sakin pero umiwas kaagad siya ng makita niya na naiinip na ako
"Ilang beses ko bang sasabihin Carlos na girlfriend ko si Maxleigh!" Iritang sabi ni Thaddeaus
"Then prove it!" Sabay na sigaw ni Carlos at Sachzna. Napatingin naman kami ni Thaddeaus sa isa't isa at hindi alam yung gagawin namin. Napalunok naman siya at tumayo at lumapit kaagad sakin,nanlaki yung mata ko at napatigil ng niyakap at hinalikan niya ako sa labi. Mga ilang segundo ay bumitaw kaagad siya habang ako ay natulala parin sa ginawa niya,lahat kami ay natahimik at siya ay hingal na hingal. K-kinuha niya yung first kiss ko!? Bumitaw siya sakin at tumingin sakin,hindi ko kayang humarap sakanya at hindi ko alam kung bakit! Bakit ba kasi hinalikan niya ako!? Kinuha na niya yung first kiss ko! TANGINA BWESIT!
![](https://img.wattpad.com/cover/229993533-288-k634521.jpg)
YOU ARE READING
Stop The Feeling
JugendliteraturThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!