Chapter 53

1 0 0
                                        

THADDEAUS'S POV

Napatahimik nalang ang lahat ng dali daling lumakad si Maxleigh palabas. I have to apologies to her,hindi ko kasi alam yung gagawin ko eh! Nagpanic ako kaya ginawa ko yun. Dahil kapag hindi ko ginawa yun,maniniwala ba sila? Agad akong lumabas at pumunta sa classroom,dahil baka nandun si Maxleigh. May mga tao ding nakapalibot sa daan pero hindi ko na sila pinansin,nung nakapasok na ako sa classroom,nanlumo nalang ako ng hindi ko makita si Maxleigh. Nakita ko kaagad si Brent kaya tinawag ko ito

"Brent,have you seen Maxleigh?" Tanong ko at lumingon naman siya sakin

"Kanina, inutos niya ako na kunin ko yung bag niya,at parang naiiyak na siya nun at pagkatapos ay pumasok na siya sa room niya" Tumango nalang ako. Pumunta kaagad ako sa tapat ng room nila at sumilip,nakita ko siya na nakatalikod ang upuan niya at humarap bintana. Wala namang masyadong tao dito kaya pumasok ako at nilapitan siya.

"Maxleigh" Nagulat naman siya at dali daling pinahid yung mga luhang pumapatak sa mukha niya.

"Alam mo ba yung ginawa mo Thaddeaus?" Sabi nya,sinisenyas ko yung mga tao na lumabas kaya lumabas na sila at kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Look,Maxle-"

"Alam mo ba na first kiss ko yun!? Diba sinabi ko sayo nuon nung sa photoshoot natin na para lang sa mahal kong tao yung unang halik ko!?" Galit na sabi niya

"Let me explain!" Sabi ko at tumawa naman siya

"Sige raw,make sure your reasons are accep-"

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag Maxleigh!" Tumahimik nalang siya at tinignan ng malalim ang dalawa kong mga mata,is she that angry? Isn't it obvious that I'm just panicking because I don't know what to do anymore!

"Nagpanic ako Maxleigh! Ginawa ko yun kasi hindi ko alam yung gagawin ko!"

"Hindi mo alam yung gagawin mo? Plinano mo ito lahat kaya dapat alam mo yung gagawin mo" Sabi niya at nanlumo,biglang namasa yung mukha niya at umupo sa upuan,hinayaan ko nalang siyang umiyak dahil hindi ko alam kung nasasaktan ba siya o nabigla.

"Oo,plinano ko ito Maxleigh. But do you think it's easy for me to do it? I have reasons why I'd do this, Maxleigh. Nagpanic ako,akala mo ba na maniniwala sila sakin kung hindi ko ginawa yun?" Kalmang sabi ko at umupo sa gilid niya at hinarapan siya. Pinahid niya yung mga luha niya habang humihikbi,I can see that she really feels bad for being careless.

"Why am I so careless? Why didn't I sense that you're gonna do it?" Papahiran ko sana yung luhang pumatak sa mukha niya pero umiwas kaagad siya

"Nabigla ka lang, I'm sorry. I'll do anything para lang mawala lang yung galit mo" Sabi ko at tinignan niya naman ako

"Tigilan na natin to" Napatigil nalang ako sa sinabi niya. Tigilan na namin? Paano kung may gagawin si Carlos sakanya? Kapag nalaman nila Sachzna to mas lalo niya lang akong guguluhin!

"I-i can't do that" Napayuko naman ako ng padabog siyang tumayo

"I can't believe that you've just said that! After saying na gawin mo yung lahat,ganyan lang din yung sasabihin mo?"

"Pano kung may gagawin sayo si Carlos?" Tumayo din ako at hinarap siya,

"I know how to defense myself kaya huwag ka ng tumulong" Sabi niya at umalis na. Ganun ba ka tigas yung ulo niya? Akala ba niya kilalang kilala niya si Carlos? Tsk, let's see kung hihingi pa siya ng tulong sakin!


Stop The FeelingWhere stories live. Discover now