MAXLEIGH'S POV
Lunch na ngayon at nagpaalam si Dona na aabsent siya ngayon kasi may lakad sila sa family niya,nag-iisa lang ako ngayon kaya tahimik lang akong pumunta sa cafeteria.
Walang naka line kaya pumili na ako ng mga pagkain."Um.. One carbonara po at tsaka water" Sabi ko
"Eto po ija oh. Magpakabusog ka ha..50 pesos lahat" Sabi niya kaya nginitian ko siya at binigay ang bayad
Medyo mahihirapan akong humanap ng table ngayon kase dito palagi maglu lunch ang mga students. Napalingon ako ng may tumawag sakin,pagtingin ko si Carlos kaya naiirata ako bigla.
"Maxleigh I saw you na mag-isa ka lang,dun ka sa table ko tara"
"Thanks Carlos pero huwag na" Sabi ko
"No, I insist" Sabi niya at hinablot ang braso ko. Bat ba braso ko palagi ang hahablutin niya?Hindi ba siya maaawa sa braso ko?!
"Maxleigh?" Napalingon kami ni Carlos ng may tumawag sakin. Pagtingin namin si Thaddeaus pala,nakatayo siya at may bitbit na juice
"Oh hey there Thadd, what's up?" Sabi ni Carlos
"Since when lang kayo naging close?" Tanong niya kaya minura ko siya sa isip ko
"We're not really that close,but soon we'll be closer than close" Sabi ni Carlos at itinaas baba yung kilay niya. Tangina naman to oh!Napaka feeling naman ng taeng to!
"The fuck!?" Sabi ko at pinapakita ko talaga sakanya na nandidiri ako
"Parang ayaw mo ata kay Carlo-"
"Thaddybooo I missed you" Napalingon kami sa likod ni Thaddeaus. Nakayakap si Sachzna sa likod ni Thaddeaus,laking gulat nalang naming lahat ng padabog niyang tinanggal ang kamay ni Sachzna
"Nag aaway ba sila?"
"Sana hindi sila magbreak"
"Gulo na naman"
Pinagbubulungan na sila dito pero hindi nila ito pinakinggan. Wala paring pinagbabago si Sachzna. She's still the same bitch I know..
"Umm I better go now hinintay na ako nila Bran" Sabi niya at umalis na,sinundan naman siya ni Sachzna at nag-aaway na naman sila. Hindi ko na sila pinakinggan
"So shall we go to our table?" Sabi ni Carlos. Hindi ba niya ako titigilan!?
Luminga linga ako at biglang bumuhay ang pagasa ko ng makita ko sila Letisha at ang kaibigan niya."Nah, I've found a table already" Hindi ko na siya inantay at pumunta sa table nila Letisha. Napatigil sila ng makita nila ako at ngumiti sakin. Mukhang mabait din tung kaibigan niya ah
"Hi pwede makiupo?Wala na kasing table eh" Tanong ko
"Oo naman Maxleigh,halika ka tabi tayo" Sabi ng kaibigan niya kaya nasa gitna ako ngayon ni Letisha at yung kaibigan niya. Mukhang kilala niya ata ako,tinawag niya kasi pangalan ko
"Kumusta ka na Maxleigh?" Tanong ni Letisha
"I'm okay naman,ikaw?" Tanong ko at kumain na
"Eto parin may galit kay Sachzna" Sabi niya kaya napangisi ako
"Ilang taon ka na ba dito?" Tanong ko. Palagi kasi siyang may binubully dito,nagtataka nalang ako bigla kung ilang taon na siya dito
YOU ARE READING
Stop The Feeling
Teen FictionThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!