Chapter 40

0 0 0
                                    

MAXLEIGH'S POV

Nagising ako ng nararamdaman ko na nauuhaw ako. Tinignan ko ang oras at 4:12 AM pa kaya mabuti nalang at may oras pa akong matulog. Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Dona na nakatulog pa at si Stuart naman ay nakapatong sakanya. Nang tumayo ako ay bigla akong napangiwi ng nangangalay yung mga braso ko,siguro dahil to sa pagte training.. Dahan dahan akong tumayo at may naisip agad ako,ngumiti ako ng may makita akong liptint sa gilid ng lampshade. Kinuha ko ito at binuksan,dahan dahan akong gumuhit ng cross sa noo ni Dona at gumawa ako ng mga kahit anong porma sa mukha niya at tsaka nilagyan din yung labi niya.. Ng ma kontento na ako,kinuha ko ang cellphone at kinuhaan siya ng picture. Nakita ko ang cellphone ko na lowbat na kaya chinarge ko ito..

Lumabas na ako at bumaba papunta sa kitchen,dahan dahan akong bumaba kasi medyo madilim yung living room. Nandito na ako sa kitchen kaya kumuha ako ng baso at pumunta sa ref para kumuha ng tubig

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto kaya matutulog na ulit ako.. Ano ba yan bat hindi ako makatulog? Ang likot ng katawan ko sa kaka hanap ng komportableng posisyon! Napahinto ako ng naalala ko yung mga ginagawa ko kay Thaddeaus. I made up my mind! I should be soft on him. Ang harsh naman diba kung palagi nalang akong ganito sakanya? I should let my ego down and stop all the hatred.

THADDEAUS'S POV

Tumunog yung alarm ko kaya bumangon ako at inoff ito. Bumalik ako sa pagkaka higa at nag isip isip muna. 5:00 AM pa ngayon kaya may time pa ako.
Napahinto ako ng maalala ko yung ginawa niya sakin,kaya siguro ganyan siya sakin dahil sakin. Dapat maging fair na ako,pero may nagawa naman akong maayus sa kanya ah? Tinulungan ko nga siyang dinala sa clinic ng may tamod siya eh.. Maybe that wasn't enough for her..
Tumayo na ako at kinuha ang towel para maligo.

Lumabas na ako at kumuha ng damit ko sa cabinet. Tapos na akong nagbihis at tinanggal ko yung charger ko at nilagay ang phone ko sa bulsa. Bumaba na ako at pumunta sa kitchen para mag almusal.

"Morning dad"  Bati ko sakanya. Umupo ko sa tapat niya at kumuha ng pagkain at juice,napansin ko na kaming lang tatlo dito ni manang at dad

"Where's mom?" Tanong ko kaya napahinto si dad

"Ah tama. She told me na maaga daw yung work niya" Sabi niya kaya kumain na ako


Nagpaalam na ako sa kay dad at umalis na... It's 6:38 AM pa kaya marami pa akong time makapag gala.
Malapit na sana ako sa school gate ng makita ko ang kotse ni Maxleigh paalis,mas nagtataka ako ng sumunod yung sakyanan ni Carlos. Alam ko kasi ang plate number sa kotse ni Carlos kaya hindi na ako magtataka. Kay Donatelly lang yung naka park sa loob.

Hindi na ako nagdadalawang isip na sinundan ko silang dalawa. Lumiko sila sa gilid kaya alam ko na patungo ito sa starbucks. Mabuti nalang at hindi traffic ngayon

Nandito na kami sa starbucks kaya nagpark ako malayo sakanila para hindi nila ako makita... Lumabas si Maxleigh at lumabas di  si Carlos kaya medyo lumapit ako sakanila at nagtago. Papasok na sana si Maxleigh sa loob pero hinawakan ni Carlos ang kamay niya,mukhang nagulat nga si Maxleigh.

"Um excuse me?" Sabi ni Maxleigh at dali daling binawi ang kamay niya

"Nice car.. Do you remember me? I'm Carlos"  Sabi ni Carlos at nilagay ang kamay niya sa bulsa niya

"Yeah I remember you. Well if you excuse me mauna na ako" Tumalikod na si Maxleigh at papasok na

"Teka,mag usap tayo pagkatapos" Sabi ni Carlos at tinanggal ang shades niya. Mukhang hindi naman interesado si Maxleigh. He's making her mad!

"Pasensya na pero hindi ako interesado" See? Alam na alam ko na  dahil mukhang alam na niya ang balak ni Carlos! Pumasok na siya at pinabayaan na si Carlos,sinipa niya yung bato at may sinasabi

"Kailangan ko siyang makuha! Hindi ko naman kasalan na naaakit ako sa ganda niya pero ano ang gagawin ko?"  Napangiwi nalang ako bigla sa sinasabi niya. Ganun nalang ba siya ka sabik sa mga magaganda? Kailan pa siya titino?

Mga ilang minuto lumabas na si Maxleigh,mukhang nagtataka siya dahil nakita niya naman si Carlos. Napailing nalang siya at binuksan ang kotse niya. Papasok na sana siya ng tinawag siya ni Carlos. Irita niyang nilingon si Carlos kaya ngumisi siya.

"Ano na naman!?" Iritang sabi ni Maxleigh

"Woah,kalma ka lang. I just want to talk to you. You see I-"

"Isn't it obvious na ayaw kong kumausap sayo!?" Dali dali siyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito.

"Pa hard to get talaga tong babaeng to. Humanda ka sakin" Pumasok na siya sa kotse niya at pinaharurot na din. Dalidali akong pumasok sa kotse dahil gusto ko silang makita..

Umalis na sila kaya dali dali din akong sumunod sakanila.. Chineck ko ang oras at 7:12 AM pa kaya may time pa

Nandito na kami sa tapat ng school. Nagpark na si Maxleigh, nagulat nalang ako na pati si Carlos nagpark rin sa gilid which is jan ako magpapark! Nagpark nalang ako sa gilid sa kotse ni Donatelly at inoff ang kotse at lumabas na

Nagtago nalang muna ako dahil makikinig ako sakanila. Ang daming nakatingin sakanila pero mukhang wala silang pakealam.

"Hindi ko ba ako titigilan ha?" Kalmang sabi ni Maxleigh at napabuntong hininga

"Look I just wanted to say na can we hang out?" Pagmamakaawa ni Carlos

"Teka pano mo nalaman na kotse ko ito?" Takang tanong ni Maxleigh kaya ngumisi si Carlos

"Well,I saw you in your village kaya sinundan kita..So-"

"Mas mabuti nat lumayo ka na" Utos ni Maxleigh pero nagmatigas si Carlos. Nagbulong bulongan na yung mga tao dito pero hindi parin sila tumigil!

"Bat naman ako lumayo eh. I just got enrolled here yesterday para makita kita araw araw" Nanlaki ang mata ko ng sinabi niya iyon at inakbayan si Maxleigh. Dahil sa galit ni Maxleigh tinamaan niyo yung sikmura ni Carlos kaya napaupo siya at napangiwi

"Carlos I'm warning you. Wag mokong subukan" Sabi niya at umalis na.. Umalis na din ako at hindi na pinansin yung mga studyanteng nakaabang sakin...

Stop The FeelingWhere stories live. Discover now