MAXLEIGH'S POV
Nakapark na yung kotse ni Thaddeaus at agad akong lumabas. Maraming palang tao dito so stick to the plan muna ako,hindi muna ako lumabas at tinignan siyang lumabas at lumapit sakin. Tsk,magka match yung suot namin! I hate it.
"Kanina pa kita sinabihang ako muna yung lalabas pero ang tigas talaga ng ulo mo,tignan mo mapapaisip talaga sila na nag-aaway tayo" Pormal na sabi niya at hindi ko nalang siya pinansin. Nagmamatigas kasi siya eh! Sino bang hindi maiinis na pinipilit kang sumakay sa kotse niya?
May dalawang babaeng tumitili dahil nakita nila si Thaddeaus, papunta nga sila dito samin eh"T-thaddeaus,pwede pa p-picture?" Tanong ng isang babae. Agad namang hinila siya ng isang babae at nagpicture kaagad sila,
"Thaddeaus,c-can you join us? P-pupunta kaming cafeteria" Sabi ng babae at nahihiya pa siya,hihilain pa sana siya sa isang babae pero umiwas agad si Thaddeaus.
"Ano pangalan mo?" Tanong niya sa babae nung naghila sakanya
"Anna po" Sabi niya at yumuko. So Anna,bawal dapat humila ng artista alam mo ba yun? O nagbobo bobohan ka lang? May rules na bawal biglang hilain yung artista dahil nakaka wala ng respeto yan. Pero sometimes hinihili din ko naman siya HAHAHAHA! But I don't mind breaking the rules kasi kaibigan naman kami ni Dona sa tatlong celebrity. Si Thaddeaus,Gaven,at si Miniah.
"Well I'm sorry to say Anna but I don't want to leave my sweety alone" Napatigil ako sa sinabi niya. Anong sweety? Sweety yung mukha niya! Masyado na siyang nag oover acting para lang maging secure ako kay Carlos.
"Totoo po ba yung issue!?" Gulat na tanong niya,pati ako nga eh nagulat sa tanong niya. Anong issue? May bagong issue na naman ba ako?Kami? Ang bilis naman magkalat yung balita nakaka umay na
"Anong issue?" Kumunot yung noo ko at tinignan siya ng maayus kasi gusto ko marinig ng maayus yung sinasabi niya
"Di mo alam yung issue niyo?" Tumango ako at napabuntong hininga siya "Ang famous tapos hindi updated tsk" Bulong ba yun? Kasi naririnig ko kasi eh! Tinignan lang siya ni Thaddeaus ng maayus at naghihintay din sa sagot ng babae
"May rumors na kayo na ni Thaddeaus,pero akala namin na haka haka lang yun pero nung sa sinabi ni Thaddeaus k-kanina parang h-hindi nga ito haka haka" Sabi niya at yumuko. Nalulungkot ba siya? Kung nauto man sila edi pasensya na po,tinulungan lang naman ako ni Thaddeaus.
"Anna,can you and your friend can keep a secret?" Tanong ni Thaddeaus kasi nahalata din ata niya
"You can trust us!" Sabay nilang sabi
"We're dating because our parents forces us to get married" Nagulat kami sa sinabi ni Thaddeaus at nginitian ko agad sila. Well I hope na hindi nila yun ikalat
"Wag niyo yan ikakalat ha dahil kung ikalat niyo yan. Alam niyo na yung gagawin ko" Sabi niya at ipinakita yung number ni George as a threat. Ang hula ko ay kapag ikalat nila yung secret nila, tatawagin ni Thaddeaus si George at ipapakulong sila Anna,ayus naman yan HAHAHHA
"Okay p-po" Sabi nila at nginitian sila ni Thaddeaus
"But we're still in good terms,I mean friends is enough for us" Sabi ni Thaddeaus,natahimik nalang ang lahat ng kumulo yung tyan ko. Nakalimutan ko palang magbreakfast hehehehe. Pasalamat nalang ako kay Thaddeaus,nakahinga na ako ng maluwag. I know na ayaw niya talaga sasabihin yung plano namin kasi mahirap na ngayon magtiwala sa mga tao.
"Oh I remember,you didn't ate breakfast, don't you?" Tanong ni Thaddeaus at tumango naman ako. Well I should really need some practice para maimprove din nama yung acting skills ko.
"Well girls,we should get going" Sabi niya at umalis na kami.
Tahimik lang kaming naglakad at nagtataka ako bat hinatid niya ako sa classroom"Nagugutom ako Thaddeaus,pupunta muna ako sa cafeteria" Sabi ko
"No need na!" Tinaasan pa niya ako ng boses ah? Napaka bossy talaga ng bwesit na to
"Papatayin mo talaga ako sa gutom eh no!?" Mas tinaasan ko pa siya ng boses at ang atensyon ng mata tao ay nandito na naman samin.
"No need na kasi binilhan kita ng starbucks!" Sigaw niya at bigay sakin ang isang paper bag. Hindi nahalata na may starbucks pala siya,pano siya nakapunta ng starbucks eh natutulog lang naman ako saglit sa kotse niya
"Impossible naman yan kasi natutulog lang ako saglit sa kotse mo" Sabi ko at kinuha yung starbucks
"I don't want to waste my time waiting for you to wake up kaya pumunta ako ng starbucks dahil hindi ka nakakapag breakfast" Sabi niya
"Well salamat" Sabi ko,nagulat nalang ako at niyakap niya ako,part ba yan sa pag acting niya?
"Magpakabusog ka" Sabi niya at umalis na habang ako ay nakatulala lang. Napabalik nalang ako sa realidad at pumasok na sa room,hindi parin mawala sa isip ko yung yakap niya kanina habang kumain ng bread. Absent ata si Dona kasi 7:12 AM na,well maaga pa naman pero feeling ko eh mag aabsent na naman yun.
Inubos ko na yung pagkain ko at tinapon ko iyon sa basurahan. Tamang tama din pumasok si Ms. Julie at pumunta sa harapan namin
"Class, I have an announcement. Kahapon nagmeeting kami ng principal at 2 weeks left before the sembreak. So ang sabi ng principal na mas better pa daw na hindi muna magklase para makapag enjoy kayo sa mga classmates niyo" Sabi ni ms. Julie at nagsigawan naman yung classmates namin. Nginitian lang sila ni ms. Julie at lumabas na,na bored tuloy ako kasi wala si Dona
"Hoy Maxleigh,ang sexy mo ngayon ah,pwede paisa?" Napalingon ako ng may tumawag sakin. Si Jason lang pala,hindi na ako magtataka kasi manyakis naman talaga siya,para din siyang si Carlos pero mas maraming lumalapit kay Carlos.
"Paisa mo mukha mo!" Sabi ko at matutulog na sana ako ng bigla akong hinatak,hinatak ako ni Jason papalapit sakanya. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko dito at nag eenjoy sa ginawa ni Jason,
"So palaban ka na ngayon ha??"
"Matagal na akong palaban,kusang duwag ka lang talaga para harapin ako nuon" Angas na sabi ko kay nainis siya
"Masarap ka sana eh kasi virgin ka pa kaso nagpapa hard to get ka eh" Dahil sa sinabi niya,sinampal ko kaagad siya. Napahawak siya sa mukha niya at galit na galit siya,parang manununtok din to ng babae ah?
"Ah ganon pala ha!" Susuntukin na sana niya ako kaso napaiwas ako,buti nalang na train ako ng maayus para mas marunong ako. Palagi niya ako sinusuntok pero ang bilis ko umiwas,gusto ata niya ng war? Sige pagbibigyan ko siya.
Sinipa ko yung tuhod niya at nadapa naman siya. Hinawakan ko yung buhok niya at hinarap yung mukha niya sakin, napangiwi siya pero hindi ako nagpapadala sa awa. I can't control my anger right now,I need someone to stop me. I immediately choke him until he'll suffocate but good thing nalang may tumigil sakin. Pagtingin ko si Thaddeaus pala yung tumigil sakin,
"Good thing tinawag ako ng mga classmates mo,kasi kapag hindi nagiging kriminal ka na" Sabi niya at binitawan ako. Kailangan pa ba si Thaddeaus ang pumigil sakin? Ang duwag naman ng mga tao dito!
"Excuse me,nasaan si Maxleigh Montenegro?" Napalingon kami ng tinawag ako ng school president
"Um excuse me?" Sabi ko at nilingon niya ako
"The dean called you" Sabi niya at napayuko ako at bumulong yung mga kaklase ko. Sinisenyas ako ng school president na pumunta na kami kaya naglakad na kami,inutos niya yung classmate ko na papuntahin din si Jason. Nakita ko na palihim na sumunod si Thaddeaus kaya tinignan siya ng masama at kinindatan ako.

YOU ARE READING
Stop The Feeling
Teen FictionThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!