Chapter 44

0 0 0
                                        

MAXLEIGH'S POV

Recess time na at sabay kaming pumunta ni Dona sa library,pareho kasi kaming dalawa busog. Na sa kabilang book shelf si Dona at ako naman ay nandito sa bookshelf na malapit lang sa mga tables.

May nahanap akong pocketbook kaya ito nalang ang kinuha ko. Medyo makapal ito kaya hihiramin ko muna to,gusto ko talaga itong tapusin but I'll just read it anytime I want dahil may sumasagabal sa oras ko!

"Maxi, I can't believe I just saw a burger on the book!" Sabi ni Dona at umupo sa harapan ko,napalingon naman ako sakanya at parang may sasabihin

"Oh ano namang meron?" Sabi ko

"Well nagca crave ako obvious ba!"

"If you're craving burgers then you should buy some,may pera ka naman" Sabi ko kaya inirapan niya ako. Tumayo siya at bigla akong hinatak palabas sa library.

"Maxleigh Dèlanxi,alam mo naman na ayaw kong mag-isa lang akong pumunta sa cafeteria!" Sabi niya kaya napairap ako. Ewan ko nalang sakanya, para kasing tanga eh! Minsan nababaliw,minsan ewan!

Malapit na kami sa cafeteria kaya binilisan namin ang paglakad. Marami mang nakatingin pero nasanay din naman kami sakanila. Iniisip ko nalang na napaka ignorante nila.

Papasok na sana kami ng may bumangga sakin. Napaupo ako at napangiwi dahil sa sakit ng pwet ko. Lumingon ako at si Sachzna pala yung bumangga sakin! Tinulungan ako ni Dona at tumayo ng maayus. Di niya ba ako titigilan!? Mukhang ako yung may atraso sa kanya eh! Napabuntong hininga nalang ako ng nagbubulongan na naman sila

"Hoy Maxleigh akala mo ba titigilan kita!? Porket na admit ka titigilan na kita!" Mukhang galit na galit siya sakin ah

"Ano bang ginawa ni Maxleigh sayo't nagkaganyan ka?" Singit ni Dona kaya nilingon niya ito at nilapitan,nginisian pa niya ito.

"Ha? HAHAHHAHA.. Well yung friend mo naman yung problema ko,bat singit ka ng singit?" Sabi niya at tinulak ito,buti nalang at mahina lang

"Alam mo Sachzna,kung ako pa sayo,mas pipiliin kong mananahimik kaysa sa manggugulo ng ibang buhay ng-"

"What's going on here?" Naputol si Dona ng biglang sumulpot si Thaddeaus. Napalingon naman sila sakanya lalo na si Sachzna,naiinis naman si Thaddeaus dahil niyakap siya ni Sachzna.

"Thaddyboo,can you tell them na lumayo sila sa atin. Palagi kasi nila binabangga tayo eh" Sabi ni Sachzna,hindi ata siya nagpapa cute ah?

"Maxleigh-- Sachzna?" Nanlumo ako bigla ng narinig ko ang boses na yun. Napatakip nalang ako sa mukha ng nararamdaman ko yung presensya ni Carlos sa gilid ko!

"Carlos? What the hell are you doing here?" Sarkastik na sabi ni Sachzna. Napatingin ako kay Thaddeaus at tinignan din niya ako,ang dami ko na ngang problema dumagdag pa tong mokong na to!

"Last week pa ako naka enroll dito,di mo ba alam? I thought Thaddeaus informed you?" Sabi niya sabay turo kay Thaddeaus. Ang dami ng nakatingin samin!! Ang iba naman ay nagvi video! Another issue na naman to! Ang sarap nalang sapakin ng mga tao dito! Hindi ba nila naiisip na kapag inupload nila yung video,masisira yung career ni Thaddeaus? Patay na patay pa nga silang lahat sakanya eh!

"She's not part of the work anymore,bat ko pa ba i-inform sakanya?" Straight na sabi niya

"Kahit na Thaddyboo! Kailangan mo ko iinform kasi-"

"Kasi ano?" Singit ni Thaddeaus,hindi agad nakakapag salita si Sachzna kas hindi niya alam kung ano ang isasagot niya! I flinched when I can feel Carlos's hands behind my back,hinawak ko ang braso ni Dona at hinawak din niya yung braso ko

"See? Hindi mo maisagot kung ano tayo? Stop pretending na magka-ano tayo kasing diring diri na ako Sachzna! Hindi ka ba nagsasawa sa kaka panggap na boyfriend mo ako?! Kahit kelan hindi kita magugustuhan okay? Just  accept the fact na ni reject kita!" Sabi niya at palihim akong ngumisi ng tumulo yung luha ni Sachzna. Ayun karma tuloy! Yan ang makukuha niya sa pagiging desperada. Medyo naiilang ako dahil sa sobrang tahimik ng paligid,lahat sila napatahimik sa sinabe ni Thaddeaus!

Napabuntong hininga si Thaddeaus at lumapit samen,napatigil ako ng inalis niya yung kamay ni Carlos sa likod ko at hinawakan niya yung balikat ko. Si Dona naman ay napatingin saken kaya napailing ako,baka ano yung maiisip niya, maninigurado lang ako.

"Hey-"

"Stop touching her" Hindi na niya pina salita si Carlos at dinala kami ni Thaddeaus sa loob ng cafeteria. Maraming nakatingin samin kaya medyo yumuko ako, mas maraming magagalit sakin kapag nakita niyang ganito kami!! Ano ka ba naman Thaddeaus! Naalala ko tuloy nung kakalabas ko lang sa hospital,napaka isip bata niya talaga pero nung tinignan ko siya ngayon,napaka formal niya. Hayst ganyan talaga pag magaling umacting!

Tinignan ko ang oras sa cafeteria at may 29 minutes pa kami para magrecess. May nakita kaming bakante na table at dun kami umupo,napabuntong hininga nalang si Thaddeaus at natahimik

"Uh,ako na ang bibili sa pagkain natin" Sabi ni Dona

"Kumuha ka lang dun,ako na magbabayad mamaya" Sabi ni Thaddeaus at tumango naman si Dona at pumila na. Napabalik naman ang lahat sa realidad at tumahimik nalang ako dahil may naririnig parin akong mga bulungan.

"Maxleigh" Napalingon naman ako kay Thaddeaus ng tinawag ako

"Ano?"

"I'm so sick of seeing you being uncomfortable,we need to do something" Sabi niya

"At ikaw pa yung nagrereklamo eh no? HAHAHAHA diba dapat ako yung magrereklamo?" Sabi ko

"Nakakasawa kasi yung mukha mo kapag palagi kang hindi komportable eh" Napairap nalang ako sa sinabi niya

"But seriously,we need to talk about this." Seryosong sabi niya

"Paano?"

"Sa bahay ka magdinner,dun tayo mag-uusap" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano?Sa bahay niya? Ako pa talaga yung mag aadjust? Pero sabagay,tutulungan din naman niya ako kaya Go ako jan.

"Oh sige" Sabi ko

"Sa labas ng village nalang tayo magkikita,hihintayin kita dun"

"Saang village? Samen?"

"Nope sa village namin. And 6:30 nandun ka na dapat" Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Napaka bossy ng taong to,ang sarap sapakin!

Nandito na yung foods namin kaya tahimik kaming kumain. Hindi mawawala sa isip ko yung sinabi ni Thaddeaus sakin,pano kapag mali ang maiisip sa mga magulang niya? Pano ko ito sasabihin kela mama na kela Thaddeaus ako magdi dinner? Baka tutuksuin nila ako!

Mga ilang minuto tapos na kaming kumain,binayaran na ni Thaddeaus yung counter at na una na kami ni Dona. Kinakabahan ako sa mga plano namin mamaya baka kasi hindi ko ito kakayahin! Si Lord na ang bahala sakin.




Stop The FeelingWhere stories live. Discover now