MINIAH'S POV
It's so good to be back home! Hindi ko matatandaan kung ilang weeks ba ako sa trabaho pero ngayon masaya ako kasi makakapag pahinga muna ako at si Gaven din. Tapos na akong nag ligpit ng mga gamit ko at pwinesto ko yung mga packages sa gilid ng bed ko, maraming mga laman yung packages at para kay Thaddeaus at Dona yun especially kay Maxleigh. Sana papuntahin ni Thaddy dito silang dalawa para mabigay ko na sakanila yung pasalubong ko. Actually limang medium size na packages yung nandito sa room ko,ang dalawa binigay ko na kela mom. Dito muna raw tatambay si Gaven para maibigay din niya yung package kela Maxi. Actually kaninang breakfast pa nga kami nakauwi dito eh at ang saya ni Thaddeaus, siguro miss na miss na niya kami.
"Anak iprepare mo muna yung mga packages sa sala dahil malapit ng umuwi sila Thaddeaus dito" Sabi ni dad at umalis na, nakalimutan ko palang isira yung pinto pero bahala na. Tinignan ko ang oras at 5:15 PM na pala! Hindi na ako nagbihis at dali dali kong binaba yung mga packages sa sala.
THADDEAUS'S POV
Hindi na ako nakapag pasok sa last subject namin dahil hinila ako bigla ni Carlos papunta sa sulok ng hall,gusto niya raw kami mag-usap. Ano ba ang pag-uusapan namin?
"Thaddeaus,I know na we're not in good terms pa pero pakinggan mo muna ako" Sabi niya at umupo sa sahig habang ako ay nakatayo lang sa harapan niya
"What is it?"
"I really want Maxleigh so bad,but I guest you've really won"
"Ang babae kasi,hindi dapat nilalaro parang laruan Carlos. May damdamin din sila" Tuloy parin yung plano namin ni Maxleigh kahit pa sumuko si Carlos dahil baka sakaling susuko rin si Sachzna
"I've really learned my lesson. Ilang weeks na ako dito pero ang dami ko nang iniwasang babae dito Thaddeaus,ang lakas ng impact ng ginawa ni Maxleigh sakin. Kakaiba kasi siya eh" Sabi niya at kulang nalang iiyak na siya,
"Palagi ko siyang kinukulit pero kapag uuwi ako,palagi kong iniisip na karma ko na ito. Iiyak ako dahil nasasaktan ako kasi mas pinili ka pa niya kaysa sa saken" Umiwas nalang ako ng tingin at makikinig nalang sakanya kasi wala naman talaga akong masasabi eh,mukhang sinsero naman siya pero wala parin siyang magagawa eh
"Makikinig lang ako Carlos" Sabi ko
"Huwag na,aalis na ako. Pero sasabihin ko sayo. Hindi ako susuko hangga't hindi ko siya makukuha" Sabi niya at tumayo at umalis na. Napatigil nalang ako bigla,ano na naman ba yung gagawin niya? Tsk,umalis nalang ako at pumunta na sa parking lot. Marami ding mga tao na nag aaproach sakin at nagtatanong sakin kung totoo ba yung kami na ni Maxleigh pero nginitian ko nalang sila,ayaw ko kasing magsisinungaling sakanila.
"Tsk,kung makukuha mo siya." Bulong ko, papasok na sana ako ng kotse ng marinig ko ang boses nila Dona
"Maxi,sa tingin mo ano ang gagawin natin sa bahay nila Thaddeaus?"
"Malay ko ba Dona? Hindi naman ako fortune teller" Sabi ni Maxleigh kaya napalingon naman ako sakanila at lumapit. Marami kasing mga tao dito kaya mahihirapan kami ni Maxleigh na lumayo. Hindi naman sa ayaw ko sakanya pero parang nahihirapan siyang makikisabay sa plano namin eh,ako naman ay sanay naman akong magpapanggap.
"Oh nandito ka na pala love" Nilakasan ko pa yung boses ko para marinig kami sa mga tao,gusto ko kasi na maniwala agad sila para ang atensyon nila na sa amin at kung andito man sila Sachzna at Carlos sana makita din nila kami.
"Anong love?" Kumunot yung noo niya kaya hinawakan ko yung braso niya at palihim itong kinurot. Napangawi naman siya at mukhang nakuha na niya yung ginawa ko,napangiti naman si Dona at pumasok na sa kotse niya para hintayin kami.
"Ah oo love,kanina ka pa ba dyan?" pilit na ngiti niyang sabi at hinawakan din niya yung braso ko. Nilibot niya yung paligid niya,at may binulong siya at hindi ko ito marinig
"Hindi naman love, let's go baka hindi hinintay na tayo" Sabi ko at tumango naman siya. Pumasok na kami sa kotse at pinaharurot ito. Tinawagan ni Maxleigh si Dona na sundin kami ni Dona kaya nagdrive na ako papuntang bahay.
MAXLEIGH'S POV
Pinark na ni Thaddeaus yung kotse niya sa loob at lumabas na kami,nagpark lang si Dona sa labas ng gate kasi uuwi naman kaagad kami. Sabay kaming tatlo pumasok at laking gulat ko nalang na nandito na pala sila Gaven at Miniah. Dali dali silang lumapit samin at yumakap
"Maxi okay ka na ba? Wala ka bang nararamdamang sakit?" Tanong ni Miniah at bumitaw sila sa pagkayakap
"Oo naman,mga last last week pa yun" Sabi ko
"Dona,namiss ko kayo ni Maxleigh" Sabi ni Miniah at yumakap. Nagpaalam si Miniah na mag-usap muna silang dalawa kaya umupo nalang muna ako sa couch
"Maxleigh,how are you?" Napalingon ako ng tinawag ako ni Gaven
"I'm okay,ikaw?Kumusta yung trabaho mo?"
"Busy as always HAHAHA nakakapagod pero worth it naman" Sabi niya.
"Bro,babalik ka na ba sa school bukas?" Singit ni Thaddeaus
"Oo naman,why would I skip school eh gusto ko naman kayong makasama" Sabi niya
"Thaddeaus bat mo pala kami pinapapunta dito?" Tanong ko
"Wala lang,gusto ko lang" Na dismaya nalang ako sa sinabi niya. Wala lang? Anak ng putcha! Baliw ba siya para papuntahin niya kami dito ng walang dahilan?
"Baliw ka pala eh!" Sabi ko at tumawa naman siya
"Ay tama pala, buti nalang pumunta kayo dito ni Dona,may ibibigay ako sainyo at saiyo din bro" Sabi ni Gaven at pumunta dun sa kitchen. Tamang tama at nandito na sila ni Miniah,umupo naman si Dona sa gilid ko at si Thaddeaus naman ay sa tapat.
"Uhm,may kukunin lang ako sa kitchen" Sabi ni Miniah at umalis na. Wala ba dito yung parents nila Thaddeaus?Hindi ko kasi narinig o nakita sila eh.
Napatingin nalang ako ng may hinatak silang tatlong medium size na packages,at parang nahihirapan sila. Tumulong nalang kami ni Dona pero pinigilan nila ako at umupo nalang.
"Kaninong package yan?" Tanong ni Thaddeaus at napatingin si Gaven at Miniah sa isa't isa
"Kanino pa ba edi sainyo" Sabi ni Gaven kaya nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Samen ba to? Nako ano kaya ang laman sakin? At tsaka dalawa yung packages naming tatlo! Huhuhuhu siguro ang ganda at mamahalin yung laman nito. Binigay na nila samin yung mga packages namin pero hindi pa namin yun binuksan. Agad ko sila niyakap at napaiyak,sa inaasta ko para first time kong nakatanggap ng package. Tinawanan nila ako pero balewala lang yun sakin
"Nako sobrang salamat naman sainyo" Ngiting sabi ni Dona
"Miss na namin kasi kayo eh kaya napag-isipan namin ni Gaven na bibili kami ng pasalubong sainyo. At tsaka pambawi naman yun namin sainyo" Sabi ni Miniah
Nagpaalam na kami at tinulungan naman ako ni Thaddeaus ilagay yung package ko sa likod ng kotse ni Dona. Sinabihan ko nalang si Thaddeaus na sasabay nalang ko kay Dona. Nilagay naman ni Dona yung package niya sa backseat.Sumakay na kami at pinaharurot ni Dona yung kotse niya at nagdrive na

YOU ARE READING
Stop The Feeling
Novela JuvenilThere was a girl who had a rough life but not until she saw an artist who is a highest paid actor! But when they had a communication and had the audacity to be friends, something came up and it changes her life forever!