Chapter 60

2 0 0
                                        

MAXLEIGH'S POV

Nagising nalang ako sa malakas na amoy ng spray,iminulat ko ang mga mata ko. Pagtingin ko ay nakaligo na silang lahat at bihis na sila,tumayo ako at napalingon naman sila sakin

"Oh you're awake na,tara mag breakfast na tayo" Sabi ni Dona

"Teka diba ang basa ko kahapon?" Tanong ko,tinignan ko ang sarili ko sa salamin at naka night gown ako,hindi to saken ah? teka lang,sinong nagbihis sakin kahapon!?

"Kanino tung night gown?" Turo ko sa suot ko at ngumiti naman si Gaven at Dona at tumingin kay Thaddeaus,wait. Does that mean na si Thaddeaus ang? OH MY FREAKING GOSH! NO WAY! Nanlaki ang mga mata ko at tinignan si Thaddeaus

"Hoy ikaw! Ikaw ba ang nagbihis sakin? ha?Sumagot ka!" Sabi ko

"Wait let me explai-"

"Hoy ikaw Thaddeaus,napaka manyak mo! Ano? Nakita mo ba to lahat ha!?" Sabi ko sabay turo sa katawan ko,jusko huwag naman sana

"Slow down Maxleigh,si Dona ang nagbihis sayo" Napahiya ako dun ah. Grabe sana pinakinggan ko nalang muna siya,napaiwas nalang ako ng tingin at umupo nalang sa kama at chineck yung phone ko, it's 8:23 AM pa kaya may time pa akong magprepare. Kumuha ako ng towel at hindi na sila kinausap dahil sa kakahiya,pumasok ako sa cr at maligo muna

"Hey Maxleigh,mauna na kami sa baba. We'll just prepare our breakfast" Sabi ni Dona,hindi ko siya pinansin at inantay silang lumabas, actually kanina pa ako natapos dito,hinintay ko lang talaga silang lumabas. Makakahinga na ako ng maluwag,
Lumabas na ako at laking gulat ko na nakaupo si Thaddeaus sa kama niya at busy sa kaka cellphone.

"Oh you're done already" Ngiting sabi niya,napansin ko lang huh. Kahapon pa siya mabait sakin,I don't get him ;Nagbago na ba siya?

"Actually kanina pa,hinintay ko lang kayong lumabas" Sabi ko at kumuha ng damit sa bag ko. Medyo naiilang ako dahil nandito siya,hindi ba siya lalabas ha? Gusto niya bang sipain ko siya palabas!?

"Ano? lalabas ka ba or hindi?Gusto mo magbihis ako sa harapan mo?" Sarkastik kong sabi at napaiwas naman siya ng tingin. O ano ngayon? Lalaban ka ba?

"Oh sorry, I'll just wait outside" Sabi niya at lumabas na at sinira yung pinto. Napailing nalang ako
Nagsuot ako ng black swimsuit at high waist na shorts dahil maliligo naman ako mamaya sa beach,kinuha ko yung shades ko at phone. Tapos ko na ginawa yung routines ko at lumabas na sa room,nagulat nalang ako ng nakaupo si Thaddeaus sa gilid ng pinto at pinalibot siya ng mga babae

"Omg,hi Thaddeaus" Sabi ng babae pero nginitian lang siya ni Thaddeaus,ano bang ginawa niya dito sa labas? Bakit ba hindi siya marunong mag ingat sa mga ginagawa niya!? Agad ko siyang pinatayo at tinignan naman ako ng masama sa mga babae,hinayaan ko nalang sila at inilayo si Thaddeaus sakanila

"Ano bang ginagawa mo dun Thaddeaus?Kanina ka pa ba naghintay" Tanong ko

"I told you, I'll wait for you. Halika na" Sabi niya at hinatak niya ako papunta sa baba,napatingin ako sa kamay naming dalawa. Umiba yung pakiramdam ko kapag nakaganito kami at hindi ko alam kung bakit.

Nandito na kaming dalawa sa dining area pero natahimik ang lahat ng makita nila kami,napaiwas nalang ako ng tingin nang kinuhaan nila kami ng pictures. Bat ba hindi nila maiwasan magkuha ng pictures?
Umupo ako sa tabi ni George at hindi na ako magugulat bat ang feeling nega nila ngayon. Magfi film kasi ngayong sila Thaddeaus kaya nandito si Sachzna,too bad hindi ako makatingin sa mga palpak na pag aacting ni Sachzna kasi mag eenjoy ako.

Stop The FeelingWhere stories live. Discover now