Sino po nag-punta sa LANTERN FEST ng CLSU?
oiii, nakakaproud college namin. LEVEL UP :)
dedicated to sa mga nakasama ko mula preparation nf facade, street dancing, at float hanggang sa mismong lantern parade.
MOST ESPECIALLY: Ericka, LD, Princess, Edward, Ninea, Poyang, Elaine, Diana, Ken, Alyanah, Sunshine, Clever, Kate, Prisca, Lerry at madami pang iba.Pati pala yung mga dancers napinagluto ko :) Kung di dahil sa inyo, d ako magiging masterchef ng CHSI-SC :)
labyu guys!!!
Pati pala kay FAYE... kapatid ko :) siya nagtype nito eh... NAGTYPE po :)
----------
Shekinah’s Perspective
Ang ganda naman ng lugar na to. Parang paraiso. Ngayon lang ako napunta dito.
“Shekinah…” May tumawag sa akin. Lumingon ako. Hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin. Wala! Hindi ko siya Makita. Pero alam kong lalaki siya.
“Sino ka ba? Magpakita ka…” sagot ko sa lalaki. Natatakot ako. Baka mamaya multo yun.
“Shekinah, nandito ako.” Sinundan ko kung saan nang-gagaling ang boses. Habang lumalakad ako, napansin kong madaming petals ng roses ang nagkalat sa nilalakaran ko. Ang ganda!
“Shekinah, diretso lang.”
Sinunod ko ang sinabi ng boses. Naglakad ako. Kahit malayo na ako sa pinanggalingan ko, nagdire-diretso pa rin ako. Maya-maya, may natanaw ako. Table for two. May candles pa. ROMANTIC! Tapos may lalaking nakatalikod.
“Sino ka?” tanong ko?
Humarap siya. Walang mukha. Natakot ako at first. Pero, lumapit siya sa akin at habang papalapit ng papalapit, naaninag ko ang mukha niya.
“Edward?” I said. Hindi ako makapaniwala.
“Ako nga.” He smiled.
Ano tong nararamdaman ko? Kumakaba-kaba itong dibdib. Pero gusto ko tong nararamdaman ko. Masaya ako na si Edward ang nasa harapan ko ngayon.
“Halika doon.” Itinuro niya ang table for two. Hinawakan niya ang kamay ko at tinungo namin ang table for two. Hala! Patuloy ang pag-kabog ng dibdib ko… Naupo na kami at kumain.
“Edwar---“ pinutol niya ng sasabihin ko.
“Shekinah, I want to tell you something.” He said. He held my right hand.
“What ?” I asked. Wala akong idea kung ano ang sasabihin niya
Mas kumabog ang dibdib ko. Daig pa ang drums. Ano kaya ang sasabihin niya?
“Listen carefully please? Matagal ko na din tong tinatago.” Umiwas siya ng tingin.
“Ang ano?” Napakunot ako ng noo.
“Ang nararamdaman ko.” Yumuko siya.
“Nararamdaman? May sakit ka ba?” Inilagay ko ang palad ko sa noo niya.
Tinapik niya ang kamay ko. “Ano ka ba… wala! Tss… Lagi ka kasing laman ng isip ko. Pati sa panaginip ko napapadpad ka. Kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko.”
O_O
Baliw ba to?
>///<
Hindi… baka naman… Aish! Wag na nga…
BINABASA MO ANG
TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)
Подростковая литератураArn't you too young to love? That's the question. But, do you believe in the saying, age doesn't matter? Join Shekinah, Edward, Alester, Arnie, and LD together with Ms. Marivinia and Sir Yurii in discovering the right age to love. This is your typic...