Chapter 48:

79 0 0
                                    

Sorry... Superlate! :)

enjoy reading nalang...

----------

Shekinah’s Perspective

“Will you be my girlfriend, Shekz?” Edward asked.

Lumuhod siya sa harap ko. Cinematic naman.

What should I say?

“Say yes!”

“Oo na yan!”

“Shekz, sagutin mo na.”

Sigawan ang mga tao. Mapa-bata o mapamatanda.

Walang words na lumalabas sa bibig ko. Nahihiya ako. Hindi ako sanay sa ganito.

“I’ll repeat the question. Shekz, will you be my girlfriend?”

“Oo na kasi”

“Binata na si Edward.”

“Oo na. Pa-birthday mo man lang!”

Nagsisigawan na naman ang mga tao.

Bahala na…

“Y-yes.” Sagot ko.

“What? I was suppose to say sorry. No! I’m not ready… Ayoko…

“Talaga?” He smiled widely at hinawakan ang mga kamay ko.

Tumango ako. Kahit labag sa loob ko.

Ano ba tong pinaggagagawa ko? Di na tama ito.

:’( Mom, help me!

“I love you.” He hugged me.

I hugged him back pero napipilitan lang ako. Pati sa sagot ko kanina. Napressure lang ako kasi madaming tao. Mahirap humindi sa madaming tao. Birthday pa niya eh. Pero ang feelings ko sa kanya, ewan ko! Di ko alam. Walang kilig. Iba… Basta iba… Kung kinikilig man, konti lang. Di tulad ng kay--- Aish! Basta!

Kumalas ako sa yakap at napatingin ako sa mga tao. Kilig na kilig naman sila. Hanggang sa mapansin kong nasa isang gilid si Webster at si Alester.

Pormal lang si Webster. Pero si Alester, siryosong siryoso. Iba ang tingin.

Mali… Maling-mali tong ginawa ko.

Lalapit sana ako kay Alester kaso tumalikod siya at umalis.

Si Edward naman, hinawakan ako sa braso. “You chose me diba?” He whispered.

Totoo lang, wala akong pinipili.

Natigil lang ako at hindi alam ang gagawin.

Alester’s Perspective

Wow! Great! Ang saya ng araw na to… Friday the 13th ba ngayon? Bat napuno ako ng kamalasan?

Kung bakit pinilit-pilit ako ni kuyang sumama dito sa birthday ni Edward. Di naman kami close.

Tapos eto ang madadatnan ko? Eh parang ako lang to kanina eh. Parang kami lang to kanina ni Hannah. Ang kaibahan lang, solo namin ang place kanina.

“Will you be  my girlfriend, Shekz?” Tanong ni Edward kay Hannah.

Kapanget talaga ng tawag niya kay Hannah. Manong binuo nalang yung Shekinah o kaya She nalang. Pwede ding Inah. Basta! Kapanget ng Shekz

Hannah, please say NO! Diba hindi ka pa ready? Diba hihintayin pa kita?

Bat kinakabahan ako sa isasagot niya? Bat natatakot ako? Bat ganito?

“I’ll repeat the question. Shekz, will you be my girlfriend?”

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon