Chapter 11:

141 1 0
                                    

Sa mga nakabasa po ng chapter 10 last week, pakire-read PO... May dinagdag po ako. Thanks :) 

---------------------

Shekinah's Perspective

Tapos na ang klase. Ewan ko ba't bigla akong nalungkot. Ayoko pang umuwi kaya tinakasan ko si Arnie. naghanap ako ng lugar sa school kung saan pwede ako mapag-isa at napunta ako sa rooftop. Maganda ang view. Tanaw ang buong school namin pati ang katabi nitong public high school. Pero hindi ako pumunta doon para i-enjoy ang scenery. pumunta ako doon para umiyak.

Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan ang family picture ko noong bata pa ako. Sa picture na iyon, everything was so perfect. Parang walang prublema. Parang puno ng pagmamahalan. Parang walang trials na sisira sa samahan namin. Pero wala, it ended up in a broken family. Di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata.

"Mom... Dad..." pauli-ulit kong sinasambit. Wala... Di ko alam sasabihin ko. Ang alam ko ang nasasaktan ako sa paghihiwalay nila.

"Naiingit ako sa iba dahil buo ang pamilya nila... Inggit na inggit ako... i always pray na mabuo tayo."

Bata pa lang ako noong mahiwalay sila. mage-grade one ako. Noong mga panahong yun, away sila ng away... wala akong iban inawa kung hindi magkulong sa kwarto, umupo sa sulok, at umiyak sa tuwing nag-aaway sila.

Nagulat ako ng biglang may nag-abot ng panyo sa akin.

"Okay lang ako." sabi ko sa kanya. pagtingala ko para ingnan kung sino siya, nagulat ako. "Edward, ikaw pala yan." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"What's the problem? Handa akong makinig." sinabi niya sa akin. feeling ko full of sincerity ang sinabi niya.

"I'm okay. Don't worry. Tsaka, nakakahiya."

"I'll keep it as a secret. It's safe with me. Masama ang mag-solo ng problema. I'm here as a friend. You can tell me everythin. I might help. Diba? Dati nga tinulungan mo ko noong d mo pa ko kilala. Panahon na siguro para ako naman ang tumulong sayo."

Noong narinig ko ang mga sinabi niya, parang safe ako. Parang may remedyo sa mga problema ko. Parang mawawala lahat ng problema ko pag sinabi ko sa kanya."

"It's my Mom and Dad. Hiwalay sila. bata pa lang ako noon bangayan na sila ng bangayan. Sa tuwing nag-aaway sila, ang ginagawa ko lang ay magkulon sa kuwarto, takpan ang tenga, at umiyak."

He continued listening... Alam ko namang di niya ako matutulungan eh pero alam kong matutulungan niya ako ma-ease yung pain na nararamdaman ko.

"Noong naghiwalay sia, umuwi si Mom sa Manila at isinama ako. Doon ako nag-elementary. Alam mo ba, kapag may family day sa school noon, wala akong kasamang parents. Si Mom kasi nagtatrabaho and si Dad, andito sa Cabanatuan, subsob sa business. Minsan nga lang siya tumawag sa akin eh. Marami silang pagkukulan sa akin. Nasasaktan ako sa ginawa nila pero di ko alam. Nagagalit? Oo, nagagalit ako sa paghihiwalay nila. Pero, mas nananaig yung pagkagusto kong mabuo kami ulit. Mabuo yun pamilya namin."

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Shhh... Don't be sad. Don't feel any hatred. At least you have them, you have your Mom and Dad. hiwalay sila pero may connection ka pa rin sa kanila. They love you. Maybe, may reason kung bakit sila naghiwalay. Don't be too much affected. Make time for both of them. At least, kahit nahiwalay sila, yung relationship mo sa kanila ay maayos. Alam mo, may mga taong isa lang ang magulang, yung iba naman wala talagang kinagisnang magulang. Kaya, swerte ka pa din."

Tahimik ang ako ng mga oras na iyon. i felt na may point siya. Ngumiti ako sa kanya and he smiled back.

"tama na pag-iyak. uwi na tayo. Start today." tinap niya ang shoulder ko.

numiti ang ako. Maya-maya, hinawakan niya ako sa wrist at tumakbo kami papuntang parking lot. Nang biglang...

"Uy, Shekii, Andito ka lang pala kasama si Edward." sabi ni Arnie habang hinihinga.

"Bat di ka pa umuwi kanina?" tanong ko.

"Eh kasi nga sabi ni Tito Kennedy na lagi tayong sabay umuwi. Kaya hinanap kita."

Bigla niya akong hinila papaabas ng school. habang nakasakay kami ng trike, di siya nagsasalita. batrip yata.

"Arnie, galit ka ba?"

"Hindi. Bakit?" matabang niyang sagot.

"Kanina ka pa walang imik eh."

"Wag mo na akong pansinin, Hayaan mo nalang. Pagod lang siguro ako."

Noong makarating kami sa harap ng bahay, pinababa niya ako ng trike. Samantalag dati, bumababa din siya at hinihintay niya akong makapasok bago siya ma-lakad pa-uwi. Tutal walking distance lang naman mga bahay namin.

Arnie's Perspective

Pagkatapos ng klase, pinuntahan ko agad si Shekinah sa classroom nila kaso wala na siya. i tried na hanapin siya sa buong school. Sa bleachers, sa canteen, sa mga cr, sa exit, sa hallway, sa gym. Kaso, wala siya.

"napapaod na ako. nasaan kaya yung Shekinah na yun.

Tinext ko sina Edward at LD

To: Edward; LD:p

Nakita niyo ba si Shekinah?

--end--

si LD ang nagreply.

From: D:p

Umakyat sa rooftop.

--end--

Noong mabasa ko ang reply niya, dali-dali akong umakyat sa rooftop kaso naasar ao at nadismaya sa nakita ko

SI EDWARD NAKAYAKAP KAY SHEKINAH!!!

Parang kinurot yung puso ko sa nakita ko. hindi na ako tumuloy at bumaba na lang ako. Mas masakit yung sumunod kong nasaksihan. Makaholding hands silang tumatakbo. Sinundan ko sila... Hanggang sa parking lot.

"Ahas to! Tinuring ko pa naman ding bestfriend!" bulong ko.

Bumitiw sa pagkakahawak si Edward kay Shekinah noong paparatin na ang sundi ni Edward.

"Ui, Shekii, andito ka lang pala kasama si Edward." pinilit kong magmukhang okay lang kaso hinihingal ako.

"Bat di ka pa umuwi kanina?" sagot niya sa akin.

"Eh kasi sabi ni Tito Kennedy na lagi tayong sabay umuwi kaya hinanap kita."

naasar ako kaya hinila ko nalan siya palabas n school.

"Pare!" sigaw ni edward pero hindi ko pinansin.

Naasar ako kasi ang taong pinagkatiwalaan mo ay siya pang tutuklawsayo habang nakatalikod ka. gusto ko siyang sapakin noon. kaso nakaharap si Shekii kaya isinantabi ko muna.

~Ayan. medyo natututunan ko na pong mapahaba ng chapters. Wait for my next UD, readers...

NAKS! napakadami kong readers. LOL!

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon