Chapter 30:

59 0 0
                                    

Basa lang nga basa para matuwa ako sa inyo.

Kamusta preparation niyo for new year?

----------

Shekinah’s Perspective

<mag-sawa kayo sa perspective niya>

Hindi siya ang ineexpect kong Makita.

Siya ba yung Jeh? Bakit ganun? Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko pa nga nakikita to kahit minsan eh.

NAKAKATAKOT siya. He looks like a gangster. 

Tinuro niya ako pero tumakbo ako pababa. Basta tumakbo nalang ako. Natakot ako eh. Hindi ko na tiningnan ang dinadaanan ko. Wala akong pakialam kung may mabunggo ako.

Suddenly,

KABLAAAAMMMM!!!

May naka-bunggo ako…

Napahiga siya… Ako naman, nakapatong sa kanya…

Buti nai-tukod ko ang kamay ko.  Kung hindi, magkakaroon ako ng first kiss ng di oras.

Tiningnan ko siya. Kilala ko ang ganung ka-angelic na mukha…

“Alester.” Halatang gulat siya

Ako din kaya. Nanlaki pa mga mata ko.

Tumayo kami at nag-pagpag ng damit. Pag-talikod ko, nandoon si Edward. May hawak na bouquet ng pink roses. 

Nginitian niya lang ako at naglakad ng diretso.  DINAANAN NIYA LANG AKO.

Sinundan ko siya ng tingin.  Sakto namang dumating si LD. Inakap ni LD si Edward. Si Edward naman, binigay kay LD yung roses. Ito ang matindi, somewhat kapareho ng roses na hawak ni Je hang roses na binigay ni Edward kay LD. 

Bakit ganun? Parang dismayado ako. Parang nalulungkot ako. Sana si Edward nalang si Jeh. Sana sa akin na lang yung flowers. Sana anytime malalapitan ko siya. Sana ako nalang yung yumayakap sa kanya.

NAAASAR AKO EH. DISSAPPOINTED AKO.

Inakbayan ako ni Alester. I gave him a weak smile. Tsaka kami naglakad palayo.

Habang naglalakad…

“Di mo ba napapansin, most of the time, pag magkikita tayo lagi tayong nagkakabunggo? Malabo siguro matamo noh?” Pang-aasar ni Alester.

Malinaw pa sa mineral water ang mata ko noh! Asa ka naman…

“Nako. Malinaw mata ko noh! Baka ikaw. Or worse, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo at ginagawa mong bomb car ang magandang binibining kagaya ko.” I gave him an evil look and smirked. 

“Ikaw? Maganda? Kamukha mo kaya si Imaw.” He laughed. “ tsaka  Asa ka namang di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Magaslaw ka lang. kagaslaw mo kasi. Takbo ka ng takbo.”  He laughed at tumingin ng nakakaloko.

“Paki mo ba?” Singhal ko sa kanya tsaka ko tinanggal yung kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin.

Nauna ako kunwaring maglakad para habulin niya ako. I never failed. HINABOL nga niya ako. Sumabay lang siya sa paglalakad. Hanggang sa paglabas ng school, walang nagsasalita sa amin.

Humarap ako sa kanya at hinila siya. Mabilis kaming naglakad papunta sa bilihan ng ihaw-ihaw sa tapat ng school naming…

“Oy, Alester, masarap to oh.” Itinuro ko yung mga isaw, betamax, adidas, bbq, at balingit na iniihaw.

“Kumakain ka niyan?” bulong ni Alester sa akin. Halatang nandidiri.

I smiled at him. “Oo naman! Masarap yan.”

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon