Chapter 29:

67 2 0
                                    

Dapat pang-bukas ko pa tong UD na to kaso kailangan ko mag-search ng mga recipe para sa QFP, isinabay ko na din mag-UD

----------

Shekinah's Perspective

HALA… LATE NA KO!!!

Saktong 7:30 am na ako nagising. Hindi naman kasi ako sinundo ni Arnie. Galit kaya siya talaga sa akin?

“Nako, 7:30 pa naman din ang first class. Badtrip!” reklamo ko sa hangin. Ala naman akong kausap eh.

Kumaripas ako ng takbo sa CR. Nagmadali akong maligo at magbihis. Isinabay na ako ni Tita Marivinia sa pag-pasok kaso doon niya ako pinababa sa convenience store sa tapat ng school. Bukod kasi sa secret lang naming magkamaganak kami, di pa ko kumakain kaya bumili muna ako ng food doon. Siopao tsaka Mogu-Mogu. Heaven!!! Doon na ako kumain. May 15 minutes pa naman bago ang next subject namin.

Habang kumakain ako, syempre tinext ko si Kristine kung ano ang ginawa sa first subject namin. Awa ng Lord, nagdiscuss lang siya. Pagkatapos kumain, naglakad na ako papunta sa school nang biglang nagtext si Jeh.

From: Jeh

Shekz, bat di ka pumasok? Diba magpapakilala na ko sayo mamaya?

---end---

Ay… oo nga pala! Montik ko ng makalimutan.

NAEEXCITE NA KO… Sino kaya siya?

To: Jeh

Tanghali lang ako nagising. 4pm pa naman diba? :)

---end---

Hindi na siya nag-reply. Dumaan muna ako sa locker ko bago dumeretso sa classroom. Pagbukas ko, merong chocolate at love letter(?).

Considered bang love letter yun? Di ko pa binabasa eh. Mamaya na. Malelate na ako para sa next subject namin.

Bago pa ko tuluyang pumasok sa classroom, sinilip ko muna yung room nina Arnie. Baka nandoon siya. Gusto ko sana siyang makasama kaso wala siya. Kaya, dumeretso na ako sa classroom at nagmamadaling umupo sa upuan ko dahil nandoon na din yung teacher. Nag-aattendance. Saktong pag-upo ko, tinawag ako.

“Alfonso, Shekinah Hannah Marie” tawag ng teacher.

“Present, Ms.” Sagot ko habang tinataas ang right hand ko.

After ng insidenteng yun, tinanong naman ako kaagad ni Kristine.

“Uy, what happened ba at nalate ka?” Bulong ni Kristine sa akin.

“Late na ako nagising. Ewan ko ba. Ang daming nangyari kahapon eh.” Sagot ko.

“Oo nga. Pati ba naman kahapon ng hapon wala ka. Buti hindi tuloy yung quiz sa Gen. Sci. kungdi patay kang bata ka!” napalakas ang boses ni Kristine kaya napatingin yung iba naming classmates.

Eh birthday kaya ni Alester. Bigla nalang ako dinala sa bahay nila. Pero okay lang… Masaya din naman. Tapos ayun, nagkagalit kami ni Arnie. :( At, umuwi na si Mom from Manila. Okay na ang lahat. One big whole family na kami. Este, small pala. Haha… Tapos, si Mr. Stalker aka Jeh, magpapakilala na mamaya.

“Mahabang story, Mars! Makinig muna tayo ng discussion” Sagot ko sa kanya.

MARS? First time ko siyang tinawag na ganun ah? Napulot ko kung saan…

Yes! Nakinig po kami sa lesson. Mabait naman akong estudyante eh. Joke!!!

Napalingon ako sa likod, nakita kong natutulog si Alester. Nakadukdok siya sa armchair niya. Yung necklace na binigay niya, suot ko. Itinago ko sa loob ng damit. Yung ka-terno naman, suot din niya. Nakatago din yata sa loob ng damit niya. Medyo nakalabas lang kasi yung ibang parte sa batok niya kaya ko napansin.

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon