Chapter 40:

84 3 1
                                    

It's time for YuriiVinia

Kilig kaya o Heartbreak?

BASAHIN NIYO NALANG

enjoy!

----------

Yurii’s Perspective

“I loved you, Lalabs.” Sinabi ko kay Lovely.

Past tense…

Pinunasan ko ang luha niya. Don’t get me wrong. Ayoko lang na maging rude sa kanya. May pinag-samahan din naman kami.

Bigla siyang yumakap sa akin.

Tinanggal ko kaagad ang pagkakayakap niya sa akin.

“I love you too. Ako nalang please.” Patuloy ang pag-iyak niya.

“Di mo ba narinig ang sinabi ko? I LOVED YOU. Past tense. Lalabs, nasaan ka ba noong panahong mahal kita? Nasaan ka ba noong panahong kailangan kita? Nasaan ka?” Sumbat ko sa kanya.

“Sorry. Pinagsisisihan kong umalis ako noong hindi nagpapaalam sayo. Sorr---“ hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

“Okay lang yun. Kasi kung hindi nangyari yun, Marivinia would not play a big part in my life.” I smiled sweetly. “ Besides, bago ka umalis, we broke up.”

“Wala na ba talaga akong puwang diyan sa puso mo? Yurii, mahal kita.”  Patuloy na bumuhos ang luha niya.

Sorry… Pero HINDI NA KITA MAHAL.

“Sorry… Mahal ko siya. Siya yung nagbigay ng kulay sa buhay ko noong panahong black and white to. She fixed my broken heart. Siya yung nagparamdam sa akin na pwede akong magmahal ulit.” I explained.

Napangiti siya ng mapait. “Wala nap ala akong babalikan. Dito pa naman ako pumasok ng trabaho kasi umaasa akong maaayos pa natin to. Wala nap ala.” Yumuko siya.

“Ah… S-sige, pupunta na akong gym.” Paalam ko sa kanya. Di ko alam ang sasabihin ko.

Sorry, Lalabs. Iba na ngayon eh. Siya na ang mahal ko. 5 years akong nagpaka-tanga sayo. And last 2 years, I found Marivinia. Siya ang muling nagpatibok ng puso ko.

Pagdating ko sa gym,

Naghintay ako…

5 min

10 min

30 min

45 min

Pero wala pa siya…

Kinontact ko yung naka-toka sa convenience store pero kanina pa daw siya pumunta dito.

Tumambay pa nga dito kanina si Shekinah at Alester eh….

Ano kaya ang nagyari?

Tinawagan ko siya pero cannot be reached naman.

Ano bay an!

Ayaw ba niya tong surprise ko sa kanya?

Marivinia’s Perspective

Pumunta ako sa lugar kung saan lagi akong pumupunta kapag nalulungkot ako, kapag may problema ako.

Sa puntod nila Mama at Papa…

Dito ko ibinuhos lahat ng galit ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nasanay kasi ako na nagmula pagkabata ko na kapag masama ang loob ko, sa kanila ko sinasabi. I love them both kaso maaga silang kinuha.

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon