Shekinah's Perspective
Nakita ko sina Mom at Dad. Magkasama. Magka-holding hands. Si Tita Marivinia. Andito din sina Arnie, Ericka, Webster, Kristine at Clark. Walang LD at Edward. Sila ang mga new found friends ko. Si Edward, kasama ko kanina. Akalain niyo, alam niyang birthday ko dahil nakita daw niya sa may ID ko, tapos may surprise pa.
Maalala ko….
Not in good terms pala si Arnie at Edward.. Di ganong nga-uusapa this past few days, bakit kaya???
“HAPPY BIRTHDAY!!!” sigaw nilang lahat.
=’’’)))))
“I love you, anak!” Sabi ni Dad.
“I Miss you!” Sabi naman ni Mom
Inakap ko lang sila. Ang saya ko. Hindi ko alam kung totoo ito. Totoo bang magka holding hands sila kanina? Totoo bang magkasama sila ngayon?
“Salamat, Mom… Dad”
Di ko namalayang tumulo na ang luha ko. Hindi dahil malungkot ako. Tears of joy dahil buo kami ngayong special na araw na’to.
“Anak… Baby, we have a great surprise for you..” sabi ni Dad. Si Mom, todo ngiti…
“Di pa po ba ito ang main surprise? May kotse na po ba ako… May condo?” curious kong tanong.
“Higit pa doon, Baby” sagot ni Mom.
“Alam naming ikatutuwa mo ito.” Sabi ni Dad.
“Your Dad and I… We are back together. I’ll be in Manila for a couple of weeks para ayusin ang dapat ayusin pero babalik ako ditto. Mabubuo na tayo.” Dagdag ni Mom.
“Ah teka teka… Ate, Kuya, Pamangkin…. Bago ang drama, kainan na muna! Aba… Gutom na ang mga bagets!”
Bagets? Uso pa pala yung salitang iyon. Tita talaga… Panira ng drama…
“WooHoo! Sugod!” Sigaw naman ni Arnie at tumakbo papalapit sa buffet.
Nagsunuran naman sila. Wag ka, kasali sa kaguluhan nila si Tita Marivinia. Maya-maya lumapit sa akin sina Ericka at Krisrine. Yumakap sila sa akin at sinabing “Maligayang Pagtanda!!!”
“Thank you…” Nangingilid angluha ko…
Ngumiti ako. “Panira naman ito ng moment. Akala ko kasi wala nang nakaalala ng birthday ko.”
Lumapit sila Arnie, Webster at Clark. Itong si Arnie, umakbay sa akin. Tinawagan ko silang lahat para sa’yo. Happy birthday Shekii”
Ang sweet naman ni Arnie. Inaya niya mga new found friend ko na nameet ko ng dahil sa kanya. Kahit naman pala nakakaasar siya dahil nag-sinungaling siyang nagdedate kami, nakakatuwa din siya.
‘Hoy, Arnie! Ako kaya nagsabi sayong may surprise para sa pamangkin ko.” Sigaw ni Tita.
Nagtawanan kaming lahat.
Hindi naman ganoon ka-engrande yung surprise nila sa akin. May banner lang ng happy birthday tapos nakahanda yung mga favorite kong mga pagkain. Mom and Dad are back together, andito yung mga friends ko, andito ang favorite tita ko. Pero lahat… lahat ng mga ito ay special sa akin. This is my best birthday ever.
Hindi diyan nagtatapos ang birthday celebration ko. Mawawala ba naman ang videoke kapag may ganitong happenings. Kapag ganito, bida si Tita Marivinia. Sa harap naming ngayon, hindi siya teacher na nagsusungit-sungitan. Siya ngayon yung totoong siya. Kengkay. Si Mom and Dad din ay nag-duet, Be Clareful With My Heart. Kilig naman kaming lahat. Totoo ngang love is sweeter the second time around. Hindi rin nagpatalo sina Arnie, Webster, Clark, Kristine at Ericka. Ako din ah bumirit ako. Alone ba naman ang kantahin ko… Anne Curtis level. Oh Ha?! XD

BINABASA MO ANG
TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)
Teen FictionArn't you too young to love? That's the question. But, do you believe in the saying, age doesn't matter? Join Shekinah, Edward, Alester, Arnie, and LD together with Ms. Marivinia and Sir Yurii in discovering the right age to love. This is your typic...