SORRY kung ngayon lang ang UD ah? Medyo naging busy kasi last week.
Dahil Hell week po. Ang hihirap ng mga exam grabe...
Enjoy reading nalang... :)
----------
Alester’s Perspective
“Alester, can we talk?” Tanong ni Hannah.
“Why? May problema ba? I asked back.
Bakit mukha siyang malungkot?
“Wala naman.” She smiled weakly.
“No. You’re not okay.” Umakbay ako sa kanya. “Kwento ka na.”
“Let’s just enjoy this day. Okay lang ba? Gusto ko lang mag-enjoy kasama mo.” Umiwas siya ng tingin.
“You sure?” I asked.
“Oo naman.” Tipid niyang sagot.
“Anong gusto mong gawin?” I smiled.
“Yung mga usual nating ginagawa. Naghaharutan, kumakain ng ihaw-ihaw. Basta yung lagi nating ginagawa. Namimiss ko na yun eh.” Malungkot ang tono ng boses niya.
May problema ba siya? Bakit parang aalis siya? Bakit parang hindi na siya babalik?
“Hannah, please be honest. Aalis ka ba?” Nagtataka kong tanong/
“H-hindi. Adik to!” Tumingin siya sa akin. “Saan naman ako pupunta?”
“Baka sa puso ko… Ganun…” I winked.
“Ahehehe.” She faked her laugh. “Baka andyan na si Bashang sa loob.” Umiwas siya ng tingin.
BASHANG na naman. Ayoko dun! KAPANGET! Siya nga ang gusto ko diba?
“Seriously, Hannah, may problema ka ba? Pwede mo namang i-share sa akin eh.” I said seriously.
“Wala… halika nalang.”
Naglakad kami papunta sa ihawan sa tapat ng school. Naalala ko, dahil sa kanya kaya ako natutong kumain ng ganito. Kasi naman, si Hannah yung tipo ng babaeng hindi ko mahindian. Mahal ko eh.
After naming magihaw-ihaw, nag-milk tea kami. Ako ang namilit. Lagi naman eh.
Kahit simple lang ang mga ginaagawa naming, nage-enjoy ako. Basta siya ang kasama ko.
Sana nage-enjoy din siya. Sana… Malungkot kasi siya ngayon eh. Iba ang aura niya. Pinipilit kong sabihin niya pero ayaw niyang mag-salita. Lagi niyang iniiba ang usapan.
Nag-Tom’s World din kami kasi gusto din daw niya mag-shoot ng bola kasama ko.It turned out na mas magaling pa siyang mag-shoot sa akin. Pinabibilib talaga ako ng Hannah ko… :)
Maya-maya, inaya niya ako sa rooftop ng mall. Tingnan daw naming ang mga clouds. Siyempre pumayag ako. Ganito din yung ginawa naming nung birthday ko eh. Namiss kong gawin to KASAMA NIYA.
Ang cute ng mga clouds pero si Hannah lang ang tiningnan ko. Ang ganda niyang tingnan habang tinitingnan yung mga clouds. Nakangiti. Parang walang problema.
“Alester, pag nawala ako, tumingala ka lang. yang mga clouds nay an, Yan ang magpapaalala sayo na minsan may Shekinah Hannah Marie Alfonso kang nakilala.” She looked at me and smiled.
“Ano bang gusto mong sabihin. KAnina pa ko litong-lito sayo eh.” I asked seriously.
“Wala… Ikaw naman. Mamayang gabi, wag muna tayong umuwi ah? Gusto ko kasing mag-stargazing tayo…”
BINABASA MO ANG
TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)
Teen FictionArn't you too young to love? That's the question. But, do you believe in the saying, age doesn't matter? Join Shekinah, Edward, Alester, Arnie, and LD together with Ms. Marivinia and Sir Yurii in discovering the right age to love. This is your typic...