Chapter 46:

83 1 0
                                    

 2nd UD for this week.

It's Yurivinia's Time... Namiss nyo ba silang sweet sweetan?

Enjoy reading...

----------

Marivinia's Perspective

Ang dami ng nangyari sa mga buhay-buhay namin. Lumipas na ang pasko at bagong taon.Kami ni Yurii? Iniiwasan ko pa din siya.

Still, he exerts efforts to talk to me. Naaawa na nga ako eh. Bakit nga ba ganito ako sa kanya? OA ba ko?

<Oo! Sinabi mo pa. Kutusan kita jan eh>

Siguro nga. I’ve proven naman na hindi niya ako niloko eh. YATA!

Hindi naman sila laging nag-uusap ni Lovely eh. In fact, nag-iiwasan sila. I don’t know. Baka LQ? Joke!

“Ms. Ma, siguro naman makakapag-usap na tayo ngayon.”

Lumingon ako sa nagsalita.

Si Ms. Lovely. Anon a naman bang kailangan niya?

I’M TRAPPED WITH THIS URRRGGG!!!

“O-okay.” I answered.

Umupo siya sa tabi ko. “*Ahem* It’s about Yurii.”

“What’s with him?” I asked seriously.

Kunwari nagsusulat ako…

“Don’t be too harsh on him.”

“Do I?” I looked at her.

“Yes, you do.” She smirked. “Actually, last year ko pa to gustong sabihin sayo eh. Nag-away kami ni Yurii dahil sayo.”

WHAT? Anong malay ko sa inyong dalawa? Di ko nga kayo pinapakialaman eh.

“Dahil sa akin?” I asked.

“Yes!”

“Howcome? Eh di ko naman kayo pinapakialaman ah.” I answered.

“Kung makikichismis ka kasi, gagalingan mo para hindi kulang yung mga nakukuha mong chismis.”

Anong ibig niyang sabihin? Kakasabi ko lang na wala akong pakialam sa kanila diba?

“Wala akong balita sa buhay-buhay ninyo eh. Tsaka di ako chismosa. I have my own life.” I explained.

“That’s not what I mean. Look! I’m not an enemy here. Nalala mo ba yung araw na may mga pinagawang challenges si Yurii?”

“Ah yun ba?’ Yumuko ako.

“He said na narinig mo kaming nag-uusap. Inaamin ko, I said I love him. Yes, I do. Hanggang ngayon.”

“Diba nagkabalikan na kayo?” I looked at her.

She laughed. “We’re not. He loves you so much. Suddenly, ikaw tong aayaw-ayaw.”

“You mean---“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

“Well, dati… We were once lovers. But, I left him. I applied here kasi nagbabakasakali akong mababalikan ko pa siya. Na mahal pa niya ako. Pero, he already found you. Akala ko nga kayak o pa siyang makuha ulit. Since I made him fall in love dati, baka kaya ko ding gawin ulit yun. Maybe deeper. But, no! ‘Til now, pino-prove niya sa akin kung gaano ka niya kamahal. To think, hindi naman kayo. Hindi naman naging kayo.” She smiled bitterly. “Ikaw lang naman ang aayaw-ayaw, halata namang may gusto ka rin.”

Haba ng sinabi…

“So, I became harsh talaga? Hindi ako nakinig sa kanya. Totoo pala lahat ng sinabi niya.” Napakamot ulo ako.

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon