Chapter 15:

71 1 0
                                    

Hmmm... Sorry po dahil maikli itong chapter na ito... Para nga pong hindi chapter eh....

Tsaga lang po :) Basta promise pahahabain ko na po talaga mga chapter nito...

--------------------

Edward's Perspective

Napagsaraduhan kami ng pinto... Badtrip naman! Math class pa naman din yun. Hayaan na nga, siguro naman magegets ko din yung topic na dinidiscuss. Self review lang yan. Este, Papaturo pala ko sa mga classmates namin.

"Edward naman! Ang bagal mo kasi tumakbo." Singhal ni Shekinah na medyo hinihingal pa.

"Mabagal? Hindi kaya. Ikaw nga montik ng matapilok." natatawa kong sagot. Siya naman, tiningnan ako ng masama.

""Eh pano nagmamadali tayo." Napipikon na ata siya.

"Kahit na! Dapat maingat pa din tayo." sabi ko sa kanya tsaka ako ngumiti.

"Opo sir." tumalikod siya sa akin at nag-indian sit sa isang gilid. Tumabi ako sa kanya pero natahimik ng panandalian ang paligid.

"Tara kumain." anyaya ni Shekinah habang nakatingin siya sa akin ng parang nagmamakaawang puppy. Ang cute niya. I can't resist!

"Sure! Gutom na din ako eh. Di pa ko kumakain." sagot ko tsaka ako umiwas ng tingin sa kanya.

Hinila ako ni Shekinah. Takbuhan na naman!!! Pumunta kami sa isang doughnut shop sa tapat ng school. Akala ko naman kanin ang kakainin namin. Pero ang takaw pala niya ha... Ang daming inorder. Syempre I insisted sa pagbabayad. Well, I consider this as a date. Shhh... Ewan ko lang sa kanya kung ganun din. Kasi baka ito na ang huling beses na magka-usap kami. Pinag-iisipan ko kasi kung iiwasan ko siya o hindi. You know, Arnie issue.

Habang kumakain kami, tinititigan ko siya. Ang cute kasi niyang kumain. Poised pa din kahit halatang gutom na.

 <Poised nga ba? Eating Shekinah on the side.>

"Oh, bakit ka nakatingin sa akin?" tanong niya curiously.

"Wala lang. Ang cute mo kasing kumain eh." sagot ko tsaka ako ngumiti sa kanya.

"Madumi ba mukha ko?" Tsaka niya pinunasan ng tissue ang bibig niya.

Kung alam mo lang kung gaano ko nahuhumaling sa mukhang yan. Kahit siguro may grasa yan, cute ka pa ding tingnan.

"Hindi... Para lang kasi akong nakatitig sa MAPA... Mapapangasawa ko."

Humagikgik sa tawa si Shekinah. Ang saya-saya niya dahil sa corny-ng pick-up line na yun.

"Alam mo, pasalamat ka kasi pogi ka. Medyo bagay sayong magpaka-corny."

Na-touch naman ako s sinabi niya. POGI daw oh. Pero I made my facial expression serious. I'm about to say something."

"Shekinah, whatever happens, let's stay as friends ha?" siryoso kong tanong.

"Oo naman. Bakit? Mag-aabroad ka na ba't magmamigrate." nagtataka niyang sagot.

"Hindi naman." I smiled. A weak smile. Di ko kasi masabi ang dahilan eh. Ayokong pangunahan si Arnie.

"Yung tono mo kasi parang hindi ka na babalik." biro niya sa akin.

"Basta kasi... Promise me please..." I plead

"Oo naman. Promise. Mamatay man yung kapitbahay." Itinaas niya ang right hand niya na parang nagpapanatang makabayan.

"Nandamay ka pa." I laughed.

"Ayoko pang mamatay eh. madami pa akong pangarap. Teka bakit ba?" tanong niya.

"W-wala... Wala... I just want to be your friend.." sagot ko...

"Okay... Friend..." Tsaka siya nag-^__^v

Though, she smiled, halatang nalilito siya sa sinabi ko. Di ko naman kasi masabing I love you. Oo, mahal ko siya. Pero mahalaga din sa akin ang pinagsamahan namin ni Arnie. Magpaparaya ako. Makakasanayan ko din naman ang sakit eh.

"Tungkol nga pala kanina. Ano yung binulong mo?" tanong niya in serious face.

Napatahimik ako. Di ko alam isasagot ko eh.

"Uy, ano na?" Bigla niya akong tinapit sa braso. Natauhan ako.

"W-wala yun..." I answered.

"Edward, tara na. Humabol tayo sa next subject."

Nagmadali kaming mag-lakad pabalik ng school. Sakto namang nakahabol kami sa susunod na klase.

~ READ.VOTE.COMMENT.RECOMMEND.

kayo na po ang bahala. Para masaya...

Enjoy po ba yung chapter?

TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon