Edward's Perspective
From: Arnie
Pare, usap tayo sa park. now na...
--end--
Noong nabasa ko ang text niya, di ko alam ang irereply ko. Hindi ko kasi alam kung galit ba siya sa akin at kung ano ang dahilan. Pinauna ko ng umuwi yung driver. Magcocommute nalang ako. Pumunta pa rin ako sa park. baka kasi kailangan niya lang ng kaibigan na dadamay sa kanya. baka hindi siya galit sa akin.
BOOOOOGGG!!!
Sinapak niya ako sa mukha. Sapat na para pumutok ang kanang labi ko at mapahiga sa sahig. Tumayo ako at tumingin sa kanya. bakas sa mukha niya ang galit. nagselos kaya siya kanina nung kasama ko si Shekinah? Don't get me wrong, Pare... Kasama ko siya kanina bilang kaibigan. Di ko siya inaahas sayo...
"Gago ka! Hayop ka! Una pa lang sinabi ko na sayo na gusto ko siya." sabi ni Arnie.
"Pare, hindi kita maintindihan."
Hinawakan niya ang collarng uniform at pinilit itayo.
"Alin ang hindi mo maintindihan? Yung pag-yakap mo sa kanya sa rooftop ng school... yung pagtakbo niyo kanina na magkahawak kamay?
Sabi na eh.. Dahil sa selos...
"It's not what you think... Wala kaming ginagawang masama. I held her sa wrist hindi sa kamay." paliwanag ko ng mahinahon.
"Inahas mo siya, Pare..." Galit pa rin siya.
"She was crying and I were comforting her that time. She has a problem."
"Talaga lang ha?" sarcastic niyang sagot tsaka lumakad palayo.
Naiwan ako sa park at umupo sa isang bench para makapag isip-isip.
*flashback (8 yrs ago)
Outing namin. It's beautiful day. Family ko at family nila Arnie ang magkasama. Matagal na kasing magkaibigan ang mga Papa namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ka-close si Arnie noon. Asar nga ako sa kanya noon eh. Lagi kaming magkaaway.
Masyado akong na-excite sa pool kaya tumakbo ako papalapit. Tuwang-tuwa ako sa mga nagsuswimming. Parang napakadaling maglangoy. Pakiramdam ko noon ay kayang-kaya ko. May nakita akong tumalon kaya tumalon na din ako. 6ft pala yun. Walang nakapansin sa akin. Kawag ako ng kawag. Sinubukan ko ding sumigaw para makatawag ng pansin kaso walang boses na lumalabas. Yung saya ko nung nagpunta kami dito sa resort ay napalitan ng takot. Takot na takot ako ng mga oras na iyon. Baka mamatay na ko. Maya-maya, may batang humila sa akin papunta sa mababaw. Pagdating namin sa mababaw, pagtingin ko sa bata, si Arnie yun.
"Thank you." yun ang nasabi ko. yung taong kinaaasaran ko. Yung taong lagi kong inaaway. Siya pa pala ang magliligtas sa akin.
Ngumiti siya. noon kasing mga bata pa kami, nasabi ko naman kanina na hindi kami close at lagi kaming nagaaway. Ayokong pinapashare sa kanya yung mga laruan ko. Lagi din kaming naco-compare sa isa't isa kaya naaasar ako. Pero nung niligtas niya ako, pakiramdam ko utang na loob ko sa kanya yung buhay ko.
"Don't tell what happened to Mama Shine and Papa Evangel. Magagalit sila. Baka paluin ako. Please, Arnie." nagmamakaawa ako.
nagnod siya.
"Okay. In one condition, let's be friends. Pa-borrow mo na sakin yung toys mo. yung hotwheels tsaka yung robot. Papa wants us to be friends."
"Sure. We are now officially friends. You"ve got yourself a deal!" Inabot ko ang kamay ko.
"Friends!." nagshakehands kami
*end of flashback
BINABASA MO ANG
TOO YOUNG TO LOVE (concluded-for editing)
Teen FictionArn't you too young to love? That's the question. But, do you believe in the saying, age doesn't matter? Join Shekinah, Edward, Alester, Arnie, and LD together with Ms. Marivinia and Sir Yurii in discovering the right age to love. This is your typic...