Chapter 16

3.9K 240 106
                                    


Chapter 16
Truce

Play the violin cover of I Like Me Better by Lauv for this chapter (video above)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Play the violin cover of I Like Me Better by Lauv for this chapter (video above)

●👑●


Sitio Fatima

"Sorry po sa nakita niyo kagabi..." Sofia apologized to Mang Gregorio when they were currently cooking for breakfast. Nagkusang-loob kasi itong tinulungan siya sa paghahanda ng almusal. Maaga kasi itong binisita sila sa rest house sa araw na iyon. Napakagat-labi na lang siya habang nakayukong hinihiwa ang mga carrots. The old man was chopping the other vegetable ingredients. She was planning to cook some chopsuey for breakfast.

"Naku, normal lang naman sa mag-asawa 'yang pag-aaway, lalo't na mga bata pa kayo. Mas madalas ang hindi pagkakaintindihan," Natatawang sagot nito sa kanya. Hiyang-hiya talaga siya kagabi dahil nakita nito ang pambabato niya kay Madrid. Honestly, she was horrified to see the old man witnessing their fight. She was so embarrassed that she immediately went to her room without going out the whole night. Parang wala na siyang itsura na maihaharap dito dahil sa nakita nito sa kanila.

"Eh kasi naman po..."

"Naku, hija, ako nga 'nung bagong kasal pa lang kami ng asawa ko, hindi lang bato binato sa 'kin, minsan kaldero pa o pinggan ang binabato sa 'kin kapag nagagalit si Sonya."

Hindi naman maiwasan ni Fia na matawa sa sinabi nito. Napangiti na lang siya.

"Siguro matagal na kayong kasal," She replied, smiling at the thought.

"Oo, mahigit apat dekada na rin. Heto, sobrang tanda na rin namin, iyong mga anak namin, nasipag-asawa na rin. Lahat nasa siyudad. Masaya rin ako kasi nakapagtapos naman ng kolehiyo silang lahat."

"Ang ganda namang pakinggan 'yan," She commented. Natapos na rin sila sa paghihiwa, "Proud din sila sigurado na maging magulang kayo."

"Ako rin naman, proud sa kanila. Naalala ko pa ang babata pa nila at kinakarga ko lang sila sa mga braso ko. Naku, Ma'am, hangga't bata pa, mag-anak kayo ng marami ni Sir Madrid."

Muntik namang mabitawan ni Sofia ang sandok na hawak niya dahil sa suhestiyon nito. Ang sobrang bata pa niya para mag-anak.

Isa pa, hindi niya gusto si Madrid at kahit kailan ay hindi niya talaga magugustuhan rito. Kagabi nga, habang binabato niya ito, hiniling niya na sana tinamaan ito sa ulo para magtanda.

"Bata pa naman po ako, dise-otso pa lang."

"Ganyan din naman mga edad namin ng asawa ko na magtipon. Ako, dise-nuwebe 'non tapos siya naman dise-otso. Isang taon lang tanda namin."

The King (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon