Chapter 19

63 1 0
                                    

Brielle's POV

Magmula nun, madalang nalang kaming magkasama ni Callan. As in, sobrang dalang. Yung girlfriend nya kasi, masyadong selosa. Masyadong nakikipag-kompetensya ng attention sakin.

Ganun na ba talaga ako kaganda para ma-threatened sya sakin? Sus! Kahit pa naging bitch ako, hindi ko ugali ang mang-agaw.

December na pala. Tatanda na naman ako. Kasing lamig ng December ang mga tao sa paligid ko. Nakakalungkot naman.

Gusto kong mapag-isa. I went to milktea and I'm tea-ing myself for awhile. Natuwa ako kasi may "express yourself" board sila dun. So, nagsulat ako sa maliit na paper tsaka dinikit ko dun.

Then I realized, I'm sad but I just can't cry. I just sit there, thinking how sad I really am.

Mag-isa palang akong costumer. Then maya maya lang, may walong bata ang pumasok. I think, mga elementary students sila kasi naka-uniform sila. Katulad ko, tuwang tuwa rin sila sa "Express yourself" thingy na yun.

Hanggang sa dumami na ng dumami yung costumer. I'm still sitting here. Watching every people come and go. Lahat sila, umalis na. Ako na nga yung nauna dito, ako pa yung nahuli. Mag-isa na ko kanina, mag-isa na naman ako ngayon.

I smiled bitterly when I realized, ako nalang pala mag-isang costumer yung naiwan. Again, I realized that no matter how many people come in to your life, at the end of the day, you'll always be left alone.

I got my ass up and walked. I don't know where I'm going. Or should I say, I have nowhere to go. Mag-isa lang ako.

I found myself in this place. Andito ako ngayon sa park na tinambayan namin ni Callan nun. Nung may mga nakalaro kaming mga bata. Bigla ko tuloy syang namiss.

Umiiyak na naman ako. Pero sanay na ko. Ang gusto ko lang naman, yung magmahal at mahalin din ako.

Pinunasan ko yung mukha ko. Nagulat ako ng biglang may nag-abot sakin ng chocolate ice cream.

"Umiiyak ka na naman. Binili ko yan kasi sabi nila, isa daw ang ice cream sa nagpapasaya sa mga malulungkot na tao." sabi nyang nakangiti.

"Stalker ba kita? Alam mo kasi kung san ako pumupunta, kapag malungkot ako." sabi ko sakanya.

"Correction, admirer. Pang-pangit lang daw ang stalker eh." sabi nya at nagchuckle. I half-smiled.

"Pero seryoso, alam na alam mo kasi kung san ako hahanapin eh." sabi ko sakanya.

Ngumiti lang sya.

"Ganun ata talaga." sabi nya.

"Ang alin?" tanong ko.

"Wala." sabi nyang nakangiti at ginulo ang buhok ko.

"Alam mo, hindi ako natutuwang nakikita kang ganyan. Wag mo naman hayaan yung sarili mong magkaganyan. Hindi lang jan umiikot ang buhay mo. May mga kaibigan ka, may pamilya ka. Maraming nagmamahal sayo.." sabi nya.

Natahimik sya. Hindi rin ako makasagot.

"Ako, andito rin ako."

Tinignan ko sya pero nakatingin lang sya sa malayo.

Maya maya lang, tumayo na sya.

"Di bale, darating din yung araw na yun. O sige na, mauna na ko. Alam ko naman na gusto mong mapag-isa. Basta wag mong kakalimutan na andito lang ako lagi para sayo." sabi nya at umalis na.

"Bryce.." Tawag ko sakanya.

Lumingon sya ng nakangiti.

"Thank you." Sabi kong nakangiti.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon