Chapter 14

96 1 0
                                    

Brielle's POV

"Goodmorning world!" I shouted habang pababa ng hagdan.

Masyado akong good mood. Pero bakit wala pa si Callan? Hindi nya ba ako susunduin?

Naghintay ako pero hindi sya dumating. Kaya pumasok na ko.

Pagkarating ko ng school, nakita kong ang dami nyang mga babaeng kasama. Anyareh sa mundo?

"Callan!" I shouted.

Lumingon sya. Ah, kaya pala may mga malalandi ng nakapaligid sakanya.

Si Callan, inayos na nya yung sarili nya. Naglagay na ng wax sa buhok, inayos ang pananamit, at inalis ang glasses.

Hindi ko sinasabing pangit sya dati or baduy sya manamit. Ang hot nya pa rin kahit na naka-glasses sya at simpleng shirt at pants lang ang suot nya.

Pero I admit, mas hot sya ngayon. Yung buhok nya, parang buhok ni Justin Bieber, yung style, bagay sakanya at ang gwapo gwapo nya.

Nagdaan lang ang weekend, ganto na yung Callan na makikita ko. Ano bang trip nya?

Lumapit ako. Lumapit din sya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Wala. Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nya.

"Sus! Ako pa ba hindi naka-appreciate sayo? Syempre gusto! Para ka ng si Bieber my love. Hihihi." sabi ko. Ngumiti sya.

"Buti naman." sabi nya.

"Tara na. May klase pa tayo." sabi ko.

"Sige." sabi nya.

"Uh, sige. Mauna na ko ah?" paalam nya dun sa mga babae.

"Sino naman yung mga yun?" tanong ko.

"Ewan ko. Nakaupo lang ako dun mag-isa kanina habang nagbabasa, lumapit sila eh." sabi nya.

"Bakit hindi mo ko sinundo? Ayaw mo bang ako ang unang makakakita sa changes mo?" tanong kong nakasimangot.

"Nagtampo na ang bestfriend ko. Sorry na." sabi nya.

Yung habang naglalakad kami, puro "Hi, Gab." ang naririnig ko. Seriously?

At dahil mabait ang dakila kong bestfriend, binabati nya rin yung mga papansin sakanya.

Bigla kong naalala yung naging pag-uusap namin ni Daniel.

Dapat ko bang ikwento kay Callan yung tungkol samin ni Daniel? Hindi ko alam. Pero gusto kong ikwento. Dapat kong ikwento kasi bestfriend ko sya.

Binuka ko yung bibig ko para ikwento na sana, pero sinara ko nalang. Para kasing natatakot ako sa magiging reaction nya.

Pero dapat ko talagang ikwento eh. Kaya binuka ko ulit yung bibig ko para ikwento na, pero hindi ko alam kung pano sisimulan. Kaya sinara ko na naman.

Pero parang nagsisinungaling ako sakanya kung hindi ko sasabihin. Kaya binuka ko ulit.

"Sabihin mo na kung ano yang gusto mong sabihin." sabi nyang tutok parin ang mata sa sinusulat nya.

"Ano kasi.." sabi ko at huminga ng malalim.

"Nanghingi ng second chance si Daniel." sabi ko.

Napahinto sya sa pagsusulat. Pero nakatitig pa rin sya dun. Saglit syang hindi nagsalita.

Maya maya lang, lumingon sya sakin at ngumiti.

"Basta alam kong masaya ka sa decision mo, susuportahan kita." sabi nya at ginulo ang buhok ko.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon