Brielle's POV
Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr, may nakabangga ako agad.
"Aray!" napaupo kasi ako ng bongga.
"Miss? Okay ka lang? Sorry! Ita--Brielle? Ui Brielle! Hala, sorry!" sabi nya tsaka inalalayan ako sa pagtayo.
"Sorry talaga, Brielle. Nagmamadali kasi ako." sabi nya.
"Okay lang, Japeth." sabi ko. Pero masakit yung pwet ko. Napaupo talaga ako eh.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong nya.
"Oo." sabi ko.
Nung nilakad ko na, shems! Masakit!
"Alalayan na kita. San ka ba?" tanong nya.
"4th floor pa." sabi ko. Nasa first floor palang kami eh.
"Pasanin na kaya kita?" sabi nya.
"Hindi naman ako baldado." sabi ko.
"Ay, oo nga. Hehe." sabi nya.
Inalalayan na nya ako sa pag-akyat.
"Sino pala yung lagi mong kasama?" tanong nya.
Si Callan lang naman lagi kong kasama di ba?
"Cal--Gabriel is the name." sagot ko.
"Friend?" tanong nya.
"Boy bestfriend." sagot ko.
Napatango nalang sya.
Sya pala si Janus Pether. Schoolmate ko nung highschool, well obviously, hanggang ngayon pa rin. Nanligaw sya sakin nung 3rd year kami. Pero ayoko sakanya. Babaero eh.
"So, kamusta ka na? Ngayon nalang ulit tayo nagka-usap ah." sabi nya.
"Kaya nga eh. Ang sama pa." sabi ko. Natawa sya.
"So, kamusta ka na nga?" tanong nya ulit.
"Well, fine. I guess. Ikaw ba?" tanong ko.
"Okay lang din naman. Eh ang lovelife? Kamusta?" sabi nya.
Bigla akong nabadtrip sa tanong nya. Kinakalimutan na nga, pinapaalala pa. Bakit ba ang tagal naming akyatin tong pesteng hagdan na to?! Tsk!
"I'm in the process of giving up and moving on." I stated.
"Why? Wala na kayo?" he asked.
"Obviously." I retorted.
"Uuhh, yeah. That's what I thought." sabi nya na para bang napahiya.
Wala na kong masabi, wala na rin syang masabi. So, wala kaming masabi. Lintek na hagdan to. Di makisama.
"Brielle, pwede ko bang kunin number mo?" tanong nya.
"Why?" I asked.
"Wala lang. Text text." sabi nya. Kaya binigay ko na.
Jusko! 3rd floor palang kami! Maya maya..
"Gabrielle? Jesus Christ! Gabrielle, what happened to you?!" sigaw nya.
"Seriously, Callan? Kelangan nasigaw?" tanong ko.
"I'm just worried. Ang tagal mong bumalik and then I've decided na puntahan ka then may nangyari na pala sayo" sabi nya.
Napansin kong nakatitig sakanya si Japeth.
"Halika na. Ako na aakay sayo." sabi nya.
"No, ako na." sabi naman ni Japeth.
"Hindi, ako na." sabi naman ni Callan.

BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Ficção Adolescente"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...