Chapter 6

76 1 0
                                    

Brielle's POV

Sa classroom, hindi kami mapaghiwalay. Malingat lang sya saglit tas wala ako, hahanapin na nya agad ako.

Kung nasan ako, andun din sya. Kahit puro babae mga kasama ko, kasama rin sya. Kulit nga eh. Kahit di sya nakakarelate sa girl's talk namin, nakikichismis pa rin.

"Foundation day bukas tas prom kinagabihan? Nakakapagod yun!" pagrereklamo ni Jella.

"Kaya nga eh. Pero excited na kasi ako sa prom." sabi naman ni Lauren. Yeah, close pa din naman kami. Hindi naman awkward.

"Ako, no comment. Hindi ako aattend ng prom." sabi ko.

May isusuot na ko pero hindi kasi ako mahilig sa mga ganun. Hindi ko lang talaga feel.

"What? Why?" sigaw nung katabi ko. Sino pa ba? Edi si Daniel.

"Ayaw ko lang. Paki mo?" I retorted.

"Ang kj mo naman! Punta ka na. Kung hindi.." pagbabanta nya.

"Kung hindi, ano?" tanong ko.

"Marami akong isasayaw na chix." sabi nya habang nakangiti sakin at tinataas-baba yung kilay nya.

"Dude, isayaw mo man lahat ng gusto mong isayaw, WA-LA A-KONG PA-KI." I said tapos Jella and I laughed our ass out.

"Grabe naman." sabi nya tsaka nagwalk out.

"Lagoooooooot." sabay na sabi ni Jella at Lauren.

Tch. Pa-chix. Sinundan ko sya tapos humingi ng sorry.

"In one condition." sabi nya.

"Ano?" tanong ko.

"Aattend ka ng prom at ikaw ang partner ko sa lakad at candle thingy na yun." sabi nya.

"Anak nang. Oo na." sabi ko.

So I guess, aattend nga ako -____________-

-----

"Ang ganda mo." bungad nya sakin pagkarating na pagkarating ko.

Syempre ako naman, ang lapad lapad ng ngiti.

"Ngiti ka naman jan. Syempre joke lang. Yung kwintas ang nagdala." sabi nya at tumawa ng tumawa.

JERK.

"ANG SWEET MO NAMAN. Kaya kita mahal eh." I said full of sarcasm.

"Yeah right." pang-aasar nya. Yung style nya, parang si Matt Stifler ng American Pie.

"Alam mo ikaw, para kang kuto." sabi ko.

"Dahil ba lagi akong nasa ulo mo?" sabi nyang nakangiti.

"Hindi! Ang sarap mo kasing tirisin!" sigaw ko.

"Grabe, prom to. Umayos ka nga."sabi nya.

"Ikaw ang umayos! Leche!" sigaw ko. Tsaka ko sya inirapan.

Bigla syang nagback hug sakin at ipinatong ang mukha nya sa balikat ko.

"Sorry na. The truth is, you look beautiful. Even without that make up on. But you look gorgeous and stunning tonight. Kaya hindi ko pa nagagawang tumingin sa ibang mga nandito. Ikaw kasi ang unang gusto kong makita." he said then kissed me on my cheek.

"Kaya pala mas nauna akong dumating sayo. Tapos nung dumating ka, nakatungo ka at sa semento ka lang nakatingin. Cheesy be." sabi kong nakangiti.

"Ah, yun? Nahihiya kasi ako kaya nakatungo lang ako. Wag kang assuming." sabi nya.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon