Daniel's POV
"Tangina ka pare." cold pero malaman na sabi ko kay Carl then run after Brielle.
Kung pwede ko lang talagang sapakin si Carl eh. Kaso ayaw ko namang sirain tong party na to.
Kanina, hindi lang ako makaangal pero gusto ko na syang patigilin. Tangina. Kalalaking tao, ang daldal. Pero ayaw ko naman na isipin nilang affected ako. Cause it looks like so easy for Brielle that's why I pretended that it was nothing to me.
Oo, nakikitawa ako. Pero nasasaktan na ko. Si Brielle, ang galing nyang magtago ng emotion eh. Naka-poker face lang sya. Expressionless. And it hurts me.
I just want to see kung nasasaktan ba sya dahil nandito ako. Kung nasasaktan ba sya sa pang-aasar ni Carl. Pero wala. Nasa phone nya lang yung attention nya.
Nung narinig ko yung sinabi ni Carl na "Gabriel Callan Loves", nagpanting talaga ang tenga ko. So, I took out my phone then texted Diana. My classmate.
Hanggang sa ayun na. Umandar na pagiging siraulo ni Carl. Nagulat talaga ako nung sinampal sya ni Brielle. Natahimik talaga kami dahil sa sobrang lutong nung sampal.
And when the moment she ran out, I knew she would break down. Kaya eto, hinabol ko sya. Nakita kong nakaupo sya sa kalsada. Gustong gusto ko syang itayo at yakapin. Pero hindi ko magawa. Nasasaktan akong nakikita syang ganyan. Oo, mahal ko pa sya. Mahal na mahal.
Pero hindi ko alam kung pano ko sya aalagaan kasi sa bawat bagay na ginagawa ko, nasasaktan ko sya.
Pero nung mga panahong iniwan ko sya, I realized how much I wanted to keep her. Yung gusto kong palagi lang sa tabi nya.
And then, I won her back. Binigyan nya ko ng chance. Ng maraming chance. But I kept on wasting those precious chance.
Maybe because she's always there, waiting for me, no plans of leaving and giving up on me. Maybe I was right. But I was wrong. Nasasaktan ko na sya. And that caused her to get tired and leave me.
Yes, I took her for granted and I feel really stupid about it.
Ramdam ko, mahal na mahal nya ako. Ang tanga ko para hindi pahalagahan yung pagmamahal na yun.
I can't keep her. But I want to win her back. I dunno what to do.
Gusto ko na sya, first year palang kami. Kaklase ko sya nun eh. Close sila ng pinsan ko. Pero nung second year, nalipat na sya ng section. Pati nung third year.
Nung third year, that's when I met Janella. Yes, Brielle's bestfriend. Nagkaroon kami ng something nung junior year namin.
I lied when I said that I love Lauren. It is really Jella. Walang kaalam-alam si Brielle sa naging something namin ni Jella.
Hindi pwedeng maging kami ni Jella nun kasi ayaw nya kahit pa may feelings din sya para sakin.
I'm a big jerk here. Nagsinungaling ako kay Lauren na gusto ko sya. Pati kay Brielle. Yung tungkol samin ng bestfriend nya.
Nung mga panahong hindi talaga kami pwede ni Jella, si Brielle ang takbuhan ko. Kasi naiintindihan nya ako. Kahit anong pagdadrama ang gawin ko, iniintindi nya ko.
Pero nung ako ang nang-iwan sakanya, si Jella ang nagcocomfort sakin. Si Brielle kaya? Sino ang pumupunas ng mga luha nya nung nasaktan ko sya?
Kaya hindi ko talaga sya kayang ingatan kasi ako mismo, sinasaktan ko sya.
Pero mahal ko sya at hindi ko na kayang wala sya. Lumabas ako para sundan sya and to say sorry.
Pero nakita kong naglalakad na sya palayo. Ang sakit palang makitang naglalakad palayo sayo yung taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Novela Juvenil"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...