Brielle's POV
One week na rin kaming hindi nagkikibuan. Kapag tinatry nya kong kausapin, umiiwas ako. Ang sakit kaya nung sinabi nya.
"Manong, para ho." sabi ko tsaka bumaba na.
Naglalakad na ko papuntang room namin.
"Brielle!" sigaw ni Jella.
"Oh, bakit? Walang klase?" tanong ko.
"Oo. Kaya tara sa field." sabi nya at kinaladkad ako.
Pagkarating namin dun, may tinuro sya sakin. At nanlaki talaga yung mga mata ko.
Si Daniel, may hawak na malaking banner na ang nakalagay, "I'm Sorry." sa pinakataas at pinaka-edge nung building. Nababaliw na ba sya? Maling galaw nya lang dun, malalaglag sya.
"Brielle! I'm sorry! Please, magbati na tayo! I can't stand not talking to you and not being with you!" sigaw nya.
"Are you crazy?! Bumaba ka nga jan!" sigaw ko.
"I won't! Unless you forgive me! I really am sorry!" sigaw nya.
"Oo na! Oo na! Bumaba ka na jan!" sigaw ko.
Wala naman akong choice di ba? Hindi sya bababa hangga't hindi ko sya pinapatawad.
Bigla syang tumakbo pababa. Saglit lang at nasa harap ko na sya agad.
"Sorry. Sorry talaga." sabi nyang nakatungo. Ramdam ko yung sincerity ng sorry nya.
"Nasabi ko lang yun kasi nagselos agad ako. At.. natakot ako." sabi nya.
"Natakot saan?" tanong ko.
"Na baka maagaw ka nya." sabi nya.
"Maagaw agad?" tanong ko.
"Brielle, ramdam kong napapansin mo na hindi ako sweet. Madalas, binabara kita. Alam mo yun? Yung hindi ako perfect boyfriend. Kaya nung nakita ko na tumatawa ka dahil kay Drake? Natakot talaga ako." sabi nya.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Drake.
Sometimes, people say things that seem mean. But they are just doing it cause they are just afraid.
Now, I understand. Takot lang si Daniel na mawala ako. Naiintindihan ko na. Pero masakit lang talaga. Aish! Yaan na nga!
"Okay lang. Naiintindihan ko. Wag ka na ngang mag-emote jan. Di bagay sayo. Mukha kang monggoloid." sabi ko. He chuckled. But he hugged me.
"Sorry talaga. Promise, hindi ko na uulitin." sabi nya. Sobrang higpit nung yakap nya.
"Okay na nga. Bitaw na. PDA na eh." sabi ko.
"Sorry talaga ah?" sabi nya.
"Sa wakas! Bati na sila." sabi naman ni Jella.
Natawa nalang kami.
-----
"At dahil may nagawa ako sayong kasalanan, ipinagluto kita!" sigaw nya na sobrang excited. Na-excite din tuloy ako.
Nandito na naman kasi ako sa bahay nila. Wala yung mama at papa nya. Kaya kaming dalawa lang. Yun, sya ang nagluto.
Pagkabukas nya nung takip..
"PANCIT CANTON?" sigaw ko.
"Specialty ko yan. Masarap yan. Kain na tayo." sabi nya na tawa ng tawa.
"Lintek! Ako nalang sana nagluto!" hindi sa ayaw ko yung luto nya.. Pero duh? Lunch na. Hindi kami magmemeryenda!
Pero kinain rin namin. Haha. Kunware, masarap. Tsk.

BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...