Chapter 22

75 1 0
                                    

Brielle's POV

Papunta na ko sa reunion/outing/pool party namin. I'm wearing a summer dress. Tube sya na sobrang haba.

Pagdating ko dun, marami rami na rin sila.

"Wohoo! Brielle is in the house!" Ellaine shouted.

Kumaway lang ako at ngumiti. Ang daming pagkain. May mga beer din. Iba't ibang klase. Kumuha ako nung flavoured beer.

"Kararating mo lang, umiinom ka na agad." sabi nung babaeng tumabi sakin.

Nilingon ko sya.

"Nica! Glad to see you here!" I screamed as I hugged her.

I missed her.

"Ayoko rin namang palampasin to." sabi nya at natawa kami.

"Long-time-no-see ah." sabi rin nung isang lumapit samin.

"Ui!" sigaw ko.

"Oo nga eh." sabi ni Nica. Si Ren. Isa sa mga close friend namin nung highschool.

"Reunion nga talaga. Kaso kulang tayo." sabi naman nung isa. Si Jamela.

"Aww! Kulang nga tayo!" sabi ko.

Pag kami-kami na nagkasama, may sarili na kaming mundo.

"Ang di daw maliligo, itatapon sa poooooooool!" sigaw nung isa ko ring kaklase nung highschool. Bading kasi. Kaya maingay.

Nagtago-tago na ko. Wala kasi akong balak magswimming. Di ko lang feel. May mga pakonti-konti ding nadating na.

Nung mejo magdidilim na, tsaka na maraming dumating. Yeah, umaasa ako na dadating sya. Pero natatakot ako. Baka masaktan na naman ako.

Kwentuhan kami nila Ren, Nica at Jamela. Of how's our studies going. And such.

"Kanina pa sila Daniel sa labas, ayaw pa nilang pumasok." sabi ni Ellaine.

*dug dug.. dug dug*

FUCK.

Kinabahan ako bigla. I feel butterflies in my stomach. But I ignored it.

"Kainan naaaaa!" sigaw na naman ni Joven. Yung bading.

Niyaya ko na agad sina Nica sa mga pagkain para hindi ko makita yung pagdating ni Daniel. Para hindi nya rin ako makita.

Kumuha na ko ng pagkain tsaka umupo na sa gilid. Nakayuko lang ako.

"Yung mga bagong dating, kumain na kayo!" sigaw ni Joven.

Iniangat ko yung ulo ko, nakita ko sya. Natulala ako. Simula nung iniwan ko sya, ngayon ko nalang ulit sya nakita. Mejo pumayat sya.

"Ui!" sabi ni Jamela at siniko ako.

"H--huh?" tanong ko sakanya.

"Wala. Natulala ka eh." sabi nya.

Bigla akong nawalan ng gana kumain. Pasulyap sulyap ako sakanya. I bet, nakita na nya ako. Naiiyak na naman ako.

"I'm done. Dun lang ako ah." Paalam ko sakanila.

Nagsarili ako sa isang place kasi hindi pa tapos kumain sila Nica, Jamela at Ren eh. Kumuha ako ng chips at ng beer. Nagiging hobby ko na pag-inom ah. Dibale, di naman nakakalasing to. Mamaya na ko magsa-San Mig.

After nilang kumain, mga nagsitalunan na sila sa pool. Since, tatlo ang pool dito, yung isa kiddie pool which is 5ft, yung isa, 5-7ft, tapos yung isa, 7-10ft na.

Masyado ng malalim yung 7-10ft kaya wala ni isang tumalon. Kaya andito ako mag-isa. Nakaupo sa pinakagilid at nakatampisaw ang mga paa habang lumalaklak ng beer.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon