Bryce's POV
"Bro." tinawagan ko si Patrick.
Saming lahat kasing magbabarkada, sya yung pinaka-bestfriend ko talaga.
["Oh, bro? Bakit? Anong problema?"] tanong nya.
"Nasan ka? Pupuntahan kita. Importante lang." sabi ko.
Sinabi nya kung nasan sya. Dali-dali akong pumunta sa bahay nila. Nagdala ako ng mga beer. Nandito kami sa terrace nila.
"Ano bang problema?" tanong nya ng mapansin nyang tuloy tuloy na pag-inom lang ang ginagawa ko.
"Aalis na ko." sabi ko.
I don't usually cry. But hell! I'm hurting. I don't wanna leave. But I have no choice! I fckn don't wanna leave Brielle! I love her. I'm in love with her. And the thought of me leaving her without saying how I really feel, it just fckn hurts.
"Huh? Aalis? San ka pupunta?" tanong ni Patrick.
"Cali, bro." sabi ko.
"Cali?! As in, California?! Kelan? Tangina bakit ngayon mo lang sinabi?!" sigaw nya.
"Bukas na." sabi ko.
"Tangina naman, Grey. Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong nya.
Shit. Ayoko ng ganto. Nasanay akong palagi kaming nagtatawanan pag magkasama kami.
"Hindi ko kayang sabihin dahil ako mismo, ayokong umalis." sabi ko.
"Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Hanggang kelan ka dun?" tanong nya.
"Nandun parents ko. Tutuloy ko studies ko dun. Pag nakatapos na ko, pwede na kong bumalik dito." sabi ko.
"Pota bro. Ang tagal nun." sabi nya.
"Wala akong magagawa." sabi ko.
"Tangina naman. Mawawala ka ng matagal? Hindi ko maimagine, dude. Hindi pa to alam ng barkada." sabi nya.
"Ikaw na bahalang magsabi, bro." sabi ko.
"Pota." yun nalang nasabi nya.
Kilala ko yan. Ayaw nya kong umalis. Sino bang may gusto? Eh ayaw ko nga rin. Kaso, anong magagawa ko?
Kaya sinulit ko na yung oras na nakasama ko si Brielle. I didn't plan the kiss. Masakit lang talaga sakin. Nung niyakap ko sya, ayokong bumitaw. Sobrang ayoko talaga syang bitawan.
Gusto ko ng sabihin na mahal ko sya pero sasaktan ko lang ang sarili ko pag nagkataon. Aalis na ko eh. At wala syang kaalam-alam tungkol dun.
Pano na pag wala na ko? Sino ng anjan sakanya kapag umiiyak sya? Malalayo na ko sakanya. Sya na nga lang ang kaligayahan ko eh.
"Dude, kilala mo naman na si Brielle di ba?" tanong ko kay Patrick.
"Oo. Bakit?" tanong nya.
"Ibigay mo to sakanya bukas. Pag nakasakay na ko ng eroplano." sabi ko.
"Sige. Ako na bahala." sabi ni Patrick.
"Ang tagal na nating magkaibigan pero ngayon lang kita nakitang nagseryoso sa babae." sabi nya.
"Mahal ko sya. Mahal na mahal. Simula palang nung nakilala ko sya. Hindi ko masabi sakanya. Dahil alam kong mangyayari to. Kaya nakuntento nalang ako sa pag-alaga sakanya." sabi ko.
Ang dami naming napag-usapan. Alas tres na pala ng madaling araw.
"May hihingin sana ako sayo." sabi ko kay Patrick.

BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...