Chapter 29

62 1 0
                                    

Brielle's POV

Bigla kong namiss si Bryce. Kamusta na kaya sya? I've heard nothing from him since he left. Hindi ko na sya ma-contact eh.

"Baby, you're spacing out again." sabi ni Callan.

"Sorry. May iniisip lang." sabi ko then smiled.

"Ano palang gusto mong kainin?" tanong nya.

"Kung ano order mo, ganun na rin sakin." sabi ko.

"Got it." he said.

"Cr ako saglit." kako.

Nag-cr na ko then paglabas ko, may nakabangga ako. Lagi nalang akong may nakakabangga. Tsk!

"Sorry, miss--Brielle? Brielle!" sabi nung nakabangga ko.

"Ui, Patrick." sabi ko.

"Long time no see ah. Kamusta na?" tanong nya.

"Oo nga eh. Eto, okay lang. Diyosa pa rin. Haha joke. De, namimiss ko na si Bryce. How is he? May balita ka ba sakanya?" tanong ko.

"Ako rin eh. Wala nga eh. Buong barkada, walang balita sakanya. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi, baka mahirapan syang mag-adjust dun." sabi nya.

"Sa bagay. Kung nahihirapan tayo, mas nahihirapan sya. Ang layo pa man din. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi sya mamiss. Alam mo yun, he will always be a part of me. Haay." sabi ko.

Napangiti sya.

"Babalik din yun. Wag kang mag-alala. Sooner or later, he'll be back. He promised na aayusin na nga buhay nya dun eh. Walang babae. Alam mo na, ikaw lang kasi mahal nya." sabi ni Patrick.

I don't think, that would be a good idea. I want him to move on. To find another girl. Kasi masaya na ako. At gusto ko, masaya din sya. Kasi mahal ko sya. Ops. Don't get me wrong. Mahal ko sya kasi kaibigan ko sya at ultimate crush ko sya pero mas mahal ko si Callan.

Nangiti nalang ako sa sinabi ni Patrick.

"Osige. Mauna na ako ah? I'm with my boyfriend eh. Baka naghihintay na yun." sabi ko.

"B--boy--friend?!" tanong nya.

"Mm. Si Callan." sabi ko.

"Ay, mali yata ako ng dinig? Bestfriend mo di ba? Hindi mo boyfriend." sabi nya.

"No, boyfriend ko sya. Kami na. Hindi ka makapaniwala noh? Boybestfriend na boyfriend din. *chuckles* See you around, Patrick." sabi ko then umalis na.

After naming kumain ni Callan, dumiretso kami sa park kung san andun yung mga bata na nakalaro namin.

"Ate!!! Kuya!!!" sigaw nila ng makita nila kaming papadating.

"Hello. Namiss namin kayo." sabi ko.

"Ate Brielle, bakit po magkahawak kayo ng kamay ni Kuya Gab?" tanong ni Nikki. Ngumiti lang kami ni Callan sa tanong nya.

"Gusto nyo bang magkwento ako ng story?" tanong ni Callan sakanila.

"Opoooo!!!" sigaw nila.

"Osige. Pero dapat, nakaupo lahat kasi, may ikekwento ako." sabi ni Callan.

Naupo kaming lahat sa damuhan.

"May isang babae at isang lalaki. Nagkakilala sila sa school nung panahong nagkasabay silang nagpa-enroll. Nakita ng gwapong lalaki si magandang babae na umiiyak. Nilapitan nya si magandang babae at tinanong kung bakit umiiyak. Sinaktan daw kasi sya ng taong mahal nya. Tapos, pinatahan sya ng gwapong lalaki. Kinomfort sya at pinangiti. Na-amaze at nabighani yung gwapong lalaki sa ngiti ni magandang babae. Pero pagkatapos nun, hindi na ulit sila nagkita.." sabi nya.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon