Chapter 17

90 1 0
                                    

Brielle's POV

"Atleast, nai-turn down mo na." sabi ni Callan.

Kinwento ko kasi sakanya yung nangyari samin ni Japeth. Okay na pala kami. Bati na kami.

"Grabe. Talagang kumulo yung dugo ko nun. Kung kaya ko nga lang manapak, ang laki na siguro ng black eye nya ngayon eh." sabi ko.

"Ah." sabi nyang tatango tango lang.

"Ano ba?! Kanina pa ko daldal ng daldal, puro 'ah, oo nga eh, kaya nga' lang ang sagot mo. Tutok na tutok ka pa sa phone mo!" sigaw ko sakanya.

"Ka-chat ko kasi si Venice." sagot nya.

"Sino naman yun?" tanong ko.

"Nililigawan ko." sabi nyang nakatutok parin sa phone nya.

Huh?

Parang ako yata yung biglang nasapak? Hindi ko matanto kung ano tong biglang nararamdaman ko.

"Nililigawan mo? Hindi ata ako na-informed? Kelan pa?" sabi ko.

Ngumiti lang sya ng pilit.

"Last week lang. Ah, una na pala ko Brielle. May date pa kami eh." sabi nya.

Tsaka lumabas na. Seriously?

"O--kay?" sabi ko sa sarili ko.

Lumabas ako at tumambay sa terrace. Nagmuni muni.

But then I realized, ginawa nya rin sakin yung hindi ko sinasadyang nagawa sakanya.

Yung feeling.. Parang biglang tinusok yung puso ko. Parang... Masakit?

Yung hindi mag-open about sa lovelife namin. So, ganto din ba yung naramdaman nya? Na gusto nyang magalit pero hindi nya magawa kasi wala kaming karapatan?

Gusto nya bang maramdaman ko yung naramdaman nya? Gusto nya ring masaktan ako?

Sa bagay, hindi ko naman sya masisisi. I also did that to him.

"Goodmorning bae!" bungad agad ni Venice kay Callan.

Naglalakad kami ng biglang sumulpot na parang kabute tong babaeng to.

"Oh, hi Brielle. Anjan ka pala." sabi nya.

Yeah, magkakilala na kami. Nung minsang nagdate sila, chaperon ako. Punyeta. Di ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sakanya.

Ay joke. Alam ko pala kung bakit. Ang arte nya. Ang landi nya. Feeling maganda sya. Ang yabang nya lalo na porke nililigawan sya ng BESTFRIEND ko. At.. Ayoko sya kasi.. Kasi..

Nasa kanya na ang attention ni Callan.

*bzzt bzzt*

From: Kaehl

Ui, kamusta ka na?

"Ano kayang kelangan nento?" tanong ko sa sarili ko dahil wala akong kausap.

Si Callan? Ayun. Kinidnap na nung tempurang nasobrahan sa crispy fry.

Nireplyan ko na si Kaehl na okay lang ako. Aba! Tinatanong ba naman kung kamusta lovelife ko?! Ano namang paki nya sa lovelife ko, di ba?

To: Kaehl

Wala ako nyan eh.

Reply ko.

*bzzt bzzt*

From: Kaehl

Si Janus? Di ba magkasama kayo nung nakaraan?

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon