Brielle's POV
"Babalik ka pa mamaya?" tanong ni Jella.
"Ah, oo. Baka magalit si Sir pag hindi eh." sabi ko.
Recollection kasi namin ngayon.
"Balik ka, bee. Masaya daw to eh." sabi ni Daniel. Yeah, Bee na ang terms of endearment namin. Haha.
"Oo, babalik ako. Uuwi lang ako." sabi ko.
"Balik ka agad ah. Mamimiss kita eh." sabi naman nya.
"Baliw. Sige na. Uwi muna ako. Bye." sabi ko tsaka umuwi na.
Nag-shower lang ako at nagbihis at kumain. Tsaka umalis na rin.
"Lights off." sabi ni Sir.
Pinatay lahat ng ilaw. Sinara lahat ng bintana at pinto. Ang dilim.
Magkaiba kami ng group ni Daniel pero eto na naman sya, nakasiksik sa tabi ko. Haha.
"Nagsorry na ba kayo sa mga kagalit nyo? Gagraduate na kayo. Panibagong journey na naman ang tatahakin nyo. Have you said 'Thank you' to your family? Most especially to your parents na nagpapakahirap para sainyo." ang haba nung sinabi ni Sir na sobrang nakapagpaiyak saming lahat. As in lahat.
After nun, nagform kami ng circle. Circle sa loob at labas. Yung may katapat ka.
"Magbibigay kayo ng message sa taong nasa harap nyo. 'Sorry', 'Thank You' at 'Sana'. You may start now." sabi ni Sir.
Unang nakatapat ko, si Jella.
"Bes! Haha. Ano, sorry kung minsan, parang lagi akong nasa menopausal stage. Ne? Haha. Ah, thank you kasi lagi kang anjan sakin since first year pa tayo. At sana, hanggang future, bestfriends pa tayo." sabi ko at niyakap sya.
"Ako ano, sorry kung minsan, nahihirapan akong intindihin pagiging moody mo. Haha. Thank you rin kasi hanggang ngayon, magkasama pa rin tayo. At sana, walang magbago satin." sabi nya. Nag-iyakan kami.
Nakatapat ko rin yung iba kong mga kaklase. Pati nga si Lauren, nakatapat ko eh. At ang last na nakatapat ko, si Daniel.
"Bee!" sabi nya.
"Ahm, sorry kasi lagi kitang binabara. Alam mo yun? Yung hindi tayo tulad ng ibang couples na sweet. Pero kahit ganun, mahal kita. Thank you kasi, kahit ganto ako, mahal mo ko. Sobrang thankful ako dun. Yung iba kasi, gusto lang ako kasi pogi ako. Pero ikaw, iba ka eh. Gusto mo lahat sakin. Mahal mo ko bilang ako. Thank you dun. At sana, maging sweet ka na bee. Please lang. Haha. Sana tumagal. I love you." sabi nya at niyakap ako.
"Leche. Korni mo. Haha joke. Ano, bee. Sorry. Alam ko, hindi ako sweet. Pero nagtatry ako. Kasi gusto ko masaya ka sakin palagi. Sorry din kung moody ako. Alam ko minsan, nahihirapan kang intindihin ako, pero iniintindi mo parin ako. Thank you dun. Thank you for always being there for me. Kahit na para kang linta na laging nakadikit sakin. Haha. Basta, thank you sa lahat. And lastly, sana.. Sana, ikaw na hanggang future. Sana tayo na sa future. I love you too." sabi ko at ako naman ang yumakap sakanya. Yung sobrang higpit.
Hindi pa rin sya bumibitaw sa yakap ko, narinig ko nalang na nagi-sniff na sya.
"Bee, naiyak ka?" tanong ko.
Umiling lang sya.
"Weh? Bakit?" tanong ko.
"Masaya lang ako. Mahal na mahal kita, Brielle. Sobra." sabi nya. At bigla na ring tumulo yung luha ko.
"Ang drama mo! Haha. Mahal na mahal din pero kita." sabi ko.
Bigla nya akong kiniss sa forehead ko at sa cheek ko ng matagal.

BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...