Chapter 4

84 3 0
                                    

Brielle's POV

"Yaaas! Lumalablayp na rin. Nainggit ka noh?" pang-aasar ko kay Janella.

Sila na kasi ni Matthew.

"Ew. Hinding hindi ako maiinggit sa magulo mong lovelife." sabi nya.

"Boom panes!" singit naman nung kaklase kong katabi ko.

So, nakikinig sya. Chismoso.

"Kalalaki mong tao, nakikinig ka sa girl's talk. Usapang babae to, di ka kasali. Tsupi nga! Epal eh." sigaw ko.

"Oh, kumalma! Tinamaan ka lang sa sinabi ko, sakanya mo na binubuntong yang pagkabadtrip mo." sabi ni Janella habang tawa ng tawa.

"Pakyu isang taon with love." sabi ko.

February na pala. Ang bilis naman. Mag-iisang buwan na pala kami ni Storm? Speaking, sabay daw kami umuwi mamaya. Tsk.

Nag-away kami ni Daniel dahil sakanya eh. Hindi ko daw magawang iwan si Storm kasi mahal ko na daw sya sabi ni Daniel.

Kumukuha lang naman ako ng tiyempo eh. Ako kaya yung naiipit dito!

Hindi sya pumasok ngayon. Ayaw nya daw akong makita kasi nasasaktan sya. Nakakainis.

Siguro, malandi na ang tingin nyo sakin. Pero, ginamit ko lang kasi talaga si Storm. Ah ewan!

"Babe!" tawag nya.

"Tara na." sabi ko.

Habang naglalakad kami, tahimik lang ako. Nakasimangot.

"May problema ba?" tanong nya.

"Wala. Masakit lang ulo ko." sabi ko.

"Ano bang ginawa mo kasi? Ihatid na kaya kita hanggang sainyo?" sabi nya.

"Wag na, okay lang ako. Tsaka mejo late na. Gagabihin ka." kako.

"Sigurado ka ah?" sabi nya. Nagnod lang ako.

Patawid na kami ni Storm ng biglang may dumaang motor na sobrang bilis tapos may sumigaw ng..

"Tangina, push nyo yan! Love yan!" sigaw nya.

Si Daniel.

Kasama nya mga barkada nya. Yung isang motor, huminto sa harap namin.

"Ui Brielle, pagpasensyahan mo na yun ah? Nakainom eh." sabi nya sakin.

Tumango lang ako tsaka umalis na sya.

Pagkauwi ko ng bahay, nagbukas ako agad ng fb.

Chinat ko sya.

Me: Ano bang problema mo?!

Naiinis ako sakanya. Para syang tanga.

Maya maya, nagreply sya.

Him: Ikaw! Sabihin mo kasi kung pinapaasa mo lang ako! Hindi ko alam kung ano ako sayo eh! At nasasaktan ako dun!

Me: Sabi mo kasi, maghihintay ka. Humahanap lang ako ng dahilan para iwan sya.

Naiyak na ko. Bakit ba ang complicated ng love?

-----

From: Storm Vera

Goodmorning babe! Happy 1st Monthsary! Sana tumagal pa. I love you! :**

Ah yeah, monthsary pala namin ngayon. Well, walang pasok kaya magcelebrate sya mag-isa nya.

Inayos ko na yung kama ko tsaka naghilamos na. Kumain na ko. Then, nagstart na kong maglinis ng bahay.

After kong maglinis ng bahay, nag-open na ko ng fb.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon