Chapter 1

204 6 2
                                    

Brielle's POV

*poke poke*

"Pst. Uy." pabulong na pangungulit sakin nung nasa likod ko.

Ignore, Brielle. Ignore lang. Nagdidiscuss ang terror mong teacher. At tsaka, di ba moving on stage na? Ignore lang.

*poke poke*

"Uy, Gabrielle." sabi nya. Lintek! Ayoko sa lahat, tinatawag akong Gabrielle eh. Panlalaki kasi! Tsk. Kalma, Brielle. Kalma.

*poke poke*

"Uy. Pst! Pst!" tangina! Ano ba?! Gustong gusto ko na syang sigawan eh.

*poke poke*

I looked back to him with a face na anytime, magbubuga ng apoy sa sobrang pagkabwiset.

"Ano ba?!" pabulong kong sigaw.

"Tulungan mo naman akong magmove on." sabi nya. Mas lalo akong nanggigil.

Nanggigigil pero nasaktan. Magmove on? Malamang, tungkol sa taong mahal nya.

"Tangina. Inistorbo mo ko para jan?!" halos mapasigaw na ko. Kabadtrip. Sakit sa ngala-ngala.

"Sige na. Please?" sabi nya. He looks... Desperate.

"Bakit ba?! Tsaka, teka! Bakit ako? Wag ako, iba nalang. Madami namang iba jan." sabi ko kay Daniel. Yung sira ulo kong kaklase. Jerk yan. Kaya parang nakakapagtaka mga sinasabi nya.

Si Daniel Grant Manzano. Hindi ko ma-explain ugali nyan. Minsan, jerk. Minsan, ang mean nya. Minsan din, mabait naman. Ewan ko ba!

But despite of his bad attitudes.. I love him.

"Dali na." sabi nya.

Malay ko ba kung nanggo-good time lang ba sya? Dun sya magaling eh. Mang-asar, mambwiset, maggood time. And such stupidity.

"Eh! Ayoko nga! Ba'la ka jan!" sigaw ko.

"Problem, Ms. Gabrielle Yllizabett Sierra?" tanong nung teacher namin. Lintek naman oh.

"Mam, si Daniel po kasi. Kulbit ng kulbit sakin." sabi ko. Leche! Kahiya.

"Totooo ba yun, Mr. Daniel Grant Manzano?" masungit na tanong nung teacher namin.

"Opo Mam. May gusto po kasi ako sakanya. Pero hindi nya po ko pinapansin. Nasasaktan ako." seryosong sabi nya.

Nagtawanan yung mga kaklase namin. Imbis na kiligin ako, nasasaktan at naiiyak ako. Lagi syang nagbibiro ng ganyan, pero alam ko namang hindi totoo yung sinasabi nya. Kala nya ba, nakakatawa sya? Hindi! Nakakasakit sya!

"Ikaw talaga, kahit kelan Mr. Manzano. Mamaya na kayo magligawan, makinig muna kayo, okay?" sabi nila.

"Yes mam. Sorry po." sabi nya.

Maya maya..

*poke poke*

"Sige na kasi." sabi nya.

"Tigil ka na nga! Nangtitrip ka na naman." sabi ko.

"Hindi nga. Seryoso ako." sabi nya.

"Tantanan mo ko. Wala kang mapapala sakin." seryosong sabi ko. Binuka nya yung bibig nya. Magsasalita sana ulit pero sinara nya ulit.

Maghapon syang tahimik. Parang bigla akong naguilty. Pero ayoko parin. Magiging pet lang ulit ako nyan eh. Dati kasi, pag nagpapagawa sya ng projects namin, ginagawa ko. Kasi nga, mahal ko sya. Kaso nga lang, kaibigan nya lang ako.

"Uy babe!" tawag sakin ni Storm. Napalingon ako.

"Ay, kanina ka pa jan?" tanong ko.

"Hindi naman. Pero tawag ako ng tawag sayo, mukhang malalim iniisip mo." sabi nya.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon