Chapter 9

98 2 0
                                    

Brielle's POV

Parang 3 weeks ago lang, magkasama pa kami. Pero bakit ganto na ngayon? May problema ba kami? Wala naman akong naaalalang pinag-awayan namin eh.

Pero bakit mas malamig pa sya sa yelo? Natitiis nya kong wag i-chat, i-text o tawagan.

Gusto ko syang itext or i-chat or tawagan. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ako galit. Pero pakiramdam ko, nasasaktan ako at sobrang disappointed ako.

*ring ring*

"Oh, Nica, napatawag ka?" tanong ko. Isa din yan sa mga bestfriends ko.

["Ano daw! Get together! Pero wala pang place."] sabi nya.

"Dito nalang samin! Sino sino ba?" tanong ko.

Inisa-isa nya yung mga pupunta. Nasa anim rin sila.

"O sige. Hintayin ko na kayo dito." sabi ko then the line went off.

Nagwalis walis ako saglit. Tsaka naligo na ko.

*ding dong*

"Hi mga bes! Namiss ko kayo!" sabi ko.

"Namiss ka rin namin. Kaya gagawa tayo ng pancakes!" sabi ni Jella.

"Tara, pasok kayo." sabi ko.

Ako, si Nica at Jella, diretso agad sa kusina. Yung iba, nanonood ng movie.

Habang nagluluto at nagbebake kami ng cookies, nagkwentuhan kami.

"Kahapon yung pageant ni Nerissa ah. Balita ko, 2nd runner up daw sya." sabi ni Nica. Si Nerissa, high school classmate namin.

"Ah talaga? Edi, cool. Hindi nga lang ako nakapanood. Tinamad ako eh." sabi ko.

"Eh! Mukha kaya syang kalbo dun sa pinag-ayos sa buhok nya! Eto oh. Kaka-post nya lang sa Insta. Feel na feel nya nga eh. Pati news feed ko sa fb, puro mukha nya." sabi naman ni Jella.

Tawa ako ng tawa. Ang ewan kasi ng mukha nya. Tinignan ko yung picture at oo nga. Mukhang kalbo. Natawa tuloy ako.

"Kamusta naman kayo ni Daniel?" tanong ni Nica.

"Ewan ko." sagot ko.

"Nakita ko sya kahapon eh. Nung pageant ni Nerissa. Todo cheer sya." sabi nya.

Bigla atang parang may karayom na tumusok sa puso ko.

"Talaga?" yun nalang ang tangi kong nasabi.

"Speaking, online sya oh." sabi ni Jella.

"Oo nga." sabi naman ni Nica. Naka-OL kasi sila.

Nag-online din ako sa laptop ko. Pero walang Daniel Grant Manzano ang naka-online. Nag-offline din ako.

Naiiyak na ko. Pero ayokong sirain tong bonding namin.

"I-chat ko nga." sabi ni Nica.

Hindi nalang ako nagsalita. Pero binabasa ko yung convo nila.

Nica: Ui, musta? Todo cheer ka kahapon kay Nerissa ah?

Him: Haha. Oo ah. Atleast, 2nd runner up sya.

Nica: Ay, oo nga. Hehe. Musta na pala kayo ni Brielle?

Yan ang nabasa ko. Ang tagal nyang magreply eh. Tapos, na-seenzoned na si Nica. Kaya pinagpatuloy nalang namin yung ginagawa namin.

Pero bakit sineen nya lang? Bakit parang hindi nya masagot? O ayaw nya lang sagutin?

"Di ba, nagkagusto si Nerissa kay Daniel?" sabi naman ni Jella.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon