Brielle's POV
"Kasi wala lang." then he laughed like a fucking retard.
"Leche." bulong ko pero sapat na para marinig nya.
"Hindi, sinama talaga kita dito para.." sabi nya tsaka nagpause.
"Para?" tanong ko.
"Excited? May lakad? Bumebwelo pa nga lang ako eh." sabi nyang nakatutok sa phone nya.
"Anak ng.." bulong ko.
"Haha. Oo na, eto na. Dinala kita dito para makapag-usap tayo ng maayos." sabi nya.
Ano daw?
"Ano bang pag-uusapan natin? Wala naman di ba?" sabi ko.
Parehas naming hindi nakikita ang isa't isa kasi ako, naka-indian sit sa kama habang nakahiga sya. Nasa likod ko sya.
*silence*
Maya maya..
"Daniel.." tawag ko.
"Brielle.." tawag nya sakin. Sabay kaming nagsalita. Huminga sya ng malalim.
"Mauna ka." sabi nya.
"No, forget it. Wala yun." sabi ko.
"Sabihin mo na. Please?" ang seryoso ng boses nya.
Sasabihin ko ba? Parang mali kasi eh. May boyfriend ako. Tapos ganto? Grabe, ang sama ko.
"Nagseselos kasi ako." my voice broke.
Yeah, I admit it. Nagseselos ako sakanila ni Janella. Masyado silang close. Alam kong hindi sila, pero nakakaselos talaga. Lalo na pag math time namin. Nagkukulitan, asaran. Mga ganun.
"Saan? Kanino?" tanong nya.
Iling lang ang naisagot ko. Hindi na ko makapagsalita.
"Si Janella ba?" tanong nya.
Hindi ako nagsalita. Silence means yes.
"Oo, naging MU kami dati. Pero wala na yun. Ano ka ba, pinagseselosan mo sya eh ikaw ang mahal ko." sabi nya.
Ano bang sinasabi nya? Dapat ba akong maniwala? Alam kong si Janella pa rin.
"Pwede ba, Daniel. Kung nangtitrip ka, wag ganyan. Hindi nakakatawang prank yan eh." sabi ko.
"Hindi ako nangtitrip or nanggo-good time or nagpaprank. I'm fucking serious here. Alam mong minsan lang ako maging ganto, Brielle." sabi nya.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero minsan lang talaga sya magseryoso. Kasi kung pekeng seryoso lang, tatawa tawa yan. Yeah, ganun ko sya kakilala.
"Mahal kita. Akala ko, si Janella. Pero hindi. Kasi ikaw Brielle, ikaw yung mahal ko." sabi nya. Yung boses nya, seryosong seryoso.
"Eh bakit sabi mo, tulungan kitang magmove on?" tanong ko.
"Makakamove on lang naman ako sayo kung mamahalin mo rin ako." sabi nya.
He suddenly wrapped his left arm around my waist. And that made me cry really hard.
"Brielle, mahal kita. Iwan mo na sya." sabi nya habang nakayakap sakin. His voice.. His voice.. It was broken. He's crying.
Nag-indian sit din sya sa harap ko. Pero nakatungo sya.
"Please, iwan mo na sya. Ako nalang." sabi nya at hinawakan nya yung left hand ko gamit nung right hand nya.
"Bago mo pa aminin sakin na mahal mo ko, gusto na kita. Hindi mo lang alam, napapansin ko lahat ng ginagawa mo para sakin. Kahit utos utusan kita, sumusunod ka. Natitiis mo pa ugali ko.."
"Dati, hindi ko masabi sayo na mahal kita. Pero ngayon na meron ng nagmamay-ari sayo, saka ako umeeksena. Hindi ko na kasi kayang itago, Brielle. Kada nakikita ko kayong magkasama, tangina nasasaktan ako.."
Iyak na ako ng iyak.
"Hindi ko gustong sirain kayo. Nasayo ang desisyon. Pero gusto kong hilingin sayo na iwan mo na sya at ako nalang.." mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi to? Kung kelan, meron ng sya. Bakit ngayon lang?" tanong ko.
Mahal ko sya. Pero kaya ko bang mang-iwan para sa iba?
"Maghihintay ako." sabi nya.
Pinunasan nya yung mga pisngi ko. Kinuha nya yung panyo ko tsaka ipinunas sa mga luha nya.
"Wag ka ng umiyak. Maghihintay ako. Mahal na mahal kita." sabi nya at ngumiti.
Hinawakan nya ang batok ko saka inilapit sakanya at hinalikan nya ko sa noo ko. Dun ko narealize na mahal ko talaga sya.
Ngumiti nalang ako sakanya.
"Pasok na tayo." sabi ko.
"Teka lang, maya maya. Namumugto mata mo eh. Mamaya, makita ni Mama, pagalitan ako. Sabihin, pinaiyak kita." sabi nya.
"Pinaiyak mo naman talaga ako." sabi ko. Natawa kami.
"Tara na." sabi nya.
Pero nakaupo pa rin ako.
"Bakit?" tanong nya.
"Favor nga." sabi ko.
"Ano yun?" tanong nya.
"Hmm.. Pa-hug. Please? Yung mahigpit huh?" sabi ko.
"Yun lang pala eh." ngumiti sya tsaka nya ako hinila patayo at niyakap ng mahigpit. As in, mahigpit.
"Thank you and sorry." bulong ko.
"Its okay, B." sabi nya tsaka kiniss ako sa cheek. Hay, ang jerk talaga.
"B?" I asked.
"Short for Beautiful." sabi nya.
"Baliw." sabi kong natatawa tsaka pumasok na kami.
"Mauna kang pumasok sa gate ah? Sunod nalang ako." sabi ko.
Pagdating namin dun, naglalakad ako mag-isa.
"Babe!" tawag ni Storm.
"Oh?" tanong ko.
"San ka kanina? Text ako ng text sayo. Hindi ka lang magreply." sabi nya.
Shit. Alangan sabihin kong "Nasa bahay kasi ako ng taong mahal ko." That's a big NO, NO. Isip ng palusot, Brielle. Isip. Ayun!
"Sorry, umuwi kasi ako. Alam mo na, malayo bahay namin. Kaya hindi na ako nagpa-petiks petiks." sabi ko.
"Aah, kaya pala mejo late ka na." mukhang lumusot naman.
"Ehm. Sige, pasok na ko." sabi ko.
"Hatid na kitang classroom mo." sabi nya.
"Wag na. Kaya ko na." sabi ko.
"Sige. Ingat babe. I love you." sabi nya.
"Ingat." sabi ko tsaka na ko lumiko ng way.
Pagkapasok ko ng classroom namin, nakangiti si Daniel na nakikipagkulitan sa mga classmates naming boys. Nung nakita nya akong papasok, ngumiti sya saka nakipagkulitan ulit.
Nakangiti rin ako. Naupo na ko.
"Oh, best. Kamusta? Have you already realize what you have to realize?" she asked.
Yang bestfriend kong yan, masyadong mysterious. Ngingiti ngiti lang, tatawa tawa lang. Pero ni minsan, hindi ako nakarinig ng problema nya. I mean, never syang nag-open up sakin. Pero nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. As in sa lahat.
"Narealize ko na nga ata talaga. Feeling ko, timer na ako. OMG!" pagmamaktol ko. Binatukan nya ako.
"Gaga, choice mo yan." sabi nyang tatawa tawa.
"Hala. Anong gagawin ko?" tanong ko.
"Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama." sagot nya.
"Kung anong tingin ko ay tama? Edi, follow my heart?" tanong ko.
Pero napaisip ako sa sinagot nya.
"Our heart is located at the center of our chest, but beats at left. It just states the fact that our heart is not always right."
BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...