Chapter 13

79 1 0
                                    

Brielle's POV

"Uwaaaaaaaaaah! Ayoko naaaaaaaa!" sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay!" sigaw nung isa.

Andito ako ngayon sa bahay nila Callan. Sabay kaming nagrereview para sa semi-finals namin.

"To naman. Porke matalino ka lang eh! Hmp!" sabi ko.

Tinigil ko muna ang pagbabasa ko. Nagpagulong gulong ako sa kama nya. Nakaupo sya at nakasandal sa headboard.

"Wag ka ngang magulo!" suway nya sakin.

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Maya maya lang, ako naman yung hindi nya pinapansin. Masyado syang seryoso. Guluhin ko nga buhay nya. *evil laugh*

Nagtatatalon ako sa kama nya. Wow! Hindi effective. Pero kita sa mukha nya ang pagkabwisit. Haha.

Aba! Hindi pa rin ako pinapansin. Nagpagulong gulong ulit ako. Wala pa rin.

Oo, papansin lang ako. Nasanay kasi ako na nasakin attention nya.

Humiga ako sa lap nya. Aba! Sinulyapan lang ako?! Argh!

Hindi mo ko papansinin ah?

Nilusot ko yung ulo ko sa librong binabasa nya.

Bale, nasa likod ko yung libro at yung mga braso nya, nasa balikat ko.

Yung mukha ko, kaharap nya.

Yung ilong ko, nakadikit sa ilong nya.

At yung labi ko, nakadikit sa labi nya.

Huh? Nakadikit? *processing*

WHAT THE FUCK?! NAKADIKIT YUNG LABI NYA SA LABI KO! Oh my holy cow!

Parang parehas na ayaw magprocess sa utak namin yung nangyayari. Parehas lang kaming nakatitig sa isa't isa pero walang gumagalaw.

Yeah, my lips are still pressed on his lips.

Nakarinig nalang ako ng pagbukas ng pinto at ng...

"Mama!!! Mama oh!!!!! Si Kuya Gab at Ate Brielle, nagkikiss!!!!!!!!" sigaw nung maingay na kapatid ni Callan.

Matic kaming napaayos ni Callan. Okay? That was awkward.

Biglang pumasok yung mama ni Callan na nanlalaki ang mga mata.

"Tita, its not what it looks like." sabi ko.

"Mom. Uh, well. Yeah. It is. I mean, no. Argh! Patay ka sakin, Beatriz!!!" sigaw nya.

Tumayo sya at akmang hahabulin na ang kapatid nya. Pero pinigilan sya ni Tita.

"Hep hep! Don't try to escape, Gabriel." sabi ni Tita.

Natawa ako.

"Great. Just, great." I heard him murmured.

"Tita, sorry po. Kasalanan ko po kasi. Nagrereview sya tas ginugulo ko po sya. It was an accident po." sabi ko. Seryoso kasi yung mukha ni Tita.

Mejo natatakot tuloy ako.

"Ehem! Seriously..." sabi nila. Muntik na akong mapadasal sa sobrang kaba eh.

"...Kinikilig ako sainyooooooo!!! Oh my God! Aaah! Kinikilig ako! Sayang nga lang, hindi ko nakita! Ulitin nyo nga?! Hihihi." tili ni Tita.

Nagtinginan kami ni Callan and both mouthed, "What the fuck?"

Grabe! Tawang tawa ako sa reaction nila. Haha. Hindi ko inexpect yun ah?

"Ma!" saway ni Callan.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon