Brielle's POV
"Tss. Ang aga aga, puro ganto." sabi ko. Puro 'Happy Valentines' kasi mga group messages na narereceive ko.
Pero bitter lang talaga ako kasi hindi pa nya ako binabati. Nakaka-bad vibes.
Valentines naman kaya panigurado, walang klase. Kaya nagpa-late ako.
Pagkarating ko ng school, nakasimangot lang ako. Parang pasan ko ang mundo.
Pagpasok ko ng gate, may sumigaw ng "Anjan na sya!"
And the next thing I knew, I was kidnapped. De joke. OA ko lang. Naka-blind fold ako tsaka may apat na humihila sakin.
"Oy, ano ba! Bitawan nyo nga ako! Kung dadalin nyo man ako sa mga booths, make sure na pogi yung partner ko ah! Kung hindi, patay kayo sakin." sabi ko. Di na ko umangal at nagpahila nalang.
Maya maya, tumahimik. Binitawan na rin ako nung mga unggoy na yun kaya inalis ko na yung blind fold ko.
Nagulat ako sa nakita ko. Si Storm, nasa harap ko. May hawak na rose.
Is he trying to win me back? I asked myself.
"Brielle, sorry kung wala masyadong effort. I dunno how to sing nor even to play guitar. Kaya pasensya ka na." sabi nya.
"I just want to say sorry sa mga nagawa kong mali sayo. I know, I'm a big jerk. Please, give me another chance to prove to you that I love you.." he said.
"You changed me. You changed me for the better. Brielle, totoo to. Mahal kita. Mahal talaga ki--" sabi nya.
"Stop. I'm sorry." sabi ko tsaka tumakbo na.
Kahit pa magsorry sya, ayoko na. Hindi naman ako galit sakanya. Ayoko lang na umasa pa sya.
"Is it because of him?!" he shouted.
Napahinto ako sa pagtakbo.
"Tell me! Dahil ba sakanya?!" sigaw nya ulit.
Biglang tumulo ang luha ko. Humarap ako sakanya.
"Oo!" sigaw ko.
"Oo! Dahil sakanya!" sigaw ko ulit.
Nabitawan nya yung rose na hawak nya. Nanginginig sya.
"Minahal mo ba ako?" tanong nya.
Mas lalo akong naiyak.
"Minahal mo ba ako?" tanong nya ulit. Umiiyak na sya.
Ayoko ng gantong eksena!
"Hindi! Hindi kita minahal, okay?! Hindi kita minahal dahil sya ang mahal ko! Sya lang!" sabi ko.
"Ako kasi Brielle, minahal kita. Oo, gago ako dati. Pero nung mga panahong tayo na, totoo na ko sayo. Sa maniwala ka o hindi, nagbago ako dahil sayo. Minahal kita ng totoo. Ng totoo." sabi nya.
Bigla akong naguilty. Pakiramdam ko, ang sama sama ko.
"Sorry." sabi ko.
"Sorry, Storm. Sorry." mahina kong sabi.
"Puntahan mo na sya. Sakanya ka sasaya, hindi sakin." sabi nya.
Kaya umalis na ko. Nagpunta akong cr, tsaka inayos ko ang sarili ko.
Shet. Ang sama sama kong tao. Pano ko nagagawang manakit ng ibang tao? Nakaka-guilty. Sobra.
Kahit pa nangyari na yung gusto kong mangyari, yung pinaka-inaasam kong mangyari, hindi pa rin ako tunay na masaya.
Nagpunta akong cafeteria para bumili ng bottled water.
Dito na muna siguro ako. I checked my phone at ang dami ng messages and missed calls. From Jella and Daniel.
Nung mejo wala na yung mugto ng mata ko, lumabas na ko at pumunta sa booth.
"Oh? Kararating mo lang? Kanina ka pa hinahanap nun oh. Napapraning na." bungad sakin ni Jella.
"Oy flirt, eto na yung hinihintay mo." sabi nya.
"Maka-flirt naman to. Oh, ba't late ka?" tanong nya.
Bwiset to. Wala man lang rose at 'Happy Valentines' tsk.
"Wala lang." sagot ko.
Na-sense ata nilang badvibes ako. Kaya hindi na sila nagsalita.
Ang daming nagpapakasal sa booth namin. Mga malalanding estudyante. Tss.
"Putcha, napagod ako!" sigaw nung gumanap na pari.
"Kamusta naman ako di ba? Hirap talaga pag talented." sabi ko naman na natatawa.
Ako kasi tiga-kanta at tiga-piano. Naka-ilang ulit akong kanta ng "Ikaw" ni Yeng. Sakit sa vocal chords.
"Wala ng pasok mamayang hapon." sabi naman ni Daniel.
"Odi, masaya. Uwian na." sabi ko.
"Sasama ka sakin sa bahay." sabi nya.
"Na naman? Lintek! Alam mo namang takot na takot ako sa tatay mo." sabi ko. Natawa sya.
"Basta sasama ka." sabi nya.
"As if I have a choice. Oo na." sabi ko.
Nagligpit na kami tsaka umalis na.
Pagkarating namin ng bahay nila, anniversary pala ng parents nya. Ang daming handa.
"Goodafternoon po, Tito, Tita. Happy anniversary po sainyo." sabi ko.
"Salamat, Brielle." sabi nila.
Nagstart na kaming kumain nun. Nahihiya talaga ako.
"Ma, taas lang kami ah." paalam ni Daniel.
"Na naman?" tanong ko.
Pero hinila na nya ako paakyat. Pagbukas nya ng kwarto nya, may bouquet ng red roses.
Kinuha nya yun tsaka iniabot sakin.
"Happy Valentines, Gabrielle." sabi nya tsaka kiniss ako sa cheeks.
Nanlaki talaga yung mga mata ko. As in.
"Oh God! Thank you!" sabi ko at bigla ko syang niyakap. Hindi ko kasi ine-expect to eh.
"Welcome, beautiful." sabi nya at nagwink pa. Baliw talaga.
"Pahiga ako ah? Kaantok eh." sabi ko.
Nahiga ako sa kama nya.
"Usod nga! Ang taba kasi eh!" sabi nya.
"Hoy, hindi ako mataba noh!" sabi ko.
Tumabi sya sakin. Pero inaantok talaga ako kaya napikit na ko.
I felt a hand caressing my face. And that just made me more sleepy.
Pero nagulat ako ng may dumamping kung ano sa labi ko.
"I kissed you. Ibig sabihin, tayo na." sabi nya.
Napangiti ako.
"Sige." yun nalang ang nasabi ko.
"Weh? Di nga?" tanong nyang di makapaniwala.
"Ayaw mo? Sige, break na tayo." sabi ko.
"Eto naman, nagtatanong lang eh." sabi nya.
"Oo na nga di ba?" sagot ko.
"Totoo yan ah?" tanong nya.
"Ang kulit mo." sabi ko.
"Mahal mo pero." sabi nya.
Natawa nalang ako. Then, his face is getting closer, and closer, and closer until his lips met mine.
The kiss was deep. But gentle and full of love.
"I love you, B." he whispered.
"I love you too, jerk." I said. He chuckled.
Nakayakap sya sakin habang nakahiga. Kaya niyakap ko rin sya.
"You know what? This is one of the best things here in the world. To be wrapped in the arms of the one you love." he whispered and I bet, he's smiling. And that made me smile too.

BINABASA MO ANG
My Past, my Present and my Future (COMPLETED)
Teen Fiction"I just want to forget the past who hurt and broke me. Focus on my present who mend and fixed me. And look forward to whom will I end up with in the future and in every single second of our forever." -Brielle Waaah! Second story ko na! Try nyo pong...