Chapter 16

56 1 0
                                    

Brielle's POV

"May tatanong ako sayo." sabi ko kay Japeth.

"Ano yun?" tanong nya.

"Nagmamatter ba ang virginity ng mga babae sainyo? I mean, kunware, yung girlfriend mo, di na virgin. Okay lang ba sayo?" tanong ko.

Naalala ko kasi yung usapan namin ng mga kaklase ko.

Nagsimula kasi nun sa may magandang babaeng dumaan.

*flashback 5hours ago..*

"Ang ganda talaga niya noh?" sabi nung isa sa kaklase ko.

"Di na daw virgin yun eh. Laking America kasi boyfriend nya. Alam na, liberated." sabi nung isang kaklase ko.

"Oh?!" sabay sabay na sabi naming mga hindi makapaniwala.

"Oo. Totoo daw." sabi nya.

"Sayang naman sya." sabi ko.

"Kaya nga eh." pag-agree naman nung iba.

"Pag ang lalaki, hindi na virgin, nagmamatter ba sainyo yun?" tanong ko.

"Syempre. Kung ikaw na babae, virgin ka pa. Tapos kung yung boyfriend mo, hindi na, ang pangit naman nun." sabi nung isa.

"Sakin, syempre! Virgin pa ko edi dapat virgin parin yung magiging boyfriend ko. Deserve naman nating pumili kasi may maipagmamalaki at malinis pa tayo." sabi naman nung isa.

"So pag di na virgin, marumi na? Grabe naman!" sabi naman nung isa.

Ay natamaan ka teh? Bulong ko sa isip ko.

"Para sakin, oo. Marumi na. Duh? Mag-asawa lang ang tanging nagawa ng mga ganung bagay. Kayong magboyfriend lang, kahit gano nyo pa kamahal ang isa't isa, hinding hindi nyo pwedeng gawin yun kasi hindi naman kayo kasal. Napakalaking kasalanan nun. Tsaka, hindi naman dun naipapakita ang pagmamahal eh. Maraming way. Pero hindi kasama ang sex sa mga ways na yun. Sorry not sorry kung may natamaan." sabi ko. Prangka kasi ako.

Alam ko naman na tama yung sinabi ko.

"Hindi lang naman ang babae ang may kasalanan kapag may nangyari na sakanila ng boyfriend nya. Kasi, parehas nilang ginusto yung nangyari. Kung sating mga babae eh nagmamatter ang virginity ng lalaki satin, dapat sa mga lalaki, okay lang sakanila ang babaeng hindi na virgin." sabi nung isang natamaan ata kanina.

"Anong pinaglalaban mo?" natatatawa kong tanong.

"Ang point ko kasi dito, partly, kasalanan din ng mga lalaki kung bakit may mga babaeng hindi na virgin. Kasi at the first place, ginusto nila eh." sabi nya.

Ay, hugot teh?

*end of flashback*

"Ah, okay lang." sagot ni Japeth.

"Why?" I asked.

"Kasi kung mahal mo naman, matatanggap mo di ba?" sabi nya.

Napatango nalang ako. Bigla akong may naisip.

"May tatanong ulit ako." sabi ko.

"Ano yun?" tanong nya.

"Sagutin mo ng totoo ah?" sabi ko.

Nagnod sya.

"May experience ka na sa sex?" I asked.

He chuckled. It took a couple of seconds and..

"Meron na." sagot nya.

I was surprised. Seriously?

"Kanino?" tanong ko.

My Past, my Present and my Future (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon